CHAPTER 5

458 33 3
                                    

☆☆☆

@Bagong trabaho

MAYLA'S POV

Habang naglalakad ako patungo sa Address na binigay saakin ng May-ari ng bahay kanina sa Agency ay hindi ko mapigilang hindi mapamangha sa tuwing napapasulyap ako sa mga kabahayan na nakatayo mismo sa Village na aking tinatahak ngayon

Ang lalaki kasi ng bahay at ang iba pa'y napaka kulay..

Ang gandang tignan sa mata sobrang nakakaakit, Nakadama tuloy ako ng kaunting inggit saaking dibdib dahil sa aking mga nakikita, Pinangarap ko din kasing magkabahay ng katulad ng mga ito ngunit anong magagawa ko? E' para nga yatang hanggang sa panaginip ko nalamang iyon makakamtan e' partida, kaka pasok ko lamang noong isang araw bilang 2nd year highschool ah, tapos bigla nalang naming nabalitaan ang nangyari kay kuya *sigh* Napakamalas naman.

Nasa gitna ako ng daan ng aking muling binuksan upang tignan ang Papel na may nakasulat na address ng aking Amo

Saka muli kong iginiya ang aking mga mata sa mga numero ng Gate na aking nakikita sa bawat kabahayan

MAYLA: AYUN!

Masigla kong saad ng sa wakas nakita ko na nga ang Address na nakasulat sa papel

Napa maang bagang pa ako ng aking titigan ang buong kabuuhan ng bahay nila mula sa labas na tila ba isang mansion dahil sa sobrang ganda at kalakihan nito.

MAYLA: Wow! Sana all may bahay! Sana all May pera! Sana all hindi nagugutom! Hekhehek..

Natatawa na lamang ako saaking sarili bago ko pa lalong nilapitan ang gate upang mag Doorbell

*DINGDONG!* DINGDONG!*

Ngunit mag tatatlumpong minuto na akong nag dodoorbell mula roon at kahit isa wala man lang nagbukas ng Gate

Nakakapang gigil na talaga kaya naisipan kong sipain nalamang ang Gate dahil sa sobrang pag ka inis ng bigla-----ng

*PEPEEEEEEEEEEEP!*

Nagulantang ako sa sobrang lakas ng tunog na iyon dahilan para ako ay mapatalon at ng akin itong lingunin, Isang Itim na Mamahaling kotse pala iyon at sa likuran naman nito'y itim na Van. Agad akong tumabi upang makadaan sila ngunit nanlaki ang aking mata ng makitang sa mismong harapan ng Gate sila huminto.

Puno ng pagtataka akong nagpapalit palit ng tingin sa mga kotse at sa Gate ng may narinig akong parang tunog ng Remote control?

MAYLA: Hala! Ano yun?

At muli, Nagulat na naman ako ng biglang bumukas ang Malaking gate saka nagsimulang pumasok ang kotseng nasa unahan at sumunod naman ang Van mula sa likuran

Napahawak ako saaking dibdib dahil sa sobrang kabiglaan, pakiwari ko pa ata'y aatakihin na ako sa puso sa mga nangyayari jusko.

Agad din naman akong nabalik saaking ulirat ng mapansing gumalaw na ang Gate at waring magsasara na ito

MAYLA: Huy! Huy! Huy! Teka lang tekalang!

At sumara na nga ito ng di pa man lang ako nakakapasok.

Pashnea. ---___---

Umayos ako saaking pwesto saka ko muling kinatok ang Gate, isa, dalawa, tatlo hanggang sa sampung beses na katok ngunit ni isa walang bumukas nito

Bakit ayaw nilang buksan? E' para namang nakita nila ako kanina di'ba? Tss.

MAYLA: HOY! Pakibukas nung Gate mga maa'm ser! Pakiusap po! Nandito po ako! Hellooooo!

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now