IKALAWANG YUGTO ➖CHAPTER 1

393 27 5
                                    


[IKALAWANG YUGTO]

☆☆☆

MAYLA'S POV

[Araw Bago Mag Pasukan]

Inatasan ako ni Manang Esme na linsinin ang Living Room Dahil sa kalat na iniwan ng aming mga amo roon, nagsisipag-inuman kasi silang magpipinsan habang nanonood ng PBA sa TV.

Sabay ang Kamot at buntong hininga ko ng makita ang itsyura Ng Living Room

Jusme, Living Room pabang matatawag to? Napakalat, ang mga Plastic na lagayan ng chicharon at Chichirya'y nagkalat sa sahig maging sa mahabang Mesang Salamin

Jusko, mga tao paba yung mga yon? O mga hayop, daig pa nila Baboy eh' basta lang magkalat at pagkatapos ay iiwannan lang nila sa ganoong ayos.

Inis ko iyong pinulot isa-isa't nilagay sa Malaking Plastic Bag na kulay Itim na lagayan ng basurahan.

Ang dami nilang ininom na Soju, Malamig kasi ang panahon ngayon dulot ng may paparating na naman raw na bagyo, dinig kong saad sa Radyo na nasa kusina kanina.

Sina Ser Felix lamang ang nakita kong Umiinom kanina, si Sir Arnaldo kasi ay maagang nagpahinga dahil sa maaga pa itong papasok sa trabaho kinaumagahan.

Si Sir Dylan..

Ngumuso ako sa kawalan at napabuntong hininga ng sumagi sa isipan ko ang mga nakaraang buwang lumipas.

Pagkatapos kasi nung nangyaring pagliligtas niya sa akin noong ako ay Malunod sa Pool ay hindi niya na ako pinapansin.
Pagka naman may ipinag-uutos siya ay kina Manang Esme niya pinapagawa o di kaya'y siya nalang mismo ang gumagawa upang hindi nasiya makapang-istorbo.

Hindi naman na niya ako pinapagalitan, maging sina manang ay ganoon rin.

Sa tatlong buwang paglalagi ko rito buhat nung una kosiyang makilala ay pansin ko naman ang kanyang pagbabago.

Yun ngalang, may halong lungkot akong nararamdaman sa dibdib ko sa tuwing hindi niya ako pansinin, ni maski tapunan ako ng tingin ay di niya magawa

May parte saakin na gustong Tanungin siya kung bakit biglang naging ganoon ang kanyang pakikitungo, ngunit mas minabuti ko nalamang na sarilinin iyon at sa trabaho nalang itinuon ang pansin.

Hindi ko rin siya nakitang Uminom kanina kasama ang kanyang mga pinsan, At magmula kaninang Umaga Hanggang ngayon ay di ko parin siya nakikita..

Alam ko namang narito lang siya sa Mansion ngunit Ewan ko ba, pakiwari ko'y ayaw niya lang talaga akong makita. O di kaya'y iniiwasan niyalang akong makita.

Kung ano ang Dahilan, ay di ko alam. Ang tanging alam kolang, Ako ay nasasaktan sakanyang ginagawa.
Di kasi ako bulag, at hindi rin ako manhid, Ramdam ko ang sinsiredad niya noong nasa Probinsya kami, yung sinsiredad niya sa pagtulong, lalo na sa mga bata. Yung pagiging Maalalahanin niya at ... Ang palagi niyang pagliligtas saakin.

Bagay na alam kong dahilan kung bakit biglang gumaan ang loob ko sakanya..
Nung Una'y alam kong Galit ako. Galit ako sakanya kasi--Piling ko ang sama sama niyang tao. Kasi Piling ko, wala siyang puso sa lahat--Maging sa matanda, kina Manang Esme at sa iba pang tao.

Pero nung makita ko kung Anong klaseng Dylan siya pag wala ang iba..
Yung klase na mahilig sa mga bata..
Yung Klase ng Dylan na Malambot ang puso para sa mga Dukha--At mga batang musmos na walang mga magulang.

Yung Dylan na--Paulit ulit nalang akong Nililigtas sa kapahamakan..
Sa pagtatanggol niya saakin kina Tiya..

Lahat ng yun--Naging Tulay upang maramdaman ko itong nararamdaman ko ngayon para sakanya

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now