Chapter 20

11 1 0
                                    

Chapter 20

"Hoy!" tinapik ni Shan ang balikat ko ng hindi ko s'ya sinagot sa tanong n'ya. "Ano nga?"

"Hindi ko pa alam." iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at sakto naman ang pagpasok ni Markus.

"Ito lang pagkain namin dito, Katrina. Pasensya kana." inilapag ni Markus ang isang slice ng cake sa mesa at orange juice. Okay lang naman 'to, hindi naman ako mapili sa pagkain eh.

Lumapit din si Macky at kinuha ang mga papel na nasa mesa. "Doon na ako sa kabilang mesa, mukhang busy pa kayo eh." nakangiti n'yang sinabi at mapanuyong tinignan si Shan. Kinain ko ang ibinigay ni Markus na pagkain dahil nakakahiya naman kung hindi ko gagalawin.

Tumayo si Shan kaya nalipat sa kanya paningin ko, hawak nya ang cellphone at mukhang may binabasa, nakakunot din ang noo n'ya pakatapos ay tumingin saakin.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko. Lumipat ang tingin n'ya sa relo n'ya kaya napatingin din ako sa sariling suot na relo. Alas tres palang ng hapon. Kumamot s'ya sa ulo at tumingin sa mga kaibigan.

"Okay lang ba na maiwan ka muna dito? May pupuntahan lang ako saglit." Napatingin ako kina Markus at Macky na napatingin din saamin. "Mabilis lang." Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Okay lang naman saakin kung okay lang din sa dalawa." Sinulyapan ko ang dalawa na nag thumbs up lang din saamin. Hinawakan n'ya ang ulo ko at saka sumenyas na aalis na s'ya kaya tumango na ako, ng makaalis s'ya ay napabuntong-hininga ako.

Saan kaya s'ya pupunta?

"katrina." Lumapit saakin si Markus, "Pasensya kana ah, kasi medyo boring dito ngayon." Tinignan ko si Macky na seryuso sa ginagawa n'ya, "Kung gusto mo, ililibot kita? Maraming bulaklak pa sa paligid na hindi mo nakita kanina." Ngumiti ako at sumang-ayon sa suggestions n'ya total ay wala naman kaming ginagawa. Nag-paalam lang kami kay Markus na itinaas lang din ang kamay n'ya natawa pa ko sa itsura n'ya kasi kagat-kagat n'ya ang lapis.

"Pag-aari 'to ng mga magulang namin." Pagsisimula n'ya, "Wala naman dito nakatira at pinapaalagaan lang ang mga nakatanim na bulaklak, ito din ang pasyalan namin at mga pinsan din."

"You're lucky, you have this kind of place to relax."

"Uhm... oo, iyang bahay, kaming tatlo lang din ang nakaisip na itayo yan para din may pahingahan kami pakatapos ng napaka-tiring na oras."

Hindi lang pala ang ilalim ng puno na pinag-lilipasan namin ng oras ni Shan ang nakakapag-pakalma sa kanya kundi ang lugar din na ito kung saan n'ya nakakasama ang mga taong malapit at importante sa kanya. I feel sorry, because those times that he's with me ay dapat nandito s'ya kasama sila magpahinga.

"Napaka-ganda siguro ng samahan n'yong tatlo." Nakangiti kung sinabi, napapalayo na kami sa bahay and I love view here, sobrang aliwalas at nakakaganda sa pakiramdam ang halimuyak ng mga bulaklak.

"Bata palang magkakasama na kami, natatawa nga ako tuwing naaalala iyon. Kasi si Shan ang pinaka-baby saaming tatlo." my attention got wilder ng maring ko iyon. "He's always the baby of the family, napaka-pasaway kasi pero sweet din naman."

Hindi ko iyon matatanggi dahil kahit ako ay naramdaman ang pagka-sweet n'ya to the point that I misinterpret it.

"hmm... Markus?" Tumingin s'ya sa banda ko dahil nauuna s'ya sa paglalakad, "Bakit?"

"May... Ahm... I know this is out of the topic to ask, pero may girlfriend ba talaga s'ya? Because you know? The rumors about him and his girl are spreading. I'm curious about the truth." Nagtatakang tumingin s'ya sa akin at umayos ng tayu.

"Wala ba s'yang sinabi sayo?" umiling ako, "Did you ask him?" muli akong umiling, pumikit s'ya at natawa, "That bastard."

To be honest I don't want to hear it pero sa tingin ko iyon ang makakapagbigay saakin ng lakas to convince myself to accept the truth that he's for someone else.

"Si Joana, I don't know what's with them. But every time they are together they look like a couple." Joana, that's the name that Emily and Emelyn mentioned to me. "Ang alam ko, kung may girlfriend s'ya, si Joana na siguro." Napalunok ako at kinurap-kurap ang mata.

"Siguro nga, kasi I saw his wallpaper."

"Wallpaper?" Nagtataka n'yang tanong.

"Iyong nasa phone n'ya. I saw it. Picture n'ya with the girl I didn't know, ang alam ko ay maganda s'ya." Hindi s'ya nagsalita at mukhang may iniisip.

"When did you saw it?"

"Last last week?" Kumunot ang noo n'ya.

"Hindi ko alam, wala naman akong nakita." ngumiti lang ako at iniiwas ang tingin sa kanya, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong pwedeng maupuan. "Kailangan na siguro natin bumalik? Sigurong nandoon na s'ya." Umiling ako.

"Pwede ba dito muna ako? Mauna kana doon, susunod nalang ako." Umiling s'ya mukhang hindi sang-ayon sa gusto kong mangyari.

"Naku, baka magalit iyon na iniwan kita dito." natatawa n'yang sinabi at kumamot pa sa noo.

"Promise, susunod ako." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko to assure him.

"Basta dito kalang, huwag kanang lalayo kasi baka kung saan ka pa mapunta." Ngumiti ako at tumango sa kanya, natawa pa s'ya bago ako tuluyan na iniwan doon. Nang masiguro ko na wala na s'ya sa paningin ko ay doon lang bumuhos ang kanina ko pa pinipigilang emosyon. Tumayo ako at naglakad pa, hanggang sa maabot ko ang malaking puno, may mauupuan din doon.

I cried the pain out. I hate it.

Hearing that from his close friend hurts me more than what I heard from other people. It's heart-wrenching.

At this moment I can tell that he is my first love. Nakakapanghina, nakakatakot pala ang ganitong pakiramdam. Patuloy ako sa pag-iyak, niyakap ko ang mga tuhod ko at ipinatong doon ang aking mukha. Nang mapagod sa kakaiyak ay tinuyo ko ang luha sa aking mukha at pilit na kinakalma ang sarili dahil hindi pwedeng babalik ako doon na ganito ang itsura.

Tumingala ako at busangot na tinitigan ang kalangitan. Napatingin ako sa relo ko ang mag aalas singko na pala, masyado ata ako tinagal sa pag-iyak. Kaya nagpasya na akong bumalik sa kubo.

Tahimik na naglakad ako hanggang sa makarating ako sa pinag-iwanan saakin ni Markus kanina. Huminga ako ng malalim at nilampasan iyon hanggang sa may marinig akong sigaw, calling my name.

"Katrina!" Kumunot ang noo ko at sinundan ang boses na iyon, "Katrina!" nang makalapit ako ay nakita ko sila na tila mga aligaga sa paghahanap ng kung sinong nawawala, kinabahan pa ako ng makita ko si Emily at Emelyn. Aatras sana ako ng magtama ang paningin namin ni Shan.

"Katrina!" Tumakbo s'ya papalapit sa akin at walang pasabing niyakap ako, "Saan ka ba galing?"

Why is love like this? 

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now