CHAPTER 4: The Murder Case of a Science Professor

5.1K 177 8
                                    

It was already past 8 when I woke up the next morning. As fas as I've remembered, my first class for the day is scheduled at 10am. 30 minutes preparation, 30 minutes transportation from here to school... great! I still have time to sleep more. As soon as I've decided to close my eyes again, my cellphone rang.

Aish... inaantok pa 'ko! I tried to reach for my phone on my bedside table still with my eyes closed.

"Hello?" medyo paos ko pang sagot sa tawag.

"Good morning baby! Wake up na!" napakunot ang noo ko sa narinig.

"Nickan..." sabing wag niya kong tatawaging baby eh! =_=

"Oops! Hehe sorry! Naglalambing lang naman eh! Ayaw mo ba?" naiimagine kong nakapout 'to ngayon habang nagpapaawa sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"I'll get up na. Susunduin kita after 30 minutes. Wait for me, okay?" bumangon na ko mula sa pagkakahiga at sinimulang ayusin ang kama.

"Ihhh... nandito na ko sa inyo! Sabay na tayo magbreakfast!"

"H-Ha?" napatingin ako bigla sa suot ko. Nakaboxers lang ako at maluwang na sando. Napapikit ako bigla. Knowing Nickan, I'm sure...

"Sunduin na kita diyan?" sabi na eh!

"NO!!" sigaw ko sa kanya. Dali-dali kong inayos yung higaan ko habang hawak-hawak pa rin sa isang kamay yung cellphone ko.

"And why? May tinatago ka ba?" Napahilamos ako sa mukha nang makita yung mga hinubad ko kagabi na nasa lapag lang. Aish Euclid! Nagiging burara ka na?

"Sira ka ba? Kakagising ko lang! Hindi pa ko naliligo! Diyan ka lang sa baba!" dali-dali kong dinampot yung mga damit kong nagkalat at pagkatapos shinoot sila sa may laundry basket sa may sulok.

"Talaga?" pagkarinig ko sa sinabi niya, bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hinihingal pa kong lumingon sa kanya. Nakauniform na ito at halatang handang-handa na sa pagpasok. Ang aga naman?

"Ay sh*t!" bigla kong naalala kung anong itsura ko. Hinaklit ko bigla yung kumot sa kama ko at tinakip sa katawan ko.

"Pfft-hahahahahaha"

"Aish! Ang aga-aga, sinisilipan mo ko ah? Sobrang namiss mo ba ang maganda kong katawan ha?" tawa pa rin ito ng tawa. Nag-init bigla yung mga pisngi ko. Habang nakabalabal ng kumot, naglakad ako palapit sa kanya. Nakaisip ako ng pangganti sa kanya.

"Kasi naman ahahaha ang epic-" ninakawan ko siya ng halik sa pisngi na nagpatigil sa kanya sa pagtawa. Bigla itong napatulala sa'kin habang namumula ang magkabilang pisngi.

"Pinagtatawanan mo kasi ako!" napangiti ako ng maluwang. Hindi pa rin ito makapagreact. Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at pagkatapos, mahina akong bumulong sa kaniya. "Don't tell me nabusog ka na sa kiss ko ah? Kakain pa tayo ng breakfast!" I kissed her nose at pagkatapos, pinagsaraduhan ko na siya ng pinto.

"Maliligo na 'ko. Bumaba ka na!" sigaw ko pa sa kanya bago ako tumuloy sa C.R. Good job Euclid!

***

"Pinasa mo na ba kay Ma'am Cabal yung mga completion documents mo?" tanong agad ni Nickan pagkasakay ng kotse ko.

"Pinasa ko via email bago ako matulog kagabi," sagot ko sa kanya. Inistart ko na ang makina at nagsimulang magdrive.

"Hmm... Euclid?" tawag niya sa'kin. Lumingon lang ako saglit sa kanya.

"Oh?"

"May gagawin ka ba mamaya?" may gagawin nga ba ko?

"Depende," sagot ko sa kanya.

"Bakit depende?" medyo childish niyang tanong.

"Depende kung may kasong dumating," sagot ko.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon