CHAPTER 3

550 34 4
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

--
@SIMBAHAN

MAYLA: Father.. Father..

JESSA: Ate mukhang hindi ata tayo naririnig sa loob.

MAYLA: tulungan mo kaya akong kumatok? Baka sakaling marinig niya tayo.

Saka namin muling kinatok ang pintuan, Siniguradong Malakas ang bawat katok upang marinig kami sa loob

Hanggang sa kinalauna'y narinig na namin ang pagpihit ng Hawakan ng pinto, sinyales bumubukas na ito

Iniluwa mula roon si Father na naka pantulog na damit na, agad kaming Lumapit upang Mag besa mano sakanya

FATHER: OH, Mga bata? Anong ginagawa ninyo rito't gabing gabi na, halasige pasok. Pumasok kayo

MAYLA: Salamat po Father.

JESSA: Pinalayas po kasi kami ng aming Tiya, kaya wala po kaming matitirhan Father, pwede po bang dito nalang kami makikitulog?

Walang pasintabing saad ni Jessa, gusto ko tuloy siyang batukan dahil sa biglaan niyang bungad

FATHER: Ano kamo? Pinalayas kayo ng inyong Tiya? Haynaku oo, osiya hali kayo rito't ng makapagpahinga na kayo. O' kumain na ba kayo?

JESSA: Kumain na po, galing sa Nakaw ngalang.

Dagdag pa ni Jessa, Sa wakas nabatukan konanga! Siraulong babaeng to, ipapahamak pa ata ako

FATHER: Anong sinabi mong galing sa nakaw? Nagnakaw kayo?

MAYLA: A-AH.. Isang daan lang naman po Father, isasauli kodin po pagka nagkapera na ako---

FATHER: Maliit man o malaki Mali parin ang ginawa mo Ihja, alam mo iyon hindiba? Kung nagugutom kayo bukas ang pinto ng Simbahan para sa inyo, Kahit pa sabihing isasauli mo ang Pera'y nagnakaw ka parin at sa mata ng Diyos hindi mo iyon mababayaran hangga't hindi mo pinagsisihan ang ginawa mo at babaguhin mo na ang iyong pag-uugali.

Pangaral ni Father, Tumango nalamang ako bilang tugon habang nakayuko dahil sa sobrang kahihiyan

Kinalauna'y iginiya niya kami mula sa maliit na pasilyo ng simbahan hanggang sa Huminto kami sa tapat ng isang kwarto

FATHER: Osya dito na muna kayo pansamantalang tumuloy habang wala pa sina Sister Maria nasiyang head ng Anghel Dela gwardia, bahay ampunan upang sila na ang mag-alaga sa inyo

MAYLA: P-po? Pero Father?

FATHER: Ihja magpahinga na kayo at ako nama'y tatawagan na muna sina Sister upang ng sa gayon ay, bukas na bukas din ay kanila na kayong kunin na magkakapatid.

MAYLA: Pero Father Isko; Ayaw po namin sa Bahay ampunan!

Pagsusumamo kong saad

Mahirap na kasi baka doon pa nila kami paghihiwalayin ng mga kapatid ko, at pagkatapos ipapaampon nila ang mga kapatid ko ng hindi ko nalalaman! Aynaku basta hindi ako papayag!

FATHER: Mayla, Ihja. Sa bahay ampunan mas mapapangalagaan kayo doon, mas makakakain din kayo ng masasarap na pagkain dun, makakapag-aral pa ang mga kapatid mo, Oh? Ayaw mo ba nun?

Saglit akong nag-isip sa kanyang sinabi
At sumagot din naman kinalaunan

MAYLA: E' Father paano po pag dumating yung panahon na ipapaampon po nila ang mga kapatid ko? Paano na? Father ayaw ko po ng ganun! Ayaw ko silang mahiwalay saakin!

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora