CHAPTER 19.1: The Case of the Ruptured Body (Part 2)

2.7K 85 15
                                    

"So you mean to say, isa sa amin ang pumatay kay Fritzie?” nakakunot ang noong tanong ni Jeremy. Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng boses nito.

“Yeah. It’s obvious na isa sa inyo ang pwedeng gumawa nito,” sagot ko habang nakapamulsang nakatingin sa kanila.

“I know it’s pretty common in movies na unang mapaghinalaan ang mga kaibigan ng biktima but did you see Fritzie’s body? Do you think kayang gawin ng tulad namin ang ganung bagay?” depensa ni Axle.

“Yes, hindi yun imposible. In fact, it is between the ages 15 to 19 when people who experienced psychotic onset tend to do violent crimes. And all of you are just old enough to commit such deed.”

“Psychotic onset?” gulat na napatingin sa’kin si Nickan.

“Yeah. The wounds Fritzie had when she was killed, there was no deep meaning on it. It was like the killer just did that to satisfy his/her craveness,” mahina kong sabi habang tinitingnan ang mga reaksyon nila. They all looked bothered, except one.

“S-so ibig sabihin, isang psycho ang p-pumatay kay Fritzie? At iniisip mong isa sa’min ang taong yun?” namumutlang tanong ni Annie.

“Yes. Remember Fritzie’s outfit when she was found dead? She was wearing a white dress and has put on a make-up. According to your common testimony, bandang 11PM kagabi nang maghiwa-hiwalay kayo para pumunta sa kani-kaniyang kwarto. If she only got a sudden call from one of you, hindi ba dapat sumaglit lang siya para makipagmeet? Why did she took all the trouble to dress up, walk her way through the forest in the middle of the night? Hindi ba yun nakakapagtaka?”

Napansin kong pare-pareho silang natigilan at napaisip. I can see the curiosity that has drawn in their faces. Tsk, curious but not surprised. Something’s definitely not right.

“Ibig sabihin, she got a call from a very important person telling her to meet up, someone she knew, someone who could only be one of you,” tuloy ko sa sinasabi ko kanina.

“S-Si Kurt! It could only be him!” sigaw ni Pops sabay turo sa katapat na si lalaki. I can see how desperate she is. Desperate for what?

“A-After all, h-he’s dating Fritzie!” dugtong niya pa. Agad namang namutla si Kurt at mukhang hindi alam ang sasabihin.

“Teka! Hindi naman sila nagdedate ni Kurt ah! Fritzie’s the one flirting with him and not the other way around!” depensa ni Annie.

Hmm… interesting.

Napansin ko ang pagpasok ng isang police officer sa kwarto at ang pagbulong nito kay tito Greg. Maya-maya pa ay humarap sa’min ang huli. “Natagpuan na nila kung saan eksaktong pinatay ang biktima.”

Somewhere na may landmark or may pwedeng pagtaguan… yun lang ang naiiisip kong pwede niyang sabihin.

“Traces of blood were found beside the old grotto mga 10 meters ang layo mula sa lugar kung saan natagpuan ang katawan ng biktima,” saglit itong tumigil at saka seryosong tumingin sa mga kaibigan ng biktima. “Nahanap na rin ang murder weapon na may fingerprints ng posibleng killer kaya kailangan naming makuha ang mga fingerprints niyo at mainspect ang mga gamit niyo.”

Fingerprints eh? Napangiti ako. Nah… imposibleng gumawa ng isang obvious na pagkakamali ang killer. Imposibleng nag-iwan siya ng clue para mahuli siya agad.

Pumasok na sa room ang mga police officers na kukuha ng mga fingerprints nila kaya tumayo na lang muna ako sa isang tabi. Nakita kong sinenyasan din ni tito Greg yung iba pang officers na pumasok, siguro ay para iinspect na ang mga rooms ng mga kaibigan ni Fritzie.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon