CHAPTER 17: Sleep-over

3.1K 94 11
                                    

Nang makarating kami sa bahay, lahat sila ay bumaba kasunod ko. Naabutan pa namin si Nicolai na nagbabasa ng libro sa living room habang nakatalikod sa’min.

“Ba’t ngayon lang kayo?” tanong nito habang nasa libro pa rin ang tingin. He sounded like a nagging mother ready to asked hundreds of questions why we came late. I smirked at the thought.

“I thought you never care about my business so I never told you about the event today,” sabi ko at saka sinenyasan sila Nessaj na maupo. Medyo naging okay na rin pala si Akesha simula nang bigyan ito ng lollipop ni Nessaj kanina. She’s really a kid eh?

“Long time no see Nico ahh!” masiglang bati dito ni Nickan sabay upo sa tabi nito. Umupo naman sa harap nito si Akesha at si Nessaj na magkatabi.

“May inasikaso kasi ako sa States these past few weeks,” sabi nito at saka sinarado ang hawak na libro. Natigilan naman ito saglit nang makita ang mga tao sa harap niya. He already know Nessaj so tingin kaya siya ganyan ay dahil sa bago naming kasama.

“Woah! Who’s this pretty lady here?” tanong ni Nicolai at saka umupo sa tabi ni Akesha. I knew it. Gumana na naman ang pagiging hyper niya. Napailing-iling na lang ako at saka sinabihan muna si yaya Fe na dalhan kami ng maiinom. Nang makaalis na ang matanda ay naupo na ako sa tabi ni Nickan.

“Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng dyosa?” sabi ni Akesha dito sabay flip pa ng buhok nito. Mukha ngang di na siya depressed. Is it because of the lollipop?

“Oo kaya! Tingnan mo naman, isang boring na detective lang ang kashare ko dito sa bahay! Kung may pupunta namang ibang tao, ka-aura niya din niya tapos yung girlfriend niya pa—ouch!” napatingin ako sa kamay ko nang mawala bigla yung kakadampot ko lang na throw pillow at makitang natamaan na nito sa ulo si Nicolai. Tsk, good for you. Sinamaan niya naman ako ng tingin at saka bumaling ulit sa katabi niya.

“Nicolai pala, and you are?” sabi nito sabay abot ng kamay habang nakangiti.

“Akesha hehe,” tinanggap naman ni Akesha ang handshake na inoffer ni Nico. Maya-maya pa, dumating na si yaya Fe dala ang mga baso ng juice.

“Ay sir! May dumating po palang package kanina! Sandali lang at kukunin ko!” sabi ni yaya Fe at saka dali-daling umakyat sa taas. Malamang sa study room niya na naman yun diniretso. Inabot ko yung isang baso ng juice kay Nickan at saka kumuha ng isa pa para sa’kin.

“Ano ba yang pinagkakaabalahan mo sa phone mo?” tanong ko kay Nickan. Kanina pa kasi siya nakatingin sa cellphone niya at pumipindot.

“Wala may tinetext lang ako,” sagot niya, hindi pa rin tumitingin sa’kin.

“Lalaki?” tanong ko sabay inom ng juice.

“Oo.”

“W-what?” masamid-samid na tanong ko sa kanya. Napansin kong biglang tumahimik ang mga kasama ko. “I mean… s-sinong lalaki?”

“Haha si dad lang ‘to dhie! Tinatanong niya kasi kung nasaan na ako kasi ang lakas daw ng ulan sa labas! Mukhang may maglaland-fall daw na bagyo ngayong gabi!” nakangiting sabi niya sa’kin.

“Pfft—grabe ka Euclid! Ang possessive mo naman! Hahaha,” tawa ng tawa pang sabi ni Nicolai. Aish!

“Ang cute mo,” bulong pa ni Nickan sa’kin sabay kindat. Nag-init naman ang pakiramdam ko kaya niluwagan ko ang suot kong necktie.

“It’s getting late. C’mon! I’ll take you home,” sabi ni Nessaj kay Akesha sabay tayo.

“No need Ness, ako na lang maghahatid sa kanya!” prisinta din ni Nicolai sabay tayo din nito.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon