CHAPTER 6

334 29 4
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

"Pass me your Index card and I will call you one by one" Sabi ng aming guro

Isa isang tumayo ang mga kaklase ko, maging ako upang maipasa sakanya ang aming mga Index card nina Cathy.
Pagkuwa'y muli na akong bumalik sa upuan.

"Okay, before we will start, i will first introduce myself to you."

Tumayo ito't kumuha ng Chalk upang isulat sa blackboard ang kanyang pangalan. Pagkatapos ay muling binalik ang chalk sa lagayan nito at hinarap kaming mga estudyante niya.

Bumuntong hininga siya saglit bago inihanda ang sarili sa pagsasalita

"My Name is Francine C. Sanchez. You can call me Binibining Francine for short or Bb. Francine." Saad niya ng nakangiti

Gusto kong matawa ng marinig ang sinabi niyang iyon lalo pa ng kanyang diinan ang salitang "Binibini" pfft. So Dalaga ka pa maa'm? XD

Muli itong umupo at Kinuha ang mga index card saka nagsimula ng magbasa mula roon
Ng sa ilang saglit pa ay bigla nalang may sumulpot na isa pang babaeng estudyante, o di kaya'y tomboy? Ewan ko. Napaka baduy ng kanyang porma, hindi rin siya naka uniporme kundi naka yello na P.E jogging pans lamang na tinernohan ng malaking Puting Tshirt pang itaas. Ang pack bag niya'y nakasabit sakanyang kanang balikat habang ang dalawa naman niyang mga kamay ay nakapaloob sa magkabilaang bulsa ng kanyang jogging pans.
Nagdire-diretso lamang ito sa paghakbang paloob ng silid, di alintana ang mga matang nakatingin sakanya lalo na ang guro naming ngayon ay hindi na talaga mailarawan ang itsyura.

Kung tititigang mabuti, ay maganda siya. Gaya ni Jenny nakasuot rin siya ng antipara ngunit ang sakanya'y parang walang grado at basta sinuot niyalang pang dikorasyon sa kanyang maganda't mapang-akit na mata na may mahahaba, makapal at itim na pilik mata at kilay na kahit pa hindi inaahitan o di kaya'y wala namang palamuti ay kurabdo talaga't kaakit akit sa mata.
Maganda ang kanyang ilong, matangos at maliit ang butas na mas lalong bumagay sa hugis ng kanyang mukha, Ang labi naman niya'y sing Pula ng Rosas kahit pa wala naman itong palamuting nakalagay. Ang buhok niya'y Itim na Itim na nakapusod lamang ngunit kung ito'y hahayaang nakalugay lamang ay malamang mahaba iyon, Maputi siya, mistisahin.

Basta, isang salita lamang ang nakikita ko pagdating sa mukha niya.

Dyosa siya! ☆__☆

nakakatomboy siya kumbaga, yun nga lang mukhang boyish tong isang to dahil sa galaw niya palang alam monang matikas na, pati lakad jusme.

Panay pa ang nguya niya ng chewingum.
Gayon nalamang ang paglunok ko ng makitang sa harapan namin ito Tumigil at saakin tumitig.

*gulp*

MAYLA: A-ahh.. h-hi?

Ngumiti siya ng bahagya kaya lumitaw ang malalim niyang dimple sa magkabilaan niyang pisngi, na sinabayan pa ng magaganda at mapuputi niyang ngipin.

Waahhhh ☆_☆

"Bakante pa ba tong silyang to?"

Tanong niya na ang tinuturo ay ang silyang katabi ko.

Shocks! Pati boses ang Lamig, ang ganda sa pandinig. ☆_☆

Tumango ako sakanyang tanong

MAYLA: O-oo naman! Upo ka!

Nakangiti kong saad

"Cool" tanging naibulalas niya't umupo na

Ng mapapitlag kaming lahat sa biglaang paghampas ng aming guro sa Mesa.
Lahat kami napatitig sakanya maliban sa babaeng katabi ko.

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon