CHAPTER 9

408 27 6
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

Pagkatapos kong maligo'y agad konang tinungong muli ang kusina upang makapaghanda na ng aking lulutuin, ang una kong ginawa ay kinuha ang mga na ideprose na palang karne ni Manang Esme kagabi sa Fridge. siguro'y bago paman siya pumasok sakanyang kwarto at mag pahinga ay tinungo niya na muna itong kusina upang maihanda na ang mga karneng kakailanganin ko.

Napangiti nalamang ako sa aking isiping iyon

Hindi ako marunong sa de Pindot pindot nilang lutuan kaya't mabuti nalang at may option 2 pang lutuan, ang de gasul. Ito lamang ang marunong ako dahil meron din nito si Tiya, Nakakagamit pa ako nun noong nabubuhay pa si Mama dahil paminsan minsan ay tumutulong ako sa pagluluto.

Binuksan ko na muna ang Apoy, saka ko isinalang ang Kalderong aking paglulutuan ng Sinigang, nilagyan ko ito ng Mahahati sa kaldero ng tubig, aantayin ko na muna itong kumulo

Kaya't habang ako ay nag aantay ay isa isa konang hinanda ang mga sangkap, shempre pag sinigang importanteng may gulay kaya't mabuti nalang at halos lahat ng gulay na kakailanganin ko'y nasa loob ng kanilang Fridge.

Pagkatapos kong maghiwa ng mga sangkap at Kumulo na ang Tubig, akin nang inilagay ang Pitong piraso ng karne saka

At sa mga sumuod na minuto'y isa isa konaring inilagay ang iba pang sangkap.

----

Aantayin konalamang itong maluto, samantalang sa isa pang Lutuan ay isinalang konaman ang malaking kalderong naglalaman ng tubig..
Gaya ng sinigang hinayaan ko na muna itong kumulo bago ko inilagay ang karne

Sumunod naman ay ang mga sangkap.

Nagsaing narin ako ng bigas para wala na gaanong gagawin pa si Manang Esme. Baka kasi mamaya pang gabi umuwi rito ang sinasabi niyang isa pang katulong.

---
Paglipas ng ilan pang minuto'y tapos konang lutuin ang sinigang kaya naman minabuti konang kumuha ng pitong tigpapares na pinggan, kubyertos at mangkok saka ako nagtungo sa Dining area upang ilatag na ang kanilang mga pinggan sa mesa, bumalik pakong muli sa kusina upang kumuha ng kanilang mga baso..

Sakto naman ding naluto na ang kanin kaya kumuha na akong malaking lagayan nito't nilagyan ko ng Scoop para sa kanin.

At akin na iyong dinala sa Dining area upang mailatag narin sa mesa, kasunod niyon ay akin naring inihanda sa mesa ang bagong lutong sinigang.

Napasulyap pa ako sa Orasang nasa tabi ng Fridge, 5 am na pala, sakto namang nakadinig ako ng mga kalambog galing sa hagdan..

Sunod sunod iyon, hudyat lang na may mga bumababa na galing sa itaas.

Kaya naman inihanda ko ang aking sarili upang magiliw silang salubungin, batiin at ngitian.

Gaya ng mga nakikita kong ginagawa ng mga Empleyado sa fastfood chain. XD

Unang bumaba yung lalaking may mahaba ang buhok.

Napangiwi pa ako ng mapansing gwapo din ito, kagabi kasi'y hindi kopa gaanong naaninag ang kanyang mukha ngunit ngayon..

Wew, ang lakas ng appeal niya at mas lalo pang nagpapalakas ng kanyang appeal ay ang kanyang buhok na mas lalong hot tignan sa tuwing kanya itong hinahawi ng bahagya o sinusuklay gamit ang kanyang mga daliri

MAYLA: Goodmorning sir! Breafast?

Magiliw kong bati sakanya

"Make me pick." Aniya

Na may ngiting nakakaloko sakanyang labi
Kunot noo kosiyang tinitigan dahil sa hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi.

Bakit ko siya papipiliin? At papipiliin sa alin?

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon