CHAPTER 2

607 36 6
                                    

♡♡♡

-----

MAYLA'S POV

Umupo na muna kami sa may wishing Well, Napangiti ako ng makita ang kasiyahan na naidudulot ng mga Tubig na tumataas paibaba kay Rafa.

Napakainosente talaga nito, akala niya siguro namamasyal lamang kami tss.

Walanghiyang tiya, pati bata dinadamay.

JESSA: Ate mag wish tayo? May piso kaba riyan?

Agad kong hinagilap ang aking bulsa kung may barya pa ba ako, ngunit sa malas ba naman ay kahit ni isa wala akong mahagilap tsk.

Nakalimutan ko, hindi pa pala ako nakakapagbenta kanina ng mga Gulay dahil sa madaliang pagtawag saakin ni Jojo tsk. Paano na kami ngayon? Ni barya wala! Haynaku naman.

MAYLA: Wala eh. Di ako nakabenta kanina..

Tanging tango ang iginanti saakin ng aking kapatid, bakas sa mga mata nito ang lungkot ngunit gaya ko, mas pinipili nalamang nitong maging masaya

Ngunit si Rafael, Di mapakali't panay ang hawak sa kanyang tiyan, nag-aalala ko itong iniharap saakin

MAYLA: Rafa? Okay kalang ba? Anong problema?

RAFAEL: Gutom na po..

Anito, Nasiyang ikinabahala ko dahil wala nga akong pera, jusme naman.

MAYLA: Naku paano nato? Wala tayong pera.

Hindi pa naman pwedeng magutom tong Si Rafael dahil may Ulcer ito, sa tuwing umaalis kasi ako ng bahay at kumakayod upang makapagbenta ng gulay ay hindi pala ito pinapakaain ni Tiya Amalia, maging si Jessa at nakakakain lamang sa Oras na pag uwi ko dahil palagi talaga akong may dalang pasalubong para sakanila..

*buntong hininga*

Kailangan kong gumawa ng paraan para mapakain sila, ngunit ano namang paraan iyon?

Diyos ko po, pakiusap gabayan niyo po ako...

Luminga ako sa paligid..

Medyo kumaunti nalamang ang tao..
Tatlong estudyante ang nahagip ng aking mga paningin at ang isa roo'y inilabas ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa ng Pantalon

Napalakas ang hawak ko sa aking sentido dahil saaking naiisip na hindi magandang gawain..

Diyos ko.. Tama pa ba itong naiisip ko?
Masama ang magnakaw.. pero kasi kailangang may pambili ako ng pagkain ng mga kapatid ko.

Humugot pa ako ng maraming hininga bago ako tuluyang nagpasya na, nakawin ang wallet ng lalaking iyon

Inatasan ko si Jessa na dalhin si Rafa sa may Palengke dahil maraming tao roon saka nila ako doon hihintayin.

Sinigurado ko na munang nakaalis na sila, at ng hindi na sila tanaw ng aking paningin ay patakbo ko nang tinungo ang Lalaki

Saka walang ano-ano at buong lakas na hinatak sakanya ang kanyang Wallet

"WHAT THE FUCK!!"

Asik nito sabay hila pabalik ng Wallet dahilan para kami ay magkatitigan ngunit hindi ko talaga iyon Binitawan kahit pa napakalakas niya

"LET GO OF MY WALLET YOU THEIF!"

Anito

Ngunit nagkunwari akong walang narinig at mas lalo kopang hinigpitan ang pagkakahawak sa wallet

"Please akin na, kailangan kolang talagang gawin to, promise isasauli ko naman eh!"

Sabi ko

"ANONG ISASAULI? MUKHA MO? ISASAULI MO TO! BITAWAN MO SABI EH!"

URGH! Sabing kailangan ko lang gawin to eh! Isasauli ko naman talaga ah, pagkatapos kong pakainin ang mga kapatid ko hahanapin ko kaagad siya para maisauli tong Wallet niya

"Akin na please!"

"NO! LET GO OF IT OR I WILL CALL THE GUARDS!!"

Luminga ako sa buong paligid, wala naman akong nakikitang gwardiya sa magkabilaang entrance ng Park kaya lokohin niya na lelang niya!

"Anong guards pinagsasabi mo! Wala namang gwardiya dito ah! Akin na kasi please promise isasauli ko to sa'yo!"

"NO!! ANO BA KAYO JAN, TITITIGAN NIYO NALANG KAMING NAGHIHILAAN HINDI NIYO TALAGA AKO TUTULUNGAN!!?"

Galit niyang saad sakanyang mga kasama

At ng makita ko ang mga ito na humakbang narin palapit saamin ay saka ko buong lakas na hinila sakanya ang Wallet, Nagtagumpay ako kaya agad na akong kumaripas ng Takbo

"FUCK!!"

Dinig kopang turan niya.

Tss. Ang hilig naman ata magmura nun.

I ran as fast as I can, sabay lingon sa likuran, at mukha naman atang hindi nila ako sinundan kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Mabuti nalang

Nakita ko na mula sa malayuan sina Jess at Rafael na naghihintay saakin sa Palengke kaya patakbo ko silang tinungo at inilabas ang Wallet na ninakaw ko saaking Bulsa

Kunot noong napadapo ang tingin ni Jessa rito

JESSA: Kaninong Wallet yan Ate?

Agad kosiyang sinenyasang tumahimik dahil baka may makarinig. Sinunod niya naman ako kaya akin nang binuksan ang Wallet at bumungad saamin ang napakaraming pera sa loob niyon, puros tigtitig isang libo..

Mangha kaming napatitig roon at tila ba kumikinang ito saaming mga mata dahil sobrang kaakit akit nito para saaming paningin

MAYLA: WOW! Mukhang mayaman ata talaga yun ah! Tah mo may mga cards pa!

Bukod kasi sa Perang papel ay marami rin itong Credit Cards sa loob ng Wallet

JESSA: Nagnakaw ka ate---

Agad kong tinakpan ang kanyang bibig

MAYLA: Huy Shhh! Lang Jessa, ano kaba! Baka may makarinig ano? Gusto mo akong makulong? Tahimik lang

JESSA: O-okay , okay, sorry.

Tumango ako bilang tugon saka binuksan humagilap ng mas maliit lamang na halaga na pera

May nakita akong nag-iisang isang daang piso kaya iyon ang aking kinuha

JESSA: Ngek! Isang daan lang? Bat di nalang isang libo ate?

Sinapok ko nga sa noo

MAYLA: Adik kaba? Ano ka mayaman? E paano ko mababayaran yung isang libo sa Mayamang may ari neto kung Hanlaki ng inutang ko sa kanya, jusko ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon! Okay na tong isang daan bibili nalang tayo ng Tinapay at tubig swak na yun!

JESSA: Pero ate? Ninakaw mo nayan, isasauli mopa? Ayaw mo nun grasiya!

Sinapok kosiyang ulit

MAYLA: Anong Grasiya pinagsasabi mo ha! Ninakaw konga lang to diba? Hindi to grasiya Jess, kasalanan to. Napilitan lang ako na gawin ito dahil ayaw kong nagugutom kayo! Pero masama to, naiintindihan mo. Kaya magdarasal talaga tayo bago tayo kumain mamaya dahil mangungumpisal ako sa kasalanang ginawa ko.

JESSA: Okay po Ate.

----
Kinalaunay iginiya kona sila upang bumili na ng Tinapay at tubig saka inaya ng kumain.

Pagkatapos ne'to pupunta ako sa Simbahan upang kausapin si Father Isko, Baka sakaling makakatulog siya saaming magkakapatid.

Malapit naring dumilim at wala pa kaming matutuluyan, haynaku.

-----
@SIMBAHAN

Marahan kong kinatok ang simbahan, kakatapos lang ng misa kaya malamang magpapahinga na si Father, Sana nga lang marinig parin niya ang mga katok ko.

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now