CHAPTER 2

364 27 14
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng Orasan.
Dahilan para ako ay mapabalikwas ng bangon at daglian itong pinatay.

Ngunit saglit din akong natigilan, at nilibot ang paningin sa paligid..

Ng mapagtanto kong nasa Kwarto na pala ako. Pero papaano? Paanong nangyaring nandito na ako sa kwarto ko gayong sariwa parin sa isipan ko ang nangyari kagabi?

Goodnight Pikachu..

Mga huli niyang katagang binitawan sa malambing na tono habang nakayakap ang braso sa bewang ko..

Ni hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako tapos ngayon bigla nalang akong magigising at nandito na ako saaking kwarto?

Di naman siguro panaginip lang yung kagabi hindi ba?

Tsk.

Malapit na palang mag alas Seiz ng Umaga, alas Otso ang klase ko. Kaya't bumangon na ako at dumiretso na sa banyo upang makaligo.

Mabilis lamang akong naligo at nagbihis na muna ng damit pambahay. Nasa kwarto kasi ni Manang Esme ang aking Uniporme, sabi niya kasi kanya na muna iyong paplansahin upang hindi gusot-gusot pag akin nang susuotin.

Pagkalabas ko ng aking kwarto ay Nakaluto na pala sina Manang, Agad silang lumingon sa gawi ko ng maramdaman nila ang aking prisensya.

EMILIA: Uy, Goodmorning Magandang Estudyante! Char! Student nasiya ngayon!

Nanunukso niyang saad

MAYLA: Si ate Emilia Talaga!

Nakangiti kong tugon. Saka lumapit sa naglulutong si Mamang Esme.

ESME: Oh nagugutom ka na ba? Kumain ka na muna.

MAYLA: Ay, hindi na po muna.. Uhm--Anjan na po ba sa labas ang mga amo natin?

ESME: Aynaku, yaon nga at tawagin mo sakani-kanilang mga kwarto, Alam kong puros lasing ang mga yun kagabi kaya nagluto ako ng Sopas.

MAYLA: Eh? Si sir Arnaldo po kaya?

ESME: Si Sir Arnaldo maagang Umalis, hayaan mo na't ganoon talaga yun. Busy kasi sa trabaho si sir kaya paminsan minsan lamang natin siyang nakikita rito. Osya tawagin mo na ang Pito.

MAYLA: Opo.

Pagkuway Madali na akong Nagtungo sa kwarto nila.

*Knock* *knock*

MAYLA: Sir, Felix.. Sir, Maximo! Daniel! Ben! Sir Austin, Sir Vough At Dylan! Kakain na po!

Sigaw ko na alam kong maririnig nilang lahat..
Kinalaunan pa ay nagsipagbukas na ang kanilang mga kwarto saka sila isa isang lumabas.

FELIX: Goodmorning Mayla! *Smiles*

MAYLA: Goodmorning din po sir!

BEN: Morning baby! Cute cute mo talaga! Uy teka, Ano nga pala oras ng klase mo?

MAYLA: Alas Otso po.

BEN: Ah kung ganon edi sumabay kanalang saamin.

MAXIMO: That'll be great.

Tumango nalamang ako bilang tugon ng makita kong lumabas narin si Dylan galing sakanyang kwarto.

Nakasuot lamang siya ng manipis ngunit malaking sandong Itim saka shorts.
Waring tumalon ang aking puso ng mapansin ang pag gawi niya ng tingin sa akin..

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now