CHAPTER 8

400 32 0
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

Mag aalas kwatro palang ng umaga'y nagising na ako.
Hindi din naman kasi talaga ako nakatulog kaya mas minabuti konalamang na bumangon na upang maaga akong makapagluto ng Sinigang at Bulalo.

Iyong Bulalo kasi ay matagal lutuin iyon kaya dapat ngayon palang mailaga ko na ang baboy upang maging malambot na.

----

Nagtungo na muna ako sa banyo upang maligo, mabuti nangalang at may libre naring shampoo at sabon pati narin toothbrush sa loob ng banyo kaya hindi na ako gaano pang nahirapan..

Ngunit may isa lang talaga akong problema..

Paano ba ginagamit itong shower?
Bakit may papihit pihit pang nalalaman sa itaas na parte?

Diyos ko namaaan.. paano ako maliligo ne'to? E baka kasi pag hinawakan ko iyong itaas ay makuryente ako Diyos ko tubig pa naman ang lalabas diyan. Tsk

MAYLA: Paano ba'to binubuksan? Anobayan, ano ba namang bahay to? Yung Gate ke-hirap hirap buksan tapos eto namang Shower mahirap din! E yung shower namin dati sa probinsiya'y tabo lang na binutasbutasan ko ah! Tapos kunwarian shower nalang para mas masarap ang ligo nina Jessa tch. Eto papahirapan pa ako!

*sigh*

Naisipan konalang munang lumabas upang magtungo sa kwarto ni Manang Esme, ngunit tila natutulog pa ito dahil sa naka lock padin ang pintuan ng kanyang kwarto

Naku namaan.. paano ako maliligo ne'to

"Ey, you okay?"

Napabalikwas ako saaking kinatatayuan ng madinig ang boses na iyon na nagmula saaking likuran, nasapo ko tuloy ang aking dibdib dahil sa labis na kabiglaan

Hindi ko pa siya kilala ngunit alam kong isa siya mga kasama ni Sir Dylan, dahil isa rin siya sa bumaba kagabi ng nakaboxers shorts lang, mabuti nalang ngayon at may suot na itong bathrobe kaya hindi na ako gaanong naiilang..

Ngunit shemay, ang pogi ng isang to. Mukha siyang sikat na aktor sa isang korean novela..

Matangkad, maputi, singkit ang mata, matangos ang ilong, napakapula ng labi kahit pa natural at matipuno rin ang pangangatawan..

Nalunok ko ang aking sariling laway lalo pa ng nakita kosiyang ngumiti

Shemay ang ganda ng kanyang mga ngipin at ang puputi pa!

Naku mayla, magtrabaho ka hoy!

"Alam mo, hindi na ako nagiging komportable sa mga tingin mo. Di ko tuloy alam kung nag eenjoy kaba sa nakikita mo, o natatakot ka na baka..."

MAYLA: b-baka? Baka ano po?

"Baka.. *smirk* nothing. By the way if I am not mistaken you are Mayla right? The new Nanny?"

Aniya saka humakbang patungo sa Fridge upang kumuha ng tubig

MAYLA: O-opo.. ako nga.. hihi *peacesign*

"What's with the peacesign? *smile* you seem so tense Miss.. Mayla. Kumalma ka, hindi ako nangangagat."

Sabi niya sabay kagat sakanyang labi..
O baka.. imahinasyon kolang yun

MAYLA: Ahh.. e' sino po ba kayo sir?

"My name is Felix. Here."

Saad niya sabay lapit saakin upang mag-abot ng kamay
Nagtaka naman ako sakanyang ginawa, hindi basiya nandidiri saaming mga katulong kagaya ng asungot na Dylan nayun? Ba't parang sakanya ang casual lang makipagkamayan sa katulong.

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now