CHAPTER 3: The Last Victim

5.3K 188 33
                                    

Bakit yung hijacker ang fourth victim? Hindi ba dapat isa kina Dr. Jed Sebastian o Dr. Jin Zamora ang fourth victim? Anong kinalaman ng isang taong balik-balik na sa kulungan sa kaso nila ten years ago?

Teka... hindi kaya...

"Anong nangyari uncle?" tanong ko agad pagkarating ko sa police station.

"Nakita ang bangkay ng biktima malapit sa may footbridge sa may 3rd district kaninang madaling araw. Nakatakas siya mula sa kulungan kagabi at mukhang bumalik muna siya sa tinitirhan niya bago magpunta sa crime scene. Ayon sa police records, siya si Francisco Mando, 45 years old. Ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa kulungan dahil sa ibat'ibang kaso tulad ng theft, blackmailing, assault at ang latest nga ay yung panghahijack niya kahapon."

"Anong kinamatay niya?"

"Kinukuha pa ang autopsy niya, pero base sa natamo niyang dalawang hiwa sa leeg niya, masasabi kong kapareho ito ng tatlong naunang kaso."

"Kung ganun, anong iniwang bagay sa kanya ngayon?" bigla itong natigilan.

"Teka... walang nabanggit sa reports na may iniwang kung ano sa kamay nito..."

"Ha? Sigurado ba kayo uncle?"

"Ichecheck ko, baka nalimutan lang nilang sabihin sa'kin..."

Isang kriminal na balik-balik sa kulungan ang namatay ngayon, kaiba sa mga naunang biktima na pare-parehong may kinalaman sa medisina. Sinadya ba ng killer na ibahin ang biktima niya ngayon o kasama pa rin 'to sa plano niya?

"Sandali officer! Pwede po bang makita yung mga pictures na kinuhanan sa crime sene kanina?" tawag ko sa officer na kadadaan lang sa harap ko.

"Ahh ikaw si Shellingford di ba? Sakto, kakaprint lang ng mga 'to at dadalhin ko pa lang sana kay inspector!"Inabot ko yung mga pictures na hawak niya.

"Tingnan mo ang kuhang ito, masasabing pinukpok muna siya mula sa likod bago mawalan ng malay ang biktima. Walang masyadong pagdudugo sa ulo niya kaya posibleng nagkaroon siya ng internal bleeding. Pwede na yung maging cause of death kaya nagtataka ko kung bakit kinailangan pa ng killer na hiwain yung leeg niya."

Tama siya... base sa mga kuha nila sa biktima, mukhang hindi na ito nakalaban pa dahil sa pagkagulat nang may biglang pumukpok dito mula sa likod. Teka...

"Officer, hindi ba parang kakaiba yung pagkakahiwa sa leeg niya? Parang mas malalim yung hiwa sa parteng ito kesa sa pangalawa. Ayon sa pagkakatanda ko, pare-parehong malalalim yung kabilang hiwa kesa dito doon sa mga naunang biktima."

"Teka, nakakapagtaka nga yan... para maging mas malalim ang hiwang ito, dapat yung killer ay nakapwesto ng ganito," sinusubukan ni officer na imagine-in kung paano hinawakan ng killer ang kutsilyo para hiwain ang biktima. "Posible siya kung nasa kaliwa ng biktima nakapwesto ang killer. Pero imposible naman yun dahil natagpuan namin ang bangkay ng biktima sa gilid ng eskinita. Ang nasa kaliwa niya ay pader!"

"Posible pa rin siyang hiwain mula sa kanan na magkakaroon ng malalim na hiwa sa parteng yan officer!"

"At paano? Teka wag mong sabihing—"

"Kung left-handed ang killer officer, natural lang na magiging ganyan ang itsura ng pagkakahiwa niya."

Posible rin kung ambidextrous ang killer...

"Left-handed? Pero sa datos na nakalap sa tatlong biktima, nasisiguro kong right-handed ang killer!"

"Then, ganito na lang officer... posibleng ang kaso ngayon ay sinadya ng killer na itulad sa naunang tatlong kaso para ibintang din dito ang pagkamatay ng biktima!"

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon