CHAPTER 5

374 30 11
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

Saktong Alas otso kaming nakarating ng School, mabuti nalang din at hindi ako gaanong nawala dahil hinatid ako ni sir Felix saaking Silid Aralan.

Humugot ako ng hininga at pinakawalan iyon sa kawalan.
Pilit na pinapakalma ang sarili, Halos magtatatlong taon din kasi akong tumigil sa pag-aaral kaya naman halos hindi ako magkanda apuhap sa kabang aking nadarama ngayong araw, pakiwari ko'y Ito ang kauna-unahan ko na namang pagtungtong sa paaralan.

Ang laki ng paaralang ito, ni hindi nga ito mukhang paaralan pagkapasok ko palang dito ay bumungad na saakin ang mga naglalakihang buildings ng School.

Parang malalaking Building ng kumpanya sa Maynila, di mo talaga aakalaing paaralan ito.

Idagdag pa ang nakakalulang pagsakay ng Elevator marating kolang ang 2nd floor kung saan naroroon ang aking silid aralan.
Nanginginig ang aking mga paang pumanhik sa loob ng Room, Marami ng Estudyante.. Maliban nalang sa guro.

Ang iba'y nagtataas ng kilay habang nakatitig saakin, at ang iba nama'y nakangiti.. lalo na ang mga kalalakihang nasa gawing likuran.

"Haba ng legs, sexy!" Dinig kong saad nila

Hindi ko iyon ikinatuwa kaya inirapan ko sila.
Naghahanap ang mga mata ko ng Bakanteng Silya ng bigla kong madinig ang pagtawag ng Iilang babaeng estudyante sa gawing Likuran

"Hoy, Girl dito ka!" Saad ng isang may mahaba ngunit itim na itim na buhok

Nginitian kosiya't nilapitan.
May dalawa pasiyang katabi na nakangiti rin saakin.

"Upo ka." Nakangiting sabi saakin ng babaeng nakasalamin, animo'y nerd kung siya'y tititigan. Ang puti niya at mukha siyang koreana..

MAYLA: Salamat. *smiles*

"Anong pangalan mo?" Tanong saakin ng baabeng may kulot na buhok na medyo kulay Kahel

MAYLA: Ah.. ako si Mayla Sandoval. Kayo?

"Ako si May." Aniya

"AKo naman si Cathy." Saad ng babaeng tumawag saakin kanina

Napasulyap ako sa babaeng katabi ko na nakasalamin, busy kasi ito sa pagbabasa kaya malamang hindi niya narinig ang aking pagpapakilala

tumikhim ako upang aking makuha ang kanyang atensyon, successful naman dahil tumingin siya saakin pabalik ng nakangiti

MAYLA: Ako si Mayla Sandoval, Ikaw?

"Ahh ako si Jenny Montevérde, nice to meet you." Sumilay ang nagiisang malalim niyang dimpol sa kanan niyang pisngi na mas lalong ikinaganda niyang tignan.

Nakakatanga siya pag pinagmamasdan

CATHY: so? New comer ka ba dito?

Dinig kong natawa ang katabi niyang si May at hinampas siya nito ng bahagya sa braso

MAY: Baliw! Anong New comer! Transferee kamo!

CATHY: Diba pareho lang yon?

Nakangiti ko silang binalingan ng tingin

MAYLA: Tama, transferee nga ako.

CATHY: Ahh, kaya pala bagong mukha.

JENNY: Ilang taon ka na?

MAYLA: 18 Kayo ba?

CATHY: Ako 19

MAY: Same here 19 din ako..

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now