Chapter XXXII (Gone)

11 0 0
                                    

Hindi ako nakapagsalita. Tahimik lang kaming apat na nakatayo sa tahimik na pasilyo. Sila habang pinapanood ang reaksiyon ko at ako naman na hindi alam kung paano ipproseso ang nalaman.

Napahinga ako ng malalim at napakurap ng ilang beses. I tried to open my mouth pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin.

"Daphne." Sir. Marshall's comforting voice. Sinubukan niyang hawakan ako pero agad akong lumayo ag mapanghusgang tumingin sa kanilang tatlo.

"Nagsisinungaling kayo." Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nila at mabilis na naglakad paalis do'n. Pumasok ako sa pinakamalapit na silid. Gumagana na naman ang utak ko.

Hindi ko din maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Naririnig kong paulit-ulit na tinatawag ni Sir. Marshall ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon. I need an alone time to think. Again.

Buti na lang at hindi na nila ako sinundan. Napasandal ako sa pintuan nang tuluyan ko iyong ma-ilock. Muli na naman akong napabuga ng hangin, pili na pinipigilan ang nagbabadyang luha.

I can't go back to Agartha. There's no path. Bakit gano'n? Hindi ba gusto kong makaalis sa Agartha? Ngayon naman na wala na ako do'n ang gusto ko naman ay bumalik? Tangina. Ano bang problema ko? Then an image of Favian suddenly cross my mind. I'm not going to see him anymore. The thought of it hurt my heart more.

I get it now. I know what's exactly the reason why I wanna go back to that place.

Napadako ang tingin ko sa bintana at napatulala. Biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Paano kaya kung nagsisinungaling lang sila? Hindi ako pwedeng basta-basta na lang magtiwala. Kailangang mapatunayan ko muna na wala na talagang daan pabalik ng Agartha bago ako mawalan ng pag-asa.

Naglakad ako papalapit sa bintana at binuksan 'yon. Sumalubong agad sa akin ang napakalakas na hangin. Napaangat ang tingin ko sa makulimlim na kalangitan. Mukhang malakas na ulan ang paparating. Napabuga ako ng hangin bago tanawin ang baba. Kakayanin ko kaya kung sakaling talunin ko 'to?

Parang hindi na gumana ang utak ko ng mga oras na 'yon at ang tanging gusto na lang gawin ay makatakas sa lugar na 'to. Narinig ko ang nga kalampasg sa pintuan. Bahagya pa akong nataranta bago sumampa sa hamba ng bintana. Nanginingig ang mga tuhod ko habang hinahangin ang mahaba kong buhok. Ang mga kamay ko ay nakakapit sa hamba para sa suporta. Tumingin ako sa baba at halos umikot ang paningin ko dahil sa pagkalula.

Lalong lumalakas ang kalampag sa pintuan kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at wala man lang pagdadalawang isip na tumalon sa bintana. Bahala na kung mamatay man ako sa gagawin kong 'to. Wala naman nang saysay ang buhay ko.

Napadaing ako nang tuluyan akong bumagsak. Swerte at naitukod ko ang mga braso ko kaya hindi naging masama ang pagbagsak ko. Kasabay no'n ay ang biglang pagkidlat ng malakas kaya napapitlag ako. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang damit ko atsaka ko lang din na-realized kung ano ang ginawa ko.

I'm finally outside. I'm free. Nilingon ko ang bintana na pinanggalingan ko atsaka nilingon ang madilim na gubat na nasa harapan ko. Kung tatakas man ako, saan ako pupunta? Naramdaman ko ang mahihinang pagpatak ng ambon hanggang sa tuluyan 'yong naging ulan. Napapikit ako at tumingala para damhin ang bawat patak ng ulan.

"Daphne!" Boses ni Sir. Marshall. Do'n ako tuluyang napamulat at otomatikong kumilos ang katawan ko para tumakbo diretso sa kagubatan.

Kahit ako ay hindi ko din alam ang ginagawa ko. Parang walang kontrol ang katawan ko sa pagtakbo na parang kabisadong kabisado ko ang buong lugar na 'to. Basa na ng ulan ang katawan ko pero hindi ko alintana 'yon. Mga ilang minuto rin bago ko napagpasiyahang huminto para tingnan kung nasaan ako.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now