CHAPTER 26.1: The Case of Mistaken Identity (Part 2)

2.1K 74 9
                                    

“What happened, boss?” Roshan asked immediately after I answered his call. Hindi man lang kasi kami nakapagpaalam sa kanila kanina nang makita namin ang katawan ng biktima from the CCTV.

“Something came up here, but no need to worry. Just stay with the others!”

“Okay!” I ended the call and returned my gaze at the crime scene.

Saglit pa ay dumating na rin ang mga pulis at ambulansya. Matapos masigurong preserved na ang buong crime scene ay dinala na ang katawan ng biktima para mainspect na ng mga medical examiners. Lumapit naman sa’min si uncle Dy na siyang assigned Inspector.

“What exactly happened here, Euclid?”

“Akesha came to our house saying that someone’s following her. I asked Razor to find any suspicious man around and so we accidentally found his body from the CCTV. Agad kaming tumakbo ni Razor papunta dito para alamin ang lagay niya. At yun nga po, we were too late because he’s already dead,” paliwanag ko sa kanya.

“T-Teka, ang  ibig mong sabihin ay mula sa CCTV niyo nakita ang katawan niya? Nakita niyo ba kung sinong pumatay sa kanya?” agad na tanong ni Inspector. Nagkatinginan naman kami ni Razor.

“I think I can go look for it!” Razor exclaimed. Halata sa boses nito ang excitement.

“Talaga? Matutulungan mo kami?” tuwang-tuwang tanong ni Inspector. Tumango naman si Razor dito. Matapos nilang umalis ay lumapit ako sa officer na siyang may hawak ng lahat ng gamit na nakuha mula sa biktima.

“Have you found anything suspicious in his bag?” I asked. Mukhang nagulat naman ito sa biglaan kong paglapit.

“Isang envelope lang ang laman ng bag niya na may lamang isang picture at ilang documents,” sagot naman ng officer.

“Pwede ko po bang makita?” tumango naman ang officer at saka inabot sa’kin ang picture at ang mga documents. Picture ito ni Akesha habang basic profile naman nito ang nakalagay sa mga papel na tiningnan ko. So he was really tailing her.

But for what reason?

Tiningnan ko ang notebook na nakuha ko sa bulsa ng biktima. Based on its physical appearance ay masasabing bago pa lang ito at kamakailan pa lang niya nagamit. All the pages were blank but that doesn’t mean they were not used.

“Do you have some lighter, Sir?” I asked the police officer. Mukhang nagulat naman ito sa tanong ko. “I’m not gonna use it to lit some cigar,” dugtong ko pa dahil mukhang nag-aalangan itong magpahiram. Inabot naman nito ang lighter mula sa bulsa. Binuksan ko ito at saka inilapit sa papel.

I’m pretty sure he used some invisible ink to write his notes here. Some invisible ink can be resurfaced using ultraviolet rays while some by heat. I’ll try the latter one since I can guess from the victim’s hand that he was a heavy smoker. He must have always kept a lighter in his pocket.

Now what do we have here…

8:30AM, Poirot Café, Yoane Rios
9:00AM, Poirot Café, Jaime Puertizano
9:30AM, Poirot Café, Carla Pauluan

Mukhang ang tatlong ‘to ang nameet niya kaninang umaga. Mataas ang probability na isa sa kanila ang pumatay sa kanya. Tiningnan ko pa ang mga sumunod na pages hanggang sa makarating sa isang pahina kung saan may lumitaw pang kung ano. Not words but numbers.

32173

Hmm…

Ipinagbigay-alam ko naman sa Police Detective na kasama ni Inspector ang nakita ko sa notebook para maimbestigahan na nila. Ibinalik ko yung hiniram kong lighter dun sa police officer at saka tumingin sa paligid ng biktima. Parehong walang nakatira sa dalawang bahay na nasa tabi nito kaya tingin ko ay wala kaming makukuhang witness.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon