CHAPTER 41: The Case of the Peculiar Patient (Part 1)

888 41 71
                                    

"Mom! How's dad?" agad kong tanong pakarating ko sa ER ng AMC. Naabutan kong nakaupo si Mom sa isa sa mga bench, bakas pa sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"Euclid, I'm glad you're here," agad itong yumakap sa'kin.

"Ano pong sabi ng mga doctor? Is he okay?" saktong tanong ko ay bumukas ang pinto ng ER at saka inilabas ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Sa tabi nito ay ang doctor at nurse na nag-asikaso dito.

"Dad!" agad kong salubong dito. May mga galos ito sa magkabilang balikat at may sugat din sa bandang ulo. Kasalukuyan itong nakapikit at walang malay.

"We have already tended his wounds, but he still needs to undergo some lab tests first to ensure that there is really no abnormalities especially on his head. For now, we will transfer him in a private room to properly observe him," paliwanag naman ng Doctor. Agad ko namang hinawakan si Mom dahil mukhang nanghina ito sa narinig.

"B-But he will be fine, right?" Mom asked.

"Well, if there will be no problem with the MRI and CT scan..."

"I'm sure he will be okay," putol ko sa gusto niyang sabihin. Napangiti naman ang Doctor sa sinabi ko.

"Let's just hope for the best," sabi pa ng doctor at saka tinapik ang balikat ko. Matapos magpasalamat ay nagpaalam na kami sa Doctor para sumunod sa mga nurse na nagdala kay Dad sa room nito. Napatingin ako kay Dad at saka napabuntong-hininga.

Of course, I know how strong my dad is. Alam kong agad itong makakarecover sa injuries na natamo niya sa aksidente. Ang mas inaalala ko lang talaga ngayon ay si Mom. She may be the toughest leader the Red Phoenix group has ever had but, when it comes to family matters, her heart is as fragile as glass. Naalala ko pa tuloy noong magkasakit ako habang nasa Academy, kulang na lang ay liparin niya ang daan from Philippines to L.A. nang wala sa oras. Nasa gitna pa siya ng mission noon to track down a certain drug syndicate pero ipinaubaya niya na lang ito sa grupo niya nang malamang nilalagnat ako. I can still remember how Mr. Berill scolded her after that incident so I really felt guilty that time.

"Euclid?" papasok pa lang sana ako sa loob ng room nang may biglang tumawag sa'kin. Nang lingunin ko ito ay tumambad sa'kin ang nakangiting mukha ni Jerson, the cheerful guy of the three idiots.

"Ohh, you're here too?"

"Haha sabi na nga ba't ikaw yan eh! Anong ginagawa mo dito? May kaso ka bang sinosolve dito?" halatang excited pang tanong nito.

"Nah, my dad is here."

"Ohh, is he okay?" may bakas ng pag-aalala ang boses nito.

"He got into an accident earlier but I think he's doing good now. Ikaw ba? What brought you here?"

"Angels?"

"Ha?" maang kong sagot. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko.

"Nevermind! It was supposed to be a joke kaya lang di mo nagets," napapakamot pang sabi nito.

"What?" parang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.

"I mean, baka di ka lang kasi familiar sa song. Angels brought me here? Haha oh di ba waley?" nanatili lang akong nakatingin sa kanya. He then cleared his throat at saka awkward na tumawa. "Diyan ba ang kwarto ng dad mo? Dito lang ako sa kabila magbabantay eh! Isa sa mga tenant ng tita ko kasi yung nakaadmit..."

"Tenant? Bakit ikaw ang nagbabantay? Wala ba siyang kamag-anak?"

"Wala daw eh, medyo nawiwirduhan nga ako dun! Last 2 or 3 months ago kasi, nabunggo siya ng motor tapos nabalian siya ng braso. Last month naman, naospital din siya gawa ng nahulog siya sa may hagdan sa apartment. And then yesterday, nakita daw siya sa loob ng apartment na walang malay. Mabuti na nga lang daw at naisugod agad nila tita sa ospital. Ang malas di ba? Halos buwan-buwan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon