CHAPTER 5: The Dying Message

4.5K 163 16
                                    

"Ang pangalan ng biktima ay Anderson Judilla, 48 years old, allied science professor. Tinatayang time of death ay around 2:00 to 3:00 ngayong hapon. Mukhang hinampas siya mula sa likod ng kung anong matigas na bagay, natumba siya at tumama ang noo niya sa may mesa at pagkatapos ay nawalan ng malay."

Tiningnan ko ang mesa na sinasabi ni inspector. Punung-puno ito ng mga testpapers na nalagyan na rin ng dugo. Mukhang nageencode siya ng grades nang atakihin siya nang kung sino dahil nakabukas pa ang laptop nito.

Teka... may bahid ng dugo ang keyboard...

Ginalaw ko ang mouse at nabuhay na ulit ang monitor ng laptop. Buti na lang at hindi siya nagsleep. Lumitaw sa screen ang excel file ng grades ng section namin. Napansin kong may nakasulat sa formula bar.

27173806

Ano 'to?

"Inspector, nakita niyo na ba to?" tawag ko sa atensyon niya.

"Ohh... numbers?"

"Mukhang pinindot po yan ni sir para mag-iwan ng mensahe..."

"Dying message huh?" tumango ako para sumang-ayon. May lumapit pa ditong isang officer na may bitbit na kung ano sa isang plastic.

"Saan mo nakita yan?" tanong dito ni inspector.

"Sa ilalim po ng mesa sir. Mukhang nahulog ng biktima," sagot dito ng officer. Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang dala nito.

"Isang scientific calculator?" sambit ko pagkakita sa 991-ES na scientific calculator na nasa plastic na hawak ng officer. May mga natuyong dugo sa ilang keys nito pero nag-ipon ang karamihan nito sa may bandang no. 7. Hindi kaya...

"Pwede pong patingin ako officer?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at pagkatapos ay inabot sa'kin ang plastic bag. Ang takip ng calcu ay nakakabit sa likod nito. May natuyong dugo sa screen nito pero yung dugo sa mga keys ay mukhang sinadyang punasan pa. Tiningnan ko ang bangkay ni sir. May mga bakas ng dugo ang damit nito. Mukhang siya nga ang nagsadyang magpunas ng dugo sa calculator. Binalik ko ang tingin ko sa hawak ko at pinindot ang ON button nito. Pero hindi siya nabuhay.

"Ahh mukhang sira yung calcu na yan hijo, sinubukan ko na rin yang pindutin kanina," sabi sa'kin ng officer. Tiningnan ko ang likod nito. May mga gasgas ito sa likod. Kung sa baba ito nakita, mukhang hindi lang ito basta nahulog. Hindi kaya... sinadya ng biktima na ihulog ito para hindi makita ng killer niya ang tungkol dito?

"Inspector! Tingin ko may kinalaman ang calculator sa numbers na iniwan ni sir sa laptop niya!" sabi ko sa kanya. "Nasisiguro kong may koneksyon silang dalawa. Malamang nang hampasin siya sa ulo ng kung sinuman at nawalan ng malay, mga ilang minuto pagkaalis ng suspek, nagising siya at nakita niya ang calculator sa mesa. Nang mag-iiwan na siya ng mensahe... napansin niyang hindi ito nagana kaya ginamit niya yung laptop para mag-iwan ng message na gusto niyang ipadecode."

"Pero ano namang mensahe ang mabubuo mo gamit ang mga numbers na yun Euclid? At isa pa, bakit hindi na lang pangalan mismo ng killer ang nilagay niya?"

"Dahil naisip niyang babalik pa sa crime scene ang killer niya at posibleng sirain ang kung anong mensaheng iiwan niya," napatingin ako sa may pintuan kung saan ko iniwan ang mga classmates ko kanina. "At hindi na ko magtataka kung nandito na siya kasama natin," tiningnan ko ang mga reaksyon nila.

I'm pretty damn sure it's one of them.

***

"Neh Euclid... you already know who killed our professor right?" mahinang tanong sa'kin ni Nickan. Nasa isang room kami para kunin ang mga alibi ng mga classmates ko.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon