CHAPTER 24: Separated Lives

2.7K 82 4
                                    

-NICKAN-

M.I. Headquarters
7:09AM

“Ms. Nickan, you’ve got a call,” I heard Keith said as he entered the room. I opened my eyes and swing my body so as to go down from balancing with the big metal beam. Inabot ko naman agad ang cordless phone mula sa kanya pagkaayos ko ng tayo.

“Hello?”

“Agent 24X, aren’t you forgetting something?” Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It’s been months since I last heard her annoying voice and its making my heart excited now.

“As far as I remember, my intelligence quotient is much greater than yours so I don’t think you’re in the position to tell me if I have forgotten something, or not,” I sarcastically told her. I can imagine her annoyed face right now. Tsk, good for her. I ended the call at saka lumabas na ng room. Ibinato ko naman ang phone kay Keith na nakasunod lang sa’kin.

“Tell the troups to meet me at Room 2401 after 5 minutes,” sabi ko sa kanya at saka pumasok na sa private elevator. Napabuntong-hininga na lang ako. Kilala ako dito sa M.I bilang Agent 24X which originated from my name: Ni from Nickan means "2" and Shi in Sheedo means "4" in Japanese kaya yun ang naging codename ko.

Nabasa na kaya ni Dhie lahat ng bilin ko? Dumiretso muna ako sa room ko at saka chineck ang e-mail ko. No unread messages. I let out a disappointed sigh at saka nirefresh ang mail. Wala talaga.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Knowing Euclid, he’s probably drowned in some tricky case again.  Tumango-tango na lang ako at saka nagcompose ng e-mail.

To: Dhie <3
How are you there? I miss you!
Love lots, your Nhie.

After sending the message, I looked at my watch. I still have three minutes.

Lumabas na ako ng room at saka pumasok sa private elevator. Wala pang isang minuto at huminto na ito sa 24th floor. Naglakad na ako papunta sa room 2401 at saka pumasok dito. Biglang tumahimik ang buong kwarto. I counted all the members at saka napabuga ng hangin. She’s late again. I can hear the atomic clock at my table as its second hand is running slowly. Napapikit ako.

“Oopss!” I finally heard her voice kaya napadilat na ako. Napatingin ako sa pinto nang pumasok ang huling member ng Class A group. She looked at her watch at saka napangiti.

“4 minutes and 50 seconds, Agent 24X09 reporting ma’am!” masigla nitong bati sa’kin. Kahit kelan talaga, she’s bound to being late. She’s Karen a.k.a ‘Agent 24X09’, ang pinakabago at pinakabatang myembro ng Class A. Sinenyasan ko naman siyang maupo na kasama ng iba at saka ko sila isa-isang tiningnan.

“Good morning Class A agents! This is Agent 24X, officially reporting for duty as your leader!” bati ko sa kanila at saka pinindot ang remote. Nagbukas ang projector at saka nito dinisplay ang mga files na tatrabahuhin namin for two months.

Binuksan ko ang unang folder at tumambad sa’min ang file ni Mr. Anuvhar, isang kilalang negosyante na nagmamay-ari ng mga manufacturing companies sa India. Ayon sa file ay natagpuan na lang ang katawan nito sa isang abandonadong gusali mahigit 500 meters ang layo mula sa pagmamay-ari niyang kompanya. Walang makitang bakas na nanlaban ito, lalo pa at tuwid na tuwid ang katawan nito nang makita sa gitna ng open area.

“Interesting!” bulong ko at saka tumingin sa mga members ko.

“Who wants this case?” Tanong ko. Mga nakangiti namang tumaas ng kamay ang mga members ko.

“I’ll let you handle this case—Agent 09!” nakangiti kong sabi sa kanya. Mukhang hindi naman ito makapaniwala sa sinabi ko.

“R-really? I’ll handle the case?”

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon