CHAPTER 25: The Hypnotist's Case

2.5K 90 5
                                    

“M-Moriarty?”

Parang biglang tumahimik ang buong paligid nang sambitin ko ang pangalang iyon. Naramdaman ko ang paglabas ng armas ng mga kasama ko. Tinutukan din kami ng armalite ng dalawang lalaking kasama niya.

“Chill Shellingford! I’m here to talk not to kill!” nakangiti pa nitong sabi at saka sinenyasan ang dalawang kasama na ibaba ang hawak na armas.

“Why are you here? Paano ka nakatakas?” tanong ko sa kanya.

“Sabihin na lang nating I’ve made some underlings on your side too kaya mas naging madali ang pagtakas ko sa impyernong iyon!” sabi nito habang nakatingin sa direksyon ng mga kasama ko.

“What?” Dahan-dahan akong lumingon sa mga kasama ko at para akong nanghina nang may magsalita mula sa kanila.

“I-I’m sorry.”

Nakarinig ako ng tawa mula sa lalaking nasa likod ko. Napapikit ako at saka huminga ng malalim.

“There’s no way my boys would betray me,” sabi ko sa kanya at saka inisang-hakbang ang layo ko mula sa kanya at saka siya sinipa sa mukha. Tumalsik ito sa isang sulok.

“What the heck—“ napangiti ako nang luminaw na ang itsura nito. He’s not Moriarty. He’s definitely not a weakling like this illusionist.

“Woah! Anong nangyari?” rinig kong tanong ni Nicolai.

“Boss! Are you okay?” lumapit sa’kin si Roshan na mukhang natauhan na rin.

“Capture them!” sigaw ko at saka nila sinugod ang mga lalaki. Maya-maya pa’y nakatali na ang mga ito at hindi na makagalaw. Tinawagan ko naman agad si uncle Dy para sabihin ang nangyari at saka marahang nilapitan ang tatlong lalaki.

The hypnotist who I thought was Moriarty a while ago is an old man with thick eyebrows and sharp eyes. He has gray hair and has brown complexion, similar characteristics with the man last seen near the premises of the last victim in the series of massacres. That’s how the prime witness described what he saw, in the news.

“He’s probably behind the series of massacres around here,” sabi ko at saka tumayo na.

“Anong nangyari kanina Euclid? Parang bigla akong nanaginip ng gising? Weird,” umiiling pang sabi ni Nico habang malalim na nag-iisip.

“I only heard about this before when I was in America. A certain kind of hypnotism where the hypnotist creates a scenario that the victim anticipates based on his previous experiences,” sabi ko sa kanya. “A condition is presented where hypnosis can take place. In my case, it is something that could make my heart and brain cells go berserk. Since nandito kayo, my mind became at ease. If there could be someone na pwedeng dumating na magpapabago ng situation in a split second, it could only be Moriarty.”

“Bakit si Moriarty? Bakit hindi yung… Kir ba yun?”

“Because Kir hasn’t done anything big unlike Moriarty,” sabat ni Sven.

“Right,” sang-ayon ko dito.

“Paano mo nalamang we’re being hypnotized?” tanong ni Roshan.

“I-I’m sorry.”

“I just felt something was weird,” sabi ko sa kanya at saka naupo sa may sofa. Tiningnan ko maigi ang lalaking naghypnotize kanina. He’s really something.

“Boss?” napatingin ako kay Razor nang tumabi ito sa’kin.

“Why?”

“I saw Moriarty too… but it’s a good thing that it was only an illusion, right?” pilit itong ngumiti. They saw it too. Ibig sabihin, pagkabanggit ko ng pangalan ni Moriarty kanina, nakapasok din sila sa mundong ginawa ng hypnotist.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon