CHAPRER 8

319 28 7
                                    

☆☆☆

[NAKARAAN]

"You fooled me Arnaldo! How could you! Binigay ko lahat sayo! Hiniwalayan ko ang taong pinakamamahal ko para lang sa'yo! Para sa Parents natin! But what did you do! You cheated on me! You cheat!"

Mangiyak ngiyak na hagulgol ng Asawa niya
She's so broken.. Hindi niya minahal si Arnaldo noong una but because of what her parent's ask her, she did. Sinubukan niyang mahalin ito hanggang sa tuluyan na ngang nahulog ang loob niya sa kabutihang ipinapakita nito.

Ngunit biglang isang Araw nalaman nalamang niyang may ibang babae ito, at ang masama pa ay nagdadalang tao ang babaeng nakarelasyon ng lalaki.

They had been married for almost 6years.. iniwan niya ang lalaking una niyang minahal for this Man she married with, sa pag-aakalang mahal rin siya nito. But later did she knew may ibang babae pala itong kinikita, at nilalabas pagka ito ay nagbabakasyon o di kaya'y nagpapaalam for buisness matters.

She trusted him so much yet now she's broken.

Lumipas ang panahon at nanganak ang kabit ng asawa, ang masama pa nito'y sa bahay nila ito pinatitira. Sobrang nasasaktan siya, lalo pa sa tuwing nakikita niya ang asawa kasama ang kabit nito at ang sanggol na anak nila

They look so happy, para silang isang pamilya, isang masayang pamilya. Samantalang siya ay parang nababalewala nalamang sa mismo nilang tahanan na mag-asawa

Isang araw habang siya ay nagluluto ng hapunan, ng bigla nalang siyang nakarinig ng kalabog mula sa hagdan

Dali-dali niya itong tinakbo at tinungo
Nagulantang siya sa nasaksihan..

Ang kabit ng asawa niya--at ang hawak nitong sanggol ay nalaglag sa hagdan..

Ngunit ang mas ikinapitlag pa niya ay ng makita ang duguang ulo ng kabit ng asawa.
Nanginginig ang tuhod niyang tinungo ang gawi ng telepono nila, tinawagan ang emergency at asawa, sinabi rito ang nangyari.

Dinala ang mag-ina sa Hospital, ngunit gayon nalamang ang panlulumo ni Arnaldo ng madinig ang sinabi ng Doktor.

Buhay ang kanyang anak maliban sa Ina nito.

"We tried to revive her, but it was too late. Masyadong nagkafracture ang bungo ng kanyang Ulo, hindi iyon nakayanan ng pasyente so she did not survive. I'm sorry."

Saad ng Doktor

Halos maglumpasay ang lalaki sa narinig, kahit pa nasasaktan ay sinikap parin ng asawa na yakapin ang lalaki ngunit gayon nalamang ang kanyang pagkagulantang ng sa hindi inaasaha'y ginawaran siya nito ng isang matinding sampal sakanyang pisngi

"You!" Madilim ang mga matang nakatitig ito sakanya

"Arnaldo! B-bakit?" Mangiyak ngiyak niyang tugon

Di alam kung bakit nagpupuyos sa galit ang kanyang asawa sakanya

"You killed her! It's your fault! Siguro tinulak mosiya sa hagdan kaya siya nahulog! Animal ka!" At muli siya nitong sinampal

Dahilan para siya ay mawalan ng balanse at madapa sa sahig

"Anong pinagsasabi mo Arnaldo! Wala akong kasalanan! I was cooking at the moment when i heard a noise from the stairs! Hindi ko magagawa ang ibinibintang mo Arnaldo!"

Hagulgol niya

"And you expect me to believe you!? Alam ko namang sa una palang hindi mo na siya gusto! Tss. But i cannot believe that you will be this low! Na kaya mong gawin to!"

Tiim bagang nitong sabi

Galit na galit ang asawa sa ginawang pagbibintang sakanya, at naging dahilan iyon upang magbago siya

Nanatili siya sa bahay ng asawa at inantay na magkaisip ang anak nito sa kabit.

Pilit mang lumalapit sakanya ang bata ay kusa siyang lumalayo, sa tuwing tinatawag siya nitong mama ay pinapagalitan niya ito..

Hanggang sa isang araw bigla nalang siyang nakaisip ng tamang ganti sa ginawang panloloko ng asawa niya sa nakaraan, Nagkataong wala ang asawa niya kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong dalhin ang anim na taong bata sa isang Bayan

At iniwan niya ito sa gitna ng daan.
Masakit ang loob niya sakanyang ginawa ngunit pakiwari niya'y hindi niya na kakayanin pang makasama ang batang naging rason ng tuluyang pagkasira ng relasyon nilang mag-asawa

Pagkatapos niyon ay umalis siya ng bansa.
Di nasiya nagpaalam sa asawa

Doon niya muling nakita ang lalaking una niyang Minahal, Nag abroad pala ito.

Nagkaroon muli sila ng relasyon, at nagkaanak.

Ngunit ng malaman niyang may asawa na pala ito'y nagalit siya. Ayaw niyang maging kabit lang, at ni minsan hindi niya pinangarap na makasira rin ng ibang pamilya kaya nakipaghiwalay siya rito

Hindi iyon matanggap ng lalaki kaya't upang masiguradong makikipagbalikan siya ay ninakaw nito ang nag-iisa nilang anak na babae't inuwi sa pilipinas

Muli nakaramdam na naman siya ng galit sakanyang puso.

Gusto niyang mabawi ang kanyang anak
Gusto rin itong makilala ng kanyang mga magulang.

Kaya naman pumayag siyang makipagbalikan sa lalaki, yun ngalang siya ay naging kabit at naging dahilan upang makapanira ng ibang pamilya

Labis siyang nakunsenya ngunit nagawa lamang niya iyon upang muling makita at mahagkan ang anak niya

Ngunit huli na ang lahat dahil ng iwan ng lalaki ang asawa nito'y lumayo ang mga ito.

Umuwi sakanilang probinsya ng di nito nalalaman, Pagkatapos niyon ay wala na silang balita sa mga ito.

[KASALUKUYAN]

@PHILIPPINES
[NAIA AIRPORT]

And Now she's Back

At the age of 36 she's still Hot as hell.
Bata pa siya ng siya ay mag-asawa, at hindi niya pinapabayaan ang kanyang sarili kaya naman ganoon parin ang kanyang postura, tulad parin ng siya ay dalaga pa.

Kasama niya ang Kanyang Nobyong si Methías, karga nito ang kanilang mga maleta

Paglabas nila ng Airport ay agad na sinalubong sila ng isang Lalaking nakauniporme, inabot nito ang dala nila at inilagay sa likuran ng itim na SUV

"Welcome back Ms. Emily, ang ganda niyo parin maa'm!" Nakangiting saad ng lalaki

"Salamat mang Pedring. Nakapaghanda na ba sila sa Bahay?"

"Opo maa'm, naku! Siguradong matutuwa kayo dahil niluto ni Manang Evelyn ang iyong paboritong Bulalo!"

"Naku! Namiss ko nga iyon. Osya sumakay na tayo.." aniya

--
Samantala habang nasa loob sila ng sasakyan..

EMILY: You better hurry finding our daughter Methías! Sobrang haba na ng panahong nawalay siya saakin, i can't bear another year without her.

Asik niya sa nobyo

METHÍAS: Don't Worry Emily, I will find her. Makikipagkita rin ako bukas kay Frederiko, kumpare ko. May balita raw siya sakanila.

EMILY: Talaga!? Then that must be a good news!

Tumango ang nobyo

METHÍAS: Ofcourse it is. Sa wakas makikita narin natin si Mayla.

EMILY: her name is Not Mayla, She's Rebecca Emily Sandoval!

METHÍAS: C'mon Em, Mayla na ang nakasanayan niyang Pangalan, yun din ang dala-dala niyang pangalan. And what's the Matter with that? E pareho parin namang dala ang apelyido ko.

Inis nalamang na nag-iwas ng tingin si Emily, sumuko sa mga mapangutyang titig ng Nobyo.

Alam niya namang minahal niya ito noong una ngunit lahat ng iyon ay nawala ng nakawin nito sakanya ang kanyang anak at iwan nito ang sariling pamilya para sakanya.

Pilit niya nalamang itong pinakikinasamahan para sa anak niya na mula noong ito'y mapanganak niya ay hindi niya na nakasama.

I will do everything just to take you back my daughter. Everything.

Sabi niya sakanyang isipan.

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Where stories live. Discover now