CHAPTER 38

269 18 1
                                    

MAYLA'S POV

[ PAGLIPAS NG ISANG BUWAN]

Nag aya sina papa na magbakasyon, Wala pa namang Sembreak pero nagawan iyon ng paraan nina sir Arnaldo, Makakasama namin ang buo nilang angkan, shempre kasama narin  dun ang mga kaibigan ko, mga kapatid at si Papa, pati narin si Mama..

Speaking of Mama, Nagkapatawaran narin kaming Dalawa..

NAKARAAN..

Pagkatapos naming mag usap ni papa, kinausap niya ako tungkol kay Miss Emily.

Pinaliwanag niya saakin ang lahat, na wala itong kasalanan. At ang tanging dahilan nalang kung bakit hanggang ngayon ay nagsasama parin sila ay dahil saakin.

At ngayon ngang natagpuan na nila ako, wala naraw rason para maging Magkarelasyon padin sila.

Isa pa, alam naman raw niya na hindi nasiya mahal ni Miss Emily, kaya't ayaw niya nang ipagsiksikan pa ang kanyang sarili rito.

____

sa Guessroom pinayagan ni sir Arnaldo ito pansamantalang tumuloy hanggang sa maayos lamang raw ang aming gusot na mag-ina.

Bumuntong hininga pa ako ng mapansing nasa tapat na ako ng Pintuan ng Guessroom..

*sigh*

METHÍAS: Kaya mo yan anak.

Saad ni papa na nakangiti, pilit na pinapalakas ang aking loob.

Sandali pa akong muling bumuga ng hininga bago ko hinawakan ang doorknob ng pinto upang iyon ay pihitin at buksan.

Napasinghap ako ng makita si Miss Emily, Nakatalikod siya at nakatingin sa labas ng bintana..

Sinenyasan ako ni Papa na pumasok na, saka niya isinara ang pinto, na gumawa ng tunog dahilan para mapalinga sa gawi ko si Miss Emily

EMILY: Anak!

Aniya sa masiglang tinig.
Dagli siyang tumayo at patakbo akong tinungo

EMILY: Oh Diyos ko! ang anak ko!

Aniya ng mayakap ako ng mahigpit.
Hinahaplos niya ang aking buhok saka binigyan ako ng napakaraming halik saaking pisngi

Di ko tuloy mapigilang di matawa sa kanyang ginagawa

Nakita niya iyon kaya huminto siya't pinakatitigan ako sa mata

EMILY: Oh my, Am i really seeing this?

MAYLA: ang alin po?

EMILY: YOUR smiling! Hahaha And it feel so relieve to see you smile at me like that! sobrang saya ko!

Napangiti ako sa sinabi niya..

She seems so nice..

Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ni Papa, pakiramdam ko ay bigla akong nabunutan ng tinik na matagal ng nakabaon saaking dibdib.. Parang ang gaan na sa pakiramdam.. at kahit pa ngayon na kaharap ko na ang babaeng dahilan ng pag iwan niya saamin sa mahabang panahon ay para bang..

Wala na akong maramdamang galit, mas nangingibabaw ang pangungulila..

pangungulila ng isang anak sakanyang ina..

Noong namatay si Mama, sobra akong nabigo, pakiramdam ko mawawala narin ako, na para bang gusto ko nalang rin siyang sundan kasi mahina ako pag wala siya..

Na parang hindi ko kakayaning mabuhay sa isiping wala na siya..

Tapos ngayon?

Malalaman kong meron pa pala akong Ina? na buhay pa at pwede ko pang yakapin anong oras ko man gusto.

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora