CHAPTER 16.1: K&D Murder Mystery Case: Showdown of the Two Detectives (Part 2)

3.2K 111 14
                                    

"Sabi sa message di ba K will kill, D will die? Bakit si Mr. Kervin Diones ang namatay?" tanong ni Nickan. Kararating lang nila uncle Dy at kasalukuyang pinipicturan ang crime scene.

"He's cosplaying a Death God..." mahinang sabi ni Nessaj habang nakapamulsa sa isang sulok.

Tama siya. D for Death God... at kung tama ang nasa manifesto na ipinadala ni Kir...

Humarap ako sa mga taong malapit sa biktima kanina bago ito umalis at isa-isa silang tiningnan.

K is one of them... the killer who killed Mr. Diones.

"Teka, ano ngang pangalan ng sender ng letter na yun Euclid?" tanong ni Akesha habang panay ang picture sa crime scene. Hindi ko alam kung ilang kaso na ba ang nasaksihan ng batang 'to at mukhang bale-wala lang sa kanya ang mga nangyari ngayon. Naalala ko tuloy si Phillipse sa kanya, medyo magkalapit lang kasi ang edad nila and they're both Sherlockians too.

"It's from Kir," sagot ko sa kanya habang nililista lahat ng mga naalala ko kanina. Nang umalis sa table si Mr. Diones kanina, wala pa sa table si Darren at Jen. Maya-maya, dumating si Jen at sinalubong si Mrs. Diones. Nang dumating naman si Darren, tumayo si Krish para umalis. Nang makita ang katawan ng biktima, tumatakbong kadarating lang ni Krish habang nasa table naman sila Mrs. Diones, Jen at Darren. Kung ganun, ang hindi lang umalis sa mesa at imposibleng gumawa ng krimen ay si Mrs. Diones. Bukod sa kanya, lahat sila ay may pagkakataon para patayin ang biktima.

"Paano kung yung Kir pala talaga ang pumatay kay Ryuk? Kaya alam niya kung sinong mamamatay at papatayin kasi nga siya yung gagawa ng krimen!" sabi ni Akesha habang tinitingnan ang cellphone niya.

"It's not Kir," sabat ni Nessaj.

"Right. The letter he sent us was not a manifesto of his crime but someone else's," sabi ko sa kanila at saka tumingin sa paligid ng room. Nagkalat ang make-up kit sa ibabaw ng mesa sa harap ng salamin. Nandito din nakapatong ang remote ng T.V, cellphone at bag ng mag-asawa. Sa center table naman at sa sofa sa harap ng malaking salamin, punung-puno ng mga naka-hanger na costumes. Sa tapat ng center table, nakapatay ang 32 inch na Smart TV. Kasalukuyan ng kinukuha ng mga pulis ang mga ito para gamiting clues sa kaso.

Teka, costumes? Napangiti ako at saka tumingin sa taong yun. Tama, siya lang ang pwedeng gumawa ng krimeng ito...

Lumapit muna ako kina uncle para kamustahin ang paunang imbestigasyon nila.

"Ang tinatayang time of death ng biktima ay between 6 to 7PM ngayong gabi. Sinaksak siya sa puso ng kutsilyong nakita rin sa sahig sa harap ng salamin. Mukhang nakaupo ang biktima ng saksakin siya dahil may bakas na nahulog siya mula sa kinauupuan niya. Nawalan siya ng malay at nang makaalis na ang killer, gumapang siya papunta sa kabilang side para mag-iwan ng kung anong message. Walang CCTV sa hallway kaya walang records kung sinong pumasok at lumabas sa room na 'to," sabi ni uncle habang binabasa ang sinulat na notes sa kaso.

"May hinala na po ako kung sinong pumatay pero, wala pa akong ideya tungkol sa mga posible nilang motibo. Nakuha niyo na ba ang mga alibi nila?" sabi ko sa kanya.

"Inspector! Boss Euclid! Ito na yung background information ng asawa at mga kaibigan ng biktima!" humahangos na lumapit sa'min si Officer Dennis dala ang isang folder. Pagkaabot nito kay inspector, nakitingin na ko sa nilalaman nito. Mrs. Dorothy Diones married Mr. Kervin 10 years ago after mamatay ang ama nito sa isang aksidente. Her husband's company was the one who saved Mrs. Diones' company that time bago ito tuluyang malugi.

"Maganda naman kaya ang pagsasama ng mag-asawa? It looks like arranged marriage!" tanong ni inspector.

"Ahh! Sabi ng mga staffs ng hotel, super sweet pa rind aw ng mag-asawa kahit 10 years na silang nagsasama kaya sa tingin ko, wala namang motibo si Mrs. Diones para patayin ang sawa niya!" opinion ni officer Dennis. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa profile ng iba pang kaibigan ng biktima hanggang sa makarating ako sa profile ng taong yun.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon