CHAPTER 6: The Culprit

4.4K 157 11
                                    

Pagdating namin sa rest room ng boys sa parehong palapag, naabutan ko yung officer na nakausap ko sa phone kanina.

"Saan nyo po banda nakita yung phone?" agad kong tanong sa kanya.

"Sa may labas ng restroom ng boys, sa may trash can hijo," sagot niya sa akin. Ang rest room ay makikita sa dulong pasilyo katapat ng office ni sir Judilla. Mula sa room namin na nasa kaliwang bahagi ng building, aabutin ng mga 2 minuto bago makarating sa restroom at dalawang minuto mula sa restroom papunta sa office ni sir Judilla.

"Kung ganun, posibleng isa sa inyong mga lalaki ang pumatay sa biktima!" sabi ni inspector. Namutla naman ang tatlo at halatang hindi alam kung anong sasabihin.

"Wag nga kayong magbiro ng ganyan sir! H-hindi naman porke't sa trash can ng rest room namin nahanap ang cellphone ni sir ay kami na ang siyang posibleng p-pumatay sa kanya," kinakabahang sabi ni Maynard.

"Oo nga! Pwede rin namang si Ruth dahil katabi lang naman ng rest room namin ang C.R nila!" sabat ni Argel.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" sigaw dito ni Ruth.

Naglakad ako papunta sa office ni sir Judilla. Patuloy pa rin sa pagiinspect ang mga officers sa loob nito. Nilapitan ko yung mesa na may nagkalat na test papers sa tabi ng laptop. Napangiti ako.

Alam ko na... alam ko na kung anong ebidensya ang makakapagturo sa kanya...

"Ito nga pala yung murder weapon hijo!" abot ni officer sa'kin sa tabletop signage ni sir Judilla. "Nakita namin ito kasama ang phone sa trash can sa labas ng rest room ng boys. Mukhang basta na lang ito tinapon ng killer dito matapos niyang pukpukin ang biktima!" napatangu-tango ako sa sinabi nito habang tinitingnan ang bagay na iyon. Medyo basag na ang isang side nito at may mga bakas pa ng dugo.

"Oo nga pala hijo, napansin din pala namin itong vase dito," inangat niya ito at nakita kong may mga dugo sa ibaba nito. Bahagya pang may basag ang isang side nito. Napaisip ako bigla.

"Okay na po ba yung autopsy result ni sir?" tanong ko sa kanya. May kailangan akong ikompirma. Kung tama ang hinala ko...

"Ahh oo nandito yung forensic officer na naganalyze ng katawan ng prof mo!" saglit niya kong iniwan at pagkatapos, bumalik siya kasama ang isang lalaking kasing-tangkad ko at nakasuot ng lab gown. "This is Karl Faust hijo, OJT pa lang siya ngayon pero I assure you his skills!" mukhang malaki ang tiwala dito ng inspector.

"I'm Euclid Shellingford, student ng biktima at isang detective, nice meeting you Mr. Faust!" nakipagkamay ako dito na tinanggap naman nito.

"Masyadong pormal ang Mr. Faust, Karl na lang tutal estudanyante lang din ako katulad mo," nakangiting sabi nito. "Ito nga pala yung ginawa kong initial report about the victim!" abot niya sa'kin sa folder na hawak niya. "Hindi pa yan finalized since OJT pa nga lang ako at si Dr. Castro ang talagang magaanalyze ng katawan ng biktima."

Agad kong tiningnan ang folder. Great. Tama ang hinala ko.

"Salamat dito! Alam ko na kung sinong may gawa ng krimen na 'to!" sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ngumiti lang din ito na para bang inaasahan na ang sasabihin ko. Dinala ko yung folder at bumalik ako sa mga classmates ko at tinitigan sila isa-isa. Partikular ang taong yun.

"Umamin na kasi kayo! Isa sa inyo lang ang pumatay kay sir! Ako ang huling pumasok sa loob kaya alam kong kayo lang ang pwedeng gumawa nito!" sigaw ni Argel.

"Paano kung ikaw pala ang gumawa nun kay sir at pinapalabas mo lang na ikaw ang prime witness?" tanong dito ni Maynard.

"Alam ko na kung sinong may gawa nito kay sir," sabi ko na nagpatigil sa pagtatalo nila.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon