CHAPTER 37: The Case of J (Part 1)

935 22 6
                                    

At 6PM, J will die today.

"Woah! Saan galing yan?" gulat na tanong ni Nickan pakabasa sa nakasulat sa kapirasong papel. Kulay puti ang papel at computerized ang nakasulat na message. May kaunti din itong lukot. Pilit ko namang inalala yung babaeng binuhat ko kanina. Nakatikom ang palad niya. Mukhang bago pa man siya mawalan ng malay ay nakita niya na ang papel na 'to at nabasa.

"I don't know. But it's safe to assume na galing ito dun sa babaeng tinulungan natin o kaya naman ay isa dun sa dalawang lalaking lumapit kanina," sagot ko naman sa kaniya. Inamoy ko ang papel. It has a feint smell of a ladies' perfume.

"Ahh! Tinawag siyang Jennedie nung isang lalaki! Hindi kaya—" nanlalaki ang matang napatingin siya sa'kin. The smell probably came from that girl.

"We have to check," sabi ko na tinanguan naman niya. Agad kaming naglakad papunta sa University clinic na hindi naman kalayuan. Sinalubong naman kami ng isa sa mga nurse dito. 'M. Jalla', basa ko sa nameplate nito.

"Anong kailangan niyo?"

"Ah Miss, kami yung nakakita kay Ms. Jennedie nung nahimatay siya, yung babaeng kakadala lang po dito. Gusto lang sana namin siyang kamustahin?" agad na sagot ni Nickan dito.

"Andun siya," itinuro naman ng nurse ang ward sa sulok. Nakatayo pa malapit dito yung dalawang lalaki kanina.

"How is she?" tanong ko sa lalaking kumuha sa babae mula sa'kin kanina. Mukhang nagulat naman ito sa pagsulpot namin.

"May sinat siya, mukhang stressed at kulang sa tulog. Ang mabuti pa'y magpahinga na muna siya dito. Mga kaibigan niya ba kayo?" sabi pa ni Doctora at saka bumaling sa direksyon namin.

"Ah yes po Doctora. Stressed nga po siguro siya gawa nung completion project po namin," sagot dito ng lalaking kausap ko kanina. Pasimple ko siyang tiningnan mulo ulo hanggang paa. He's tall, moreno, physically fit at mukhang sanay sa workout--basketball player--base na din sa suot nitong sapatos, medyo pinagpapawisan--tumakbo siya mula sa kung saan. Mukhang kakagaling niya lang din ng canteen dahil may maliit na talsik pa ng ketchup ang polo shirt na suot niya.

"Ang mabuti pa'y balikan niyo na lang siya. Hayaan nyo muna siyang matulog ng ilang oras..." sabi pa ni Doctora at pagkatapos ay iniwan na kami.

"Salamat nga pala sa inyo ah? Medyo sakitin kasi talaga 'to eh!" baling ulit sa'min ng lalaki.

"Boyfriend ka niya?" sabat naman ni Nickan. Napansin kong medyo namula naman ang pisngi ng lalaki.

"Ahh hindi pa..."

"I'm Euclid Shellingford nga pala, and this is my girlfriend Nickan," sabi ko sabay abot ko ng kamay ko.

"I'm Jake Avila and this is Jonathan Rubio, classmates kami pareho ni Jennedie." Tiningnan ko naman ang ipinakilala niyang si Jonathan. Halos magkasing-tangkad lang sila pero mas payat naman ito. Nakasuot ito ng white shirt at black knicker pants. Mukhang nagbike lang ito papuntang school. May hikaw ito sa kaliwa nitong tainga at medyo magulo ang bagsak nitong buhok.

"Ahh?" napatingin sila kay Nickan na bigla na lang nagreact.

"Bakit?" nagtatakang tanong ng lalaking ipinakilalang Jonathan.

"Ahh wala hehe, napansin ko lang na puro pala kayo J," awkward na sagot nito. Biglang namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto. Weird.

"A-Ano naman kung puro kami J?" pilit ang ngiting tanong ni Jake.

"Ahh wala... naman?" pasimple akong tiningnan ni Nickan. Mukhang gusto niyang malaman kung dapat ba naming sabihin o hindi ang nakita namin. Huminga muna ako ng malalim at pagkatapos ay seryoso silang tiningan.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon