CHAPTER 15: Invitation

3.3K 99 6
                                    

“Here!” abot ko kay Nessaj ng cup na may lamang hot chocolate. Inabot niya naman ito at saka naupo sa tabi niya.

“Thanks!” maiksing sagot niya at saka tinikman ang laman ng cup. Nandito na kami ngayon sa bahay ko dahil natapos na ang exam namin para sa araw na ‘to. Si Nickan naman ay hinatid ko kanina sa bahay nila.

“So what’s the real reason why you’re here?” tanong ko sa kanya.

“Ahh... I actually have two reasons,” sagot niya.

“And that is?”

“I’ve got a mission from M.I about guarding a certain senior high girl who’s under a special protection program.”

“Special protection program? Why? Is she a psychopath or something?”

“Nah… I heard she’s a prospective new agent.”

“Ahh… new agent huh? Well good luck in recruiting her!” nakangiti kong sabi sa kanya at saka uminom sa hawak kong cup. Ahh… sweets really can relax your mind! “What’s the other one?”

“It’s about Kir.”

Natigilan ako sa sinabi niya at seryosong napalingon dito. Ibinaba naman nito ang hawak na tasa at kinuha ang cellphone sa bulsa ng coat niya.

“I met him before when I was still at Dark Chaos,” sabi niya at saka inabot sa’kin ang captured  picture ni Kir na nasa cellphone niya. Matangkad ito at may katabing matandang lalaki na nakasuot ng all-black at makapal na salamin.

“You’ve seen Kir right? He was the man beside the old man in all-black,” sabi ni Nessaj. Pero hindi kay Kir natuon ang pansin ko kung hindi sa matandang lalaki na katabi nito.

“He was Dr. Faust, the one who adopted Kir, Moriarty and JTR,” sabi sa’kin ni Nessaj nang mapansin ang pagtitig ko sa picture ng matanda. “Para kay Kir, nothing is more important than Dr. Faust’s orders. He’s a psychopath man who doesn’t have a backbone. He just follow orders unlike Moriarty na bumuo pa mismo ng sarili niyang grupo para gumawa ng evil deeds. He likes playing with people with the use of psychology. He has a high I.Q and a lot of special skills when it comes to weapon.  That guy was damn smart boss!”

“Isn’t it exciting? Knowing that we have a very tough enemy excites the hell out of me…” mahina kong sabi sa kanya. Mas lalo akong naexcite sa kaalamang kilala na namin ang tinuturing na master ni Kir at Moriarty.

Dr. Faust huh?

Kung ganun… siya ang kailangan naming mahuli para matapos na ang lahat ng malalaking krimen ng organization nila…

“Excuse me Sir Euclid!” napalingon kami ni Nessaj sa paglapit ni yaya Fe. “May nag-iwan nitong envelope sa mailbox sa labas kanina!” sabi nito sabay abot ng black envelope sa’kin.

“Kanino daw galing?” tanong ko sa kanya habang iniispect ang labas ng envelope. Walang kahit anong nakasulat sa likod nito pero may ilang bakas sa paligid ng sobre. Suspicious.

“May narinig lang po akong nagdoor bell sa labas kanina kaya agad akong lumabas para tingnan kung sino yun tapos paglabas ko, wala namang tao. Paglingon ko sa mailbox ay nakaipit na iyang envelope.

“Sige po salamat!” sabi ko sa kanya. Pagkaalis ni yaya Fe, maingat kong binuksan ang envelope. May puting papel ang nasa loob nito at may nakasulat pang 1610 sa labas. Binuksan ko ito at binasa ang nasa loob.

YOUR LINK SHOWS ILLEGAL FILE LIKE ILR AND I WILL SIDE WITH THE ONLY MALE DIRECTOR. EACH CLAN HAD PLAN YET FOCUS IS KEY TO TOP NO SPILL NOR BET MAN?

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon