CHAPTER 22.1: The Case of the Suspicious Claws (Part 2)

2.6K 76 6
                                    

Matapos naming banggitin ang tungkol sa sinabi ng matandang nakita namin kanina ay halos wala na kaming narinig pa mula sa mga police officers. Hindi ako mapalagay. I need to know the whole story. I’m dying to know what is it they were afraid of pero sa kondisyon nila ngayon ay mukhang hindi nila ko masasagot. I sighed heavily as I took another glimpse on the crime scene before leaving.

Minabuti na lang muna namin ni Nickan na lumabas ng kweba. Baka sakaling may mapagtanungan kami agad sa labas tungkol sa ikinikilos ng mga tao dito.

“Oh my God! What happened here?” napalingon kami nang marinig namin ang pamilyar na boses na iyon. Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makita si Siren na naglalakad palapit higit-higit ang kulay puting kabayo habang nakatanaw sa mga forensics officers na papasok ng kweba. Nasa likod nito si Dylan na natigilan na yata sa pagtanaw sa kakaalis lang na mga rescuers.

“Anong problema niyan?” tanong ko kay Siren at saka itinuro si Dylan.

“Ewan ko!” she said as she shrugged her shoulders. “Anyway, what really happened here?”

“Someone has been attacked inside,” I answered.

“But he’s not dead right?” Dylan immediately asked. Mukhang natauhan na ito mula sa pagkatulala.

“Yeah, I gave him first-aid,” mukhang nakahinga naman ito ng maluwang. “Do you know him?”

Gulat pa itong napatingin sa’kin. “I’m… well, he’s my step-father.”

“He was your step-father, Dylan?” ulit pa ni Nickan na mukhang gulat na gulat.

“Yeah, kasama ko siyang dumating yesterday from China.”

“What is he doing in the cave?” I asked trying to start my interrogation. He just shrugged his shoulders and looked away. Or is he purposely avoiding any eye contact?

“Beats me. We never care about each other’s business you know?”

“But at least you know what time he left your house right?”

“Sabay kaming umalis bandang 7AM kaninang umaga.”

“And you never asked him kung saan siya pupunta?”

“Wait, why do I feel like I’m in an interrogation room?” pinaningkitan niya ko ng mata. I just smirked.

“We’re detectives, so it was natural for us to ask about your step-father’s whereabouts before the crime happened. Wala naman sigurong masama sa pagtatanong ko di ba? Unless you were afraid I might asked something you won’t be able to answer,” seryoso kong sabi sa kanya at saka siya nginitian.

“Nabanggit niya lang na makikipagkita siya sa kaibigan niya pero hindi niya sinabi kung sino and he never mentioned about a cave. Satisfied?”

Kung 7AM umalis ng bahay ang biktima, it would took 15 to 30 minutes papunta dito sa kweba which means the span of crime is between 7:30 to 9AM, oras kung kelan namin siya natagpuan ni Nickan.

“Asan ka between 7:30 to 9AM?”

“What? I’m with Sai, di ba?” nilingon nito si Siren na nakikinig lang sa’min.

“Yeah he’s with me the whole time.”

“Hindi ba kayo naghiwalay kahit saglit?”

“Lagi siyang nahuhuli.”

“Mabilis ka kasing mangabayo!” reklamo ni Dylan dito.

“I think we should find out who’s the friend his step-father met this morning Dhie,” suggest ni Nhie.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon