CHAPTER 9: It's a trap

4.2K 130 10
                                    

"Pakiexplain nga ulit kung bakit tayo nandito ngayon Euclid?" even if I can't see his face, I know he's smirking at me. Psh. As if I care! I'm more worried of how to get out of here. Being hanged with our feet upwards, tied in the room's chandelier was actually not a good scenario I was expecting.

"Isn't it an interesting case?" may halo pang panunudyo na sabi nito.

"Just shut up Nicolai!" inis na sabi ko sa kanya.

2 hours ago...

"Ito yung bahay na nireport sa'min kanina nang mag-ikot kami sa buong subdivision sir," sabi kay uncle ng isa sa mga police officers na dumungaw sa kotseng dala namin. Kakahinto lang namin sa sinasabing bahay ng totoong ama ng nakita kong bata kanina. Tinanguan ito ni uncle at saka kami bumaba ni Nicolai sa sasakyan.

Hindi kalakihan ang bungalo-type na bahay, nakabukas ng bahagya ang gate nito at may matataas na damo sa bakuran. Pumasok na kami sa loob at naabutan pa namin ang ilang police officers na may taong kinekwestyon. Siya siguro yung nagreport kanina.

"Ano bang napansin mo kanina na nangyayari dito?" narinig kong tanong ng officer dito.

"May narinig kasi akong parang mga putok ng baril kaya napasilip ako dito at nakita kong may nakaparadang kotseng kulay black dyan sa harap. Nagtago ako kasi natakot ako pero mula sa kinatataguan ko, nakita kong lumabas ang isang lalaki. Tapos parang may sinabi siya kaya lumabas pa yung dalawang lalaki mula sa loob tapos pumasok sila dito. Mukhang wala silang nakita sa loob kasi nakita kong parang nainis yung lalaki at mabilis na sumakay ng sasakyan nito at umalis," rinig kong sabi ng lalaking kausap ng officer. He was, I think mga nasa 20-25 ang age. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan, mukhang kaya niya nakita ang pangyayari kaninang madaling-araw ay dahil he was out for his daily routine of exercise.

"Hindi mo ba nakita yung plate number nung kotse?" tanong pa sa kanya ng officer. Malamang sa malamang, hindi ang sagot niyan. Masyadong madilim pa kanina para makita yung plate number nito.

"Hindi ko nakita pero posibleng nakuhanan sa CCTV yun!" sabi nito sabay turo sa CCTV sa poste malapit dito.

"Okay, ichecheck namin ang CCTV, salamat sa cooperation mo!" sabi dito ng officer. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakitang gulong-gulo ang buong kwarto.

"Ang gulo naman dito! Parang sinadyang manggulo ng mga pumunta ah?" sabi ni Nicolai na nakasunod sa pagpasok ko. Maliit lang ang kabuuan ng bahay. Pagpasok, makikita agad ang living room na may sofa at maliit na center table. Sa kaliwa naman ay may isang kwarto at daan papuntang kitchen na nagsisiblbi na ring dining room. Kulay white ang interior nito. Nalingunan ko yung bintana na basag at nagkalat ang mga bubog nito sa sahig. Ilang hakbang mula dito, may mga patak ng dugo ang makikita sa lapag.

"May dugo dito Euclid, ibig sabihin natamaan ng mga yun yung lalaki dito," sabi ni Nicolai habang nakaluhod malapit sa mga patak ng dugo.

"Hindi. Hindi siya nasugatan dahil sa gunshot. Nasugatan siya dahil sa mga bubog na tumalsik. Masyadong kaunti lang ang dugo dito para masabing mula ito sa natamaan ng bala," sabi ko sa kanya. Iginala ko ang paningin ko at nakita ang ilang mga papel sa ilalim ng mesa. Pinuntahan ko naman ito at kinuha. Mga paper bills ang nandito. Kung ganun, ang pangalan ng biktima ay Cromwell Villanova. Tiningnan ko pa yung ibang papel na nandito.

"May nakuha na po kaming mga ID's ng biktima na pwedeng magamit na pagkakakilanlan niya," sabi ng isang officer at saka lumapit kay uncle. Inabot nito yung mga hawak niyang papel.

"Ahh, so siya si Mr. Cromwell Villanova, 32 years old , married. Mukhang nagtrabaho siya as sales clerk sa isang kompanya sa Makati pero ilang taon lang siya doon. Hmm... wala na ba siyang iba pang valid ID's?" sabi ni uncle habang isa-isang tinitingnan ang mga ID's. "Ito ba ang asawa niya? Maganda ahh..." tumatangu-tango pang sabi nito.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon