CHAPTER 13.1: The Body that has Remained Unnoticed (Part 2)

3.1K 124 9
                                    

Based on what I've gathered so far, huling nakita ang Vice-captain nilang si Marlo Marasigan last Monday. Saturday na ngayon kaya halos one week na nga siyang nawawala. Huling nakita siya sa gym kung saan sila nagkaroon ng practice game kasama ang buong team. Naiwan pa ang sports bag nito sa locker ng gym at maging ang gamit daw nito ay nasa ordinary locker pa ng school.

"I think I need to walk around," sabi ko sa kanila at saka lumingon sa mga estudyanteng nagmamap ng sahig ng court.

"Sasamahan kita kuya Euclid?" tanong ni Vince.

"No need," sagot ko sa kanya. Tiningnan ko si Nickan at saka ito tinanguan.

"Kukunin ko mga alibi niyo noong Monday okay lang ba?" masiglang tanong ni Nickan sa mga ito. Napapikit na lang ako. Wala talagang pinipiling lugar o oras kapag nagchildish mode siya! Humakbang na ako paalis at saka lumapit sa mga estudyanteng tiningnan ko kanina.

"Hello! Kayo ba laging naglilinis dito?" pambungad kong tanong sa kanila.

"Ahh oo kami kasi ang third string kaya kami ang nakaassign sa paglilinis lagi ng court," sagot ng matangkad na lalaking una kong nilapitan. Napatingin sa amin ang kasama nitong nagmamap na medyo may kapayatang lalaki. "Bakit? Anong kailangan mo?" tanong nito.

"I'm here to ask around about the disappearance of your vice-captain, I'm Euclid," pagpapakilala ko sa kanila. Napatangu-tango naman sila.

"Parang detective ganun?" tanong niya pa.

"Sort of yeah. So, what do you mean by third string?" panimula kong tanong.

"Third string yung pinakamababang classification of players, doon nabibilang ang mga baguhan na katulad namin. Second string naman yung mga players na pwedeng pangsubstitute sa mga first strings, mas may experience kasi sila kumpara sa'min," paliwanag nung payat na lalaki. Napatangu-tango naman ako.

"So first strings yung mga starting players kasama na ang vice-captain niyong si Marlo?" tanong ko sa kanila. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Oo first strings sila pero yung Marlo na yun, naging first string lang naman dahil sa impluwensya ng magulang niya!" may halong galit na sabi nito.

"So hindi talaga siya ganun kagaling?"

"Yeah! Wala siyang sense of teamwork! Gusto niya siya lang ang magaling! Tsk!" sang-ayon ng matangkad na lalaki.

"Kelan niyo siya huling nakita?"

"Monday after the practice game ko siya huling nakita. He was arguing with Alexis, yung player na may kulay red na buhok na matangkad? Siya yun. Ibabalik ko na kasi yung ginamit kong map sa storage room kaya nakita ko silang nagtatalo sa may locker," kwento ng payat na lalaki.

"Sino ba sa'tin huling umuwi nun Val?" tanong dito ng matangkad na lalaki.

"Ewan ko bakit?"

"Pagkakuha ko kasi ng gamit ko sa locker, narinig ko pa si Coach na kausap si Marlo sa office nito."

"Ahh oo narinig ko rin yun! Tapos na siguro silang mag-away nun ni Alexis nang mapadaan ako sa office ni coach at narinig ang malakas na sigawan nila."

"Sigawan?" napakunot ako ng noo.

"Wala kasing galang yung si Marlo kaya siguro napikon na naman si coach. Malimit namang ganun ang nangyayari sa kanilang dalawa."

"Mahirap kasi pigilan ang isang yun! Masakit sa ulo!"

Napatangu-tango ako. "Pwede niyo ba kong samahan sa locker ni Marlo ahm Val and--?"

"Peter," sagot ng payat na lalaki. Pumayag naman ang mga ito at iginiya ako papasok sa isang mahabang pasilyo.

"Dito yung office ni coach Palma!" sabi ni Val nang makarating kami sa unang pinto sa kanan. May nakasulat pa sa taas ng pinto nito na 'P.E Room'.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon