Chapter 28

6 1 0
                                    

Chapter 28

Bumilis ang paghinga ko sa galit at ng maalala ang kahihiyan na pag-amin ko ng nararamdaman sa kanya. I should have never done that before to someone who doesn't like me but that is the only way for me to free myself. Pero ang makita s'ya ngayon ay parang hinihila ako pabalik ng nararamdaman ko.

Nakatitig lang s'ya sa akin hindi parin lumalayo at ikinulong ako sa pagitan ng kanyang mga braso.

"Saan ka kumuha ng lakas ng loob?" Ulit ko sa tanong ng hindi s'ya sumagot. Tumitig lang s'ya sa akin ng mariin at magaan na hinawakan ang pisnge ko, I can feel the warm in it na mas lalong nagpaluha sa akin. Why I can't have him? Why he can't be mine?

Hinila n'ya ako at ikinulong sa mga bisig n'ya, nanghina ako. Naramdaman kong binuhat n'ya ako at binuksan ang pinto. Itinago ko ang mukha ko sa dibdib n'ya at mas mahigpit na yumakap sa leeg n'ya habang umiiyak.

Inilapag n'ya ako sa front seat ng sasakyan n'ya. Isinandal ko ang likod ko at pumikit habang pinupunasan ang mga tumulong luha. Hindi n'ya pa sinasara ang pinto kaya tinignan ko s'yang nakatingin lang sa akin, umayos ako ng upo amt kinalma ang sarili. Inabot n'ya ang mineral water sa likod at binigay sa akin. Mahigpit na hinawakan ko 'yon at uminom para mas makalma ang sarili.

"Naiinitan ka pa rin ba?" Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa harap. Bakit s'ya nandito? Anong ginagawa n'ya sa lugar na ganito? Mag kasama ba sila ni Joana? Baka kasama nga n'ya tapos baka makita n'ya ako diito sa sasakyan ni Shan. Bahagyang itinulak ko si Shan para makalabas ng sasakyan medyo nagulat s'ya sa biglaang kilos ko kaya napaatras s'ya. Mabilis na lumabas ako ng sasakyan at naglakad papalayo sa kanya. Masakit na rin ang paa ko dahil sa suot na sandal.

"Katrina! Saan ka pupunta?" Sigaw n'ya, mas binilisan ko ang lakad papuntang kalsada para makapaghanap agad ng taxi papuntang condo, ayukong umuwi sa bahay na ganito ang ayos.

Nang may tumigil na taxi ay mabilis ako na lumapit doon pero natigilan ng may bumalot sa akin ng itim na jacket sa katawan at walang pasabing binuhat ako, nakita ko ang pagtataka sa mukha ng driver.

"Saan ka ba pupunta?" Inis na sinabi n'ya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ba panay pakialam mo? Pwede pakibaba ako?" Maingat na binaba n'ya ako sa harap ng sasakyan n'ya.

"Ihahatid na kita baka kung anong mangyari sa'yo."Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Umiwas ako ng tingin.

"Kaya kong umuwi mag-isa ko kaya magpapahatid na lang ako sa mga kasama." Tumaas ang kilay n'ya at lumapit.

"Kanino? Doon sa kasayaw mo?" Sarkastiko n'yang sinabi, nakakainis ang ngiti na sumilay sa labi n'ya.

"Ano naman sa'yo?" Matapang kong tanong, hindi na alis ang ngiti sa labi n'ya. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa loob? Baka maraming naghihintay doon, si-- ang girlfriend mo."

Binuksan n'ya ang pinto ng front seat habang hindi inaalis ang tingin sa akin, "Pasok." Umatras ako, bakit ako d'yan papasok.

"Pasok, Katrina." Nagmatigas pa rin ako at hindi s'ya pinansin kaya nagulat nalang ako ng hawakan n'ya ang pisnge ko at muling nagtagpo ang mga labi. Pilit n'yang binubuksan ang labi ko, bahagya n'ya iyon na kinagat.

"OHMY! KATRINA!" narinig kong sigaw ni Christine, bumitaw si Shan sa halik at yinakap ako, hindi ko sila makita dahil nakatalikod ako. Itinago ko ang mukha sa dibdib n'ya.

"Charbhel," narinig kong sinabi ni Shan bilang pagbati sa kaibigan ko, "Salamat."

"Always." malumanay na rinig ko sa sagot ni Charbhel, "Iuwi mo na sa condo n'ya, I already texted you the address."

"Hindi sa Condo ko s'ya uuwi." sa gulat ko ay bumitaw ako sa yakap n'ya pero mas malakas s'ya, mabilis n'yang nahawakan ang baywang ko at napaharap ako sa mga kaibigan. Hinigpitan ni Shan ang pagkakahawak sa akin.

Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ko, si Charbhel lang ang kalmado na parang alam n'ya ang nangyayari, nahihiya tuloy ako sa mga kaibigan. Nang magtagpo ang mata namin ni Charbhel ay binigkas ko ang mga salitang nasa isip ko ngayon ng walang boses

'YOU TRAITOR!' sinigurado kong maiintindihan n'ya iyon. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay na may ngisi sa labi sabay tingin sa baywang ko.

"Wait, I-- si Jaxson?" naguguluhan na tanong ni Jelay, nakita kong palihim na hinawakan ni Christine ang braso n'ya. Nakakunot din ang noo ni Marco habang nakatingin sa akin at kay Shan.

"Sorry but my girlfriend needs to rest." Nanlaki ang mga mata ko, ano ba 'to?

"Girlfriend?" Sabay sabay na tanong ng mga kaibigan ko maliban kay Charbhel at Marco. Yumuko ako, ano na lang ang iisipin nila sa akin pakatapos kong sabihin na hindi na mangliligaw si Jaxson. Kinagat ko ang labi ko, I feel so embarassed. Kahit hindi naman totoo pero ang mahuli kami na naghahalikan tells it all.

Tumikhim si Charbhel at tinignan ang mga kaibigan namin, "Matagal na sila, high school pa lang kami." Umawang ang labi ko, what lies it is? "Kaya friends lang kaya n'ya ibigay sa mga manliligaw n'ya."

"No, Charbhel!" hinaplos ni Shan ang baywang ko kaya napatingin ako sa kanya, his eyes were fixed with Marco's eyes, masama ang tinginan.

"But she entertained Jaxson." si Jelay ulit na gulong-gulo na kahit naman ako naguguluhan eh. Nanlalaki ang mga matang napatingin s'ya sa akin, "You cheated?" Isininyas ko ang kamay ko para itanggi iyon.

"It's not cheating but I'm here to make it clear... That she's mine."

"Shan!" bulalas ko sa sinabi n'ya.

"She's mine, okay?" matigas na ulit n'ya habang nakatingin pa rin kay Marco. Inalalayan n'ya ako papasok sa sasakyan kaya sumunod na lang ako dahil sobrang nahihiya na ako. 

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now