CHAPTER 25

391 30 8
                                    

☆☆☆

MAYLA'S POV

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami.
Hindi naman nadin kami gaano pang natagalan sa byahe dahil wala masyadong traffic.

Masaya ako dahil may Cellphone na ako't may communication na kami ng mga kapatid ko nito, pero di ko maiwasang hindi makadama ng lungkot at matinding pagtataka kung bakit parang feeling ko iniiwasan ako ni sir Felix

O di kaya'y hindi niya ako magawang pansinin kahit pa kinakausap kosiya...

*sigh*

May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? O.. galit siya kasi hindi ako nagpaalam sakanila kanina at nag-aala pa tuloy sila't pinaghahanap ako.

*sigh*

Siguro.. kailangan kong mag-sorry sakanya.
Yung iba naman ay okay na, pero kung sakaling para sakanya'y hindi pa iyon okay.. edi magsosorry nalang ako.

Pero sa ngayon, kailangan ko na munang magpaalam kay sir Dylan, tungkol sa mga kapatid ko.

Aabsent na muna siguro ako bukas at mag-aadvance ng pera pamasahe lang para maihatid kona kina Jessa itong isang Cellphone para ng sa ganoon may communications na kami kahit papaano, para di na ako gaano pang malungkot dito.

Nasa aking kwarto na ako ngayon.
Nagbibihis ng damit, yung kaninang hinubad kolang din umaga dahil di pa naman iyon madumi.

Pagkatapos kong magbihis ay magtutungo na ako sa kwarto ni sir Dylan upang kausapin siya.

Pagkadating kasi namin kanin, e' halos lahat sila pumanhik na kaagad sa itaas. Ni wala man lang pakialam sa mga pagbati sakanila nina manang Esme at Ate Emilia

Kinuha ko nang muli ang Paper bag na may lamang Cellphone saka ako muling lumabas ng aking kwarto

Ng bigla akong salubungin ng dalawa..

ESME: Ihja! Naku, kumusta ang lakad ninyo?

EMILIA: oo nga? Kumusta yung mga boys? May nafall ba sayo? *smiles*

MAYLA: Haynaku ate Emilia, kayo talaga puro kayo yung boys. Malabo pong may mafall sakanila sakin ano? Isa pa, hindi magkapantay yung katayuan namin sa buhay ano ba kayo? *chuckles*

ESME: Pero nag enjoy kanaman ba?

MAYLA: Opo naman Manang, *smiles* sobra akong nag enjoy, isa pa ngayon lang din kasi ako nakapunta sa ganoong Malla!

EMILIA: Aynaku oo! Ang laki sobra! Pero yung boys nga? Wala talaga? Kahit ni isa?

MAYLA: Wala nga po ate! *laugh*

EMILIA: *pout* Nuhbayan, hihina naman ng mga yon, o? San kaba pupunta?

MAYLA: Kay sir Dylan po, magpapaalam po sana ako para bukas, aabsent ako dahil magtutungo na muna ako sa probinsiya, ibibigay kolang tong Cellphone sa mga kapatid ko.

Sabay silang napatingin sa paperbag na hawak ko

EMILIA: Woah! Teka lang! Iphone bayan?

Pilit akong napangiti't tumango

EMILIA: Wow! Ang taray naman ghorl! Napaka mahal niyan! Jusme!

ESME: Naku, ingatan mo talaga yan ihja, para may komunikasyon na kayo ng mga kapatid mo.

MAYLA: Opo. Osya po't pupuntahan ko na muna si sir Dylan ah?

Tumango lamang sila saakin, kaya dagli na akong nagtungo sa hagdan upang umakyat patungong ikalawang palapag

[MAYDON] "THE 7 BADBOY's AND I" [Book1-Book2] [Monteriallé Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon