Prologue

89 8 13
                                    


"Wala ka talagang kwenta, Tangina!" Isang malakas na sampal at malutong na mura ang natanggap ko mula saaking ina. Trese anyos pa lamang ako at kakatapos lang sa elementarya at ngayon pinapaki-usapan ko s'yang mag-eenrol ako sa high school.

"Ma, kailangan ko pong mag-aral, para makatulong naman po ako sa inyo." Nang-gigigil na tumingin s'ya saakin, pakiramdam ko anong oras man ay makakatanggap muli ako ng sampal mula sa mabibigat n'yang kamay.

"Nakikita mo naman diba? Mag-aaral din ang mga kapatid mo!" Hindi ko maintindihan minsan si mama, ako ang totoo n'yang anak ngunit mas gugustuhin n'yang pag-aralin ang anak ng bago n'yang asawa.

"Pero--"

"Walang pero-pero Katrina! Kung gusto mong mag-aral, pag-aralin mo ang sarili mo!" Hindi kami mayaman, pero may kakayahan naman s'yang pag-aralin ako dahil sa kanyang maliit na negosyo, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ako ang gusto n'yang pag-aralin, kundi and dalawa kong step sister.

"Huwag kanang mag-aral Katrina, dito ka nalang sa bahay, taga hugas ng pinggan." sarkastikong usal saakin ni Emily, narinig ko ang hagikhik ng kambal niyang si Emelyn.

"At taga laba ng mga hinubad natin." Tinaasan nila ako ng kilay at sabay natawa. Kambal nga kayo, kung sa tutuusin kayo ang dapat na gumagawa noon dahil pamamahay namin ito, at kung hindi lang inasawa ni Mama ang tatay n'yo tahimik sana ang buhay ko dito. Gusto ko silang sigawan at ipamukha sa kanila ang katutohanan ngunit naririto si mama na tila walang pakialam sa mga sinasabi ng mga bastarda n'yang anak sa akin.

Naluluhang tinalikuran ko sila, hindi maaaring maging alila nila ako rito, anak ako dito hindi katulong ng kung sino.

Pumasok ako sa aking silid at binuksan ang lumang cellphone na binigay pa ng aking kaibigan. Mayaman sila hindi tulad namin. Salamat nalang talaga at may Wi-Fi dito sa bahay dahil sa kagustuhan ng mga kapatid kong hilaw. Binuksan ko ang ginawang facebook sa akin ni Charbhel, sakanya ito galing kaya ginawan na rin n'ya ako ng account dahil hindi naman ako marunong.

Mayroon na akong friends doon, walang iba kundi ang mismong gumawa nito, I composed a message and send it to her.

Angeli Sostrian

Mayroon ka bang alam na public school? Walang tuition?

Charbhel Pateros

Wow! Finally! You already opened your account!

Charbhel Pateros

Ah, yes! Malapit lang sa school na papasukan ko, pero public ka?

Angeli Sostrian

Oo eh, pagnagkita nalang tayo, saka ko ikwekwento.

Charbhel Pateros

Public na rin ako.

Ngumiti ako sa biglaan n'yang desisyon, kahit kailan ay hindi n'ya ginustong ewan ako, kung tutuosin ay mayaman naman sila at dapat na nasa private school s'ya pero nagdesisyon pa talagang sumama sa akin.

Gaya nga ng sinabi n'ya ay talagang sa public din s'ya mag-aaral, nagkita kami kinabukasan at napagpasyahan na puntahan ang eskwelahan, naikwento ko rin sa kanya ang mga sinabi ni mama maging ng mga hilaw kong kapatid. Nandito kami ngayon sa canteen ng eskwelahan kakatapos lang namin kunin ang ang listahan ng mga requirements na kakailanganin.

"Alam mo, yang mama mo, napaka-unfair!" Wala nang katapusan ang mga rants n'ya tungkol sa nalaman, natatawa nalang ako sa reaksyon n'ya.

"At iyang mga kapatid mo? Ah- hindi mo pala kapatid, mga sambit d'yan sa bahay n'yo."

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now