CHAPTER 10: Bloody Introduction

3.6K 130 16
                                    

Ano na bang nangyayari sa labas?

Rinig mula sa pwesto namin ang tunog ng mga putok ng baril at mga sigaw. Ilang minuto din itong nagtagal bago tumahimik ang lahat. Ilang saglit pa at wala na kaming narinig pang kahit na ano. Nagkatinginan kami ni Nicolai.

"Mukhang tapos na Euclid! Sila inspector Dy na kaya yung dumating? Sila kaya yung mga nakipagbarilan sa labas?" tanong niya sa'kin. Hindi ko siya sinagot.

May masama akong kutob dito ahh...

Nasagot ang tanong namin nang makarinig kami ng yabag papalapit sa kwartong kinaroroonan namin. Maya-maya pa'y iniluwa nito ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng black sports jacket, black pants at black na bonnet. Nakasuot din ito ng shades. Sa beywang nito ay may nakasukbit na dalawang baril. Naningkit ang mata ko nang mapansin ang ilang patak ng dugo sa mukha niya. Mukhang mayroon din siyang mga talsik ng dugo sa damit nito pero dahil kulay itim, hindi ito pansinin.

"Wow. What a very pleasant scene, Shellingford," nakangiting sabi nito habang nakapamulsang nakatingala sa amin. "You look like a helpless mouse tied in a cat's playhouse!"

"I don't remember meeting you before," sagot ko sa kanya. Though looking at him closely, I think I've seen him somewhere. His aura and voice were both familiar too.

"Tss. So I guess I'll introduce myself now," sabi nito at saka tinanggal ang suot na shades. "I'm Kir, Moriarty's best buddy. Naikwento ka niya kasi sa'kin so I decided to pay you some visit," pagpapakilala nito sabay hawak sa baril na nasa kanan niya.

"O-oy teka! Kung anuman ang kailangan mo kay Euclid, wag mo kong idadamay!" matalim kong tiningnan si Nicolai. Nakita kong dahan-dahang inangat ni Kir ang baril at itinutok sa amin. May narinig kaming bahagyang ingay mula sa labas.

"Aish! Mukhang nandito na yung mga sagabal!" sabi nito habang sinusundot ng kaliwang hinliliit ang tainga. Itinaas niya ang hawak niyang baril sa kanang kamay at pinaputukan kami. Magkasunod kaming nahulog ni Nicolai.

"Aray naman! Hindi ka man lang nagwarning na ibababa mo na pala kami!" reklamo ni Nicolai dito. Inasinta pala nito ang lubid sa paanan namin. Ramdam ko ang sakit ng biglaang pagkakabagsak. Nakatali pa rin kasi ang magkabila naming kamay kaya hindi pa rin kami makakilos. Mabuti na lang at hindi naman kataasan yung binagsakan namin.

"It's pretty boring kung papatayin na lang kita basta ngayon Shellingford, walang kathrill-thrill!" iiling-iling na sabi nito. "So let's meet some other time, okay?" rinig kong sabi niya. Sa gilid ng mata ko'y nakita ko siyang tumalikod na at humarap sa pinto.

"I'll always be around. Though you won't be able to notice my presence at all," bahagya pa itong lumingon sa amin at ngumiti ng makahulugan. Pagkatapos, iniwan niya na kaming nakadapa pa rin sa sahig. Parang may biglang kung anong nagregister sa utak ko. Oo tama, kaboses niya yung forensic officer nung nakaraan at pati na rin yung lalaki kanina!

Maya-maya pa'y bumukas ulit ang pinto at pumasok na mula dito si uncle Dy kasunod ang ilang police officers.

"Euclid! Mabuti naman at ayos lang kayo!" agad itong lumapit sa amin at tinulungan kaming makawala sa pagkakagapos. Bumangon agad ako at hinarap si uncle.

"Anong nangyari sa labas uncle?" agad kong tanong sa kanya.

"Yan din ang gusto naming malaman Euclid! Nasa labas si Nickan at naiyak, hindi naman kasi namin alam na ganito pala ang dadatnan namin dito," madilim ang mukha na sabi nito. Bigla akong kinabahan.

Kung ganun...

Agad akong tumakbo palabas ng room na iyon at nagulat ako sa nakita ko.

Corpses.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon