CHAPTER 14

299 25 9
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

@SCHOOL

MAY: Oy! Oy! Oy! Mayla! Hmmm! May dapat kang I-explain saamin ngayon ghorl!

Ani May na kakarating lang. Pfft. Mas nauna pa kasi ako sakanilang pumasok, mabuti nalang at Wala raw si Bb. Francine ngayon kaya walang klase sa Subject naming Values

MAYLA: Ano namang kailangan kong i-explain sa inyo.

CATHY: Huy Mayla, wag ka nga mag prentend jan na as if di mo alam, Ano yung happening's kahapon aber!

Kunot noo akong nagpatapon tapon ng tingin sakanilang apat, maging kasi sina Jenny At JM mataman narin akong pinakatitigan, Nag-aantay ng aking sasabihin sakanila e' sa hindi ko naman talaga alam kung ano ang tinutukoy nila.

MAYLA: Ano ba kasi yun!? Maging Spesific nga kayo, klaruhin ninyo.

Naiirita kong saad.

Nagtaas ng paa si JM at Isinandig ang kangang likod sakanyang silya

JM: Ba't mo kilala yung pitong Itlog Mayla? Anong kuneksyon mo sakanila.

Pfft. Inirapan ko silang apat dahil yun lang naman pala ang ipinuputok ng butchi nila, ang tungkol kina Dylan.

JENNY: oo nga Mayla, c-close ba kayo ni Felix?

Psh.

MAYLA: Amo ko sila Okay na kayo?

Namilog ang mga mata nila sa narinig at mumuntik nang maibulalas ang salitang 'Ano' ng Malakas! Mabuti nalang at maagap ko silang napigilan

MAYLA: Hoy! Ano ba kayo kumalma nga kayo! Huwag kayong maingay kung hindi baka may makarinig sa inyo! Lihim pa naman iyon.

MAY: Lihim!? Bakit naman lihim?

MAYLA: E' kasi si Dylan lang naman ang binabantayan ko ano, I'm his Nanny char! Kinuha ako ng Papa niya para bantayan siya.

CATHY: Bantayan!? E' ang laking Damulag na non babantayan mo pa!

MAYLA: Sira! Ee' sa yun ang utos saakin ng Papa niya. Lagi raw kasing napapabalitang nasasali si Dylan sa Gulo dito sa School kaya ganoon nalamang ang pag-aalala ng papa niya at kumuha ng Yaya.

Dinig naming bumuntong hininga si Jenny't napangalum baba

JENNY: Sana all. Ang swerte mo naman Mayla.

JM: Swerte? Aasan ang swerte dun? E' Monteriallé yun! Mga playboy! Mga siraulong basagulero!

Asik ni JM na para bang may malalim na pinanggagalingan ang kanyang mga sinabi. Halata sa mga mata nito ang galit sa tuwing nababanggit ang Mga Monteriallé. Nacururious tuloy akong tanungin siya kung bakit siya nagkaganoon..

MAYLA: Ba't ba parang galit na galit kang talaga sakanila JM?

CATHY: Oonga! Tyaka Ang popogi pa, lalo na yung Daniel Yieeeh!

*toink*

Sinapok siya ni JM sa ulo

CATHY: Aray naman!

JM: Anong ang popogi! Ang lalande kamo! Pare-pareho lang ang mga Monteriallé na iyon! Sus! Huwag nga kayong basta-basta nagtitiwala sakanila! Porket gwapo? Aakalain niyo nang santo! *Deathglare*

MAY: Galit na galit, usto manaket? Saan ba kasi nanggagaling yang galit mo sakanila e' hindi ka naman nila inaano.

Bumuntong hininga siya't umayos ng Upo

JM: Di naman ako galit sakanilang lahat e' kundi dun lamang sa pinsan nilang si Benjamin Monteriallé, ang isa sa pinaka sikat na Cassanova dito sa School.

JENNY: Ba't naman galit ka sakanya? E' mukha namang mabait yung tao.

Umarko paitaas ang kaliwang kilay niya

JM: Mabait!? *smirk* Kung talagang mabait ang gagong yun, hindi niya sasaktan ang kaisa-isang bestfriend ko!

Natigilan kami sa sinabi niya, tama nga ako. May malalim siyang dahilan kung bakit ganoon nalamang katindi ang galit niya para sa mga Monteriallé

MAYLA: Bakit? Anong ginawa ni Ben sa Kaibigan mo?

Bakas sa mga mata niya ang lungkot at makikita narin sakanyang mga mata ang pamumuo ng kanyang mga luha

*sigh*

JM: Nagpakamatay ang bestfriend ko ng Dahil kay Benjamin, gaya lang din sa nangyari sa isa pang estudyante dito noon na nagpakamay din ng dahil sa isa pang Monteriallé.

May isa pang Monteriallé?

MAYLA: S-sino ang isa pang Monteriallé JM?

JM: Si Dylan.

Pagkasabi niya niyon ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig na tila ba naging dahilan ng aking panginginig.
Hindi ko iyon Inasahan, Si Dylan? Paanong Si Dylan..

Anong nangyari at nauwi sa pagpapakamatay ang isang babae ng dahil sakanya?

MAYLA: B-baka nagkakamali kalang! Hindi magagawa Ni Dylan iyon.

JM: Mayla, wala akong sinasabi na Si Dylan ang May gawa niyon, Ang babae ang nagpakamatay at Sa tingin ko alam nila kung ano ang Rason. Basta ang nalalaman kolang ay dati nang naghahabol ang babaeng yun kay Dylan, patay na patay kumbaga. I don't know what happen next between the two of them dahil wala narin akong balita. Isa pa, nanunuklam ako sakanila noon, lalo na sa Benjamin Monteriallé na yon. Gusto kosiyang balatan! Gusto kong iparanas sakanya ang pinaranas niya sa kaibigan ko!

Gigil na gigil niyang sabi

Kailangan kong tanungin si Dylan tungkol dito, kailangan kong malaman sakanya ang totoo.

May namumuo mang selos sa damdamin ko'y pilit ko iyong iwinaglit dahil sa nadama kong awa sa babaeng iyon.

Bakit si Dylan ang Dahilan? Bakit siya nagpakamatay?

Nasapo konalamang ang aking ulo at walang ganang ibinaba sa Upuan ang aking Bag.

Bakit ba nakakaramdam ako ng Inis kay Dylan? Di ko pa naman alam ang tunay na nangyari ah.

Naisip kong kunin ang aking Cellphone sa bulsa ng aking Skirt at hinanap roon ang numero ni Dylan.

Ilang segundo pa ay sinagot niya na iyon

"Oh, Hey! Naks. Napatawag ka?"

Aniya sa kabilang linya

Naiimagine ko na ngayon ang reaksyon niya at base sa boses niya'y masaya siya.

MAYLA: Mag-usap tayo. Kailangan nating mag-usap.

"Sure, tungkol saan ba?"

MAYLA: Tungkol sa nakaraan mo Dylan.

"Wha--"

Di ko nasiya pinatapos pa sakanyang sasabihin dahil agad kona siyang binabaan.

Kahapon lamang ako umamin sakanya ng aking tunay na nararamdaman para sakanya tapos ngayon para pa atang magkaka Quarrel kaming dalawa. Charot! XD

Meron lang talaga ako gustong malaman, hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman mula sa bibig ni Dylan ang tungkol sa babaeng nagpakamatay na iyon.

Kung bakit, at papaano. At bakit si Dylan ang sinasabi ni JM na dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Marami akong itatanong sakanya at nararapat lamang na sagutin niya iyon lalo pa't nanliligaw siya saakin ano.

Pero sana.. mali si JM. Sana mali siya na si Dylan ang dahilan ng pagpapakamatay ng babaeng yun.

¬_¬

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now