CHAPTER 19: The Case of the Ruptured Body (Part 1)

3.3K 83 14
                                    

This chapter is dedicated to: @Fritziejeilacasio and her friends.

***

Crystal Resort, Badian, Cebu City
11:00PM

Amidst the moonlight that gently lit the forest of the nearby resort and the cold breeze of the wind, came two shadows that are walking by the area. They were both quiet, as if waiting for each other to to break the silence.

“B-bakit parang kanina ka pa tahimik? Is there something wrong?” worried, the girl finally made the first move. Hindi kaagad na kumibo ang kausap niya kaya naman lumapit siya para makita ang mukha nito. And as the clouds from above were swept by the blow of the wind, her expression suddenly changed as their eyes finally linked.

“I’m sorry Fritzie…” mahinang sagot nito sa kanya.

“Ha? F-for what?” takang tanong niya though in her mind, it looks like she already know what those words mean.

“For ending your life today,” like a cold wind that passes by the back of her neck, those words made her shiver. Alam niyang hindi ito nagbibiro lalo na nang makita niya ang mga mata nitong parang tumatagos na nakatingin sa kanya.

Of course, she knew those eyes.

Aatras pa lang sana siya para tumakbo palayo nang maramdaman niya ang malamig na bagay na bumaon sa tiyan niya. Napaubo siya sa sakit. Nanginginig na sinapo niya ang tiyan na may nakabaon pang kutsilyo. She felt the wet fluid coming out of her body, her own blood.

“W-why…” mahinang sambit niya. Nanlaki ang mata niya nang parang wala lang na hinugot nito mula sa katawan niya ang kutsilyo at saka ito ulit ibinaon sa bandang puso niya. Naramdaman niya ang hindi matatawarang sakit at ang dugong parang gripong umagos mula sa katawan niya. Paulit-ulit, her ruthless companion stabbed her many times. Nanghihinang napaluhod siya sa damuhan. Bago pa man siya bumagsak, hinawakan nito ang buhok niya at pilit tiningnan ang mukha niya.

“You’ll be my great masterpiece now, good bye Fritzie,” with that, unti-unti nang tumigil sa pagtibok ang puso niya.

***

The next day...

“Dhie! Bilisan mo naman maglakad!” rinig kong sigaw ni Nickan mula sa taas ng hagdan.

Kung tinutulungan niya kaya akong magbitbit ng mga bagahe namin noh? Aish!

Inayos ko ang pagkakapasan ko sa backpack niya at saka binuhat ang dalawang traveling bags na nasa magkabila ko pang braso.

Kung bakit ba naman kasi nasa taas pa nito ang resort na tutuluyan namin!

Hinihingal man, nagawa ko namang makarating sa pinakataas nito. Ibinaba ko muna saglit ang dalawang traveling bags na hawak ko sa magkabilang kamay at saka tiningnan ang mahabang hagdang inakyat namin. Naalala ko na naman tuloy yung hundred plus steps sa Kamay ni Hesus na una naming naakyat ni Nickan when we were still young. Compared to that one, mas mababa naman ang isang ito. Siguro mga 40-50 steps lang meron ang hagdang ito.

“Ano, kaya pa dhie?” nakangiting tanong ni Nickan habang nakapameywang sa harap ko. Sinimangutan ko lang siya at saka binitbit na ang mga bagahe namin. Kung alam ko lang na pang-isang taon na bagahe pala ang dala niya, hindi na sana ako nagvolunteer na magbuhat mula sa airport kanina. Nahihirapan na ko sa pagbubuhat samantalang siya, tumatawang naglalakad lang sa tabi ko.

“Ayun! Kita ko na yung resort dhie!” sigaw ni Nickan sabay turo sa kulay light blue na resthouse.

Oh great!

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon