CHAPTER 15

368 28 4
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

@KINATANGHALIAN

Oras na ng pagkain sa tanghali, kaya nagtungo na ako sa Kusina.
Nadatnan ko naman dun si Ate Emilia, na busy sa paghahanda ng mga pinggang kakailanganin sa pagkain ng aming mga amo

Nakita niya akong papalapit sakanya kaya agad niya akong nginitian, at gayon naman din ang ginawa ko sakanya

EMILIA: O' nariyan ka na pala, pwede bang makisuyo sayong tawagin mo muna yung mga lalaki at ng makakain na sila. Kumain kana rin dito sa kusina pagkatapos para makapagpahinga kana nga ng maayos sa kwarto mo.

MAYLA: Sige po.

Nakangiti kong tugon, saka patakbo nang tinungo ang hagdan at umakyat na sa taas.

Ngayon palang ako nakadama ng antok *sigh*

Ng makarating na ako sa ikalawang palapag, tinungo ko na ang kani-kanilang mga kwarto.

Shempre kailangan na muna nating kumatok ano? Mahirap na baka mapagalitan na naman tayo ng di oras.

*knock* *knock*

Kay sir Benjamin ang pinakamalapit na Kwarto kaya sakanya ang una kong kinatok

Agad naman niya itong binuksan mula sa loob

BEN: O' Mayla?

MAYLA: Sir kakain naraw po. Bumaba nalang po kayo sa ibaba..

BEN: Ahh sure, sige. Ikaw ba kumain na?

MAYLA: Mamaya pa po ako kakain.

BEN: E' naligo kana ba? *smirk*

Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya, ba't naman kasi kailangan pang itanong yun!

MAYLA: Kakain po ba kayo o hindi?

Bigla nalang siyang humagalpak ng tawa na parang tanga sa aking harapan

BEN: *laugh* you should've seen your Face! Oh well kakain na po misis Monteriallé *wink*

Anong tinawag niya saken? Misis Monteriallé! Err!

MAYLA: Okay kalang ba ser? Para ka atang nakahithit ng ipinagbabawal na gamot! Hayst ewan ko sayo! Puro ka biro!

BEN: *chuckles* Who say's I'm kidding tho. Malay mo? Isa sa aming pito ang mapapangasawa mo diba? *wink* Seeya baby!

Pilyo niyang saad sabay hakbang lagpas saakin at bumaba na sa hagdan..

*sigh*

Naipikit ko nalamang ang aking mga mata dahil sa sobrang pag iinit ng aking mga pisngi..

"Malay mo? Isa saaming pito ang mapapangasawa mo diba? *wink*"

Jusmio.. paano niya nasasabi ang mga katagang iyon?

di ko tuloy mapigilang hindi maisip si sir Felix, jeske. Ng masabi ni sir Benjamin iyon ay siya kaagad ang rumihistro saaking isipan..

Kyaaaah! Gusmising ka Mayla! Malabong mangyari yang sinasabi mo ano? Tss. Apaka ambisyosa mo naman ata.

Bumuga ako ng hangin sa kawalan at inayos ang aking postura saka muli nang humakbang sa kasunod na kwartong aking kakatukan

Kwarto ni sir Felix

Ohmaaayy...

*chuckles*

Yung puso ko sobrang bilis ng kabog, di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kinikilig ako.. jusme, ganito ba talaga pag kinikilig ka? Para kang natatae kahit di naman..

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon