Chapter III (Well)

40 4 0
                                    

Sobrang bilis. Hindi pa rin ako makapaniwala na kalahating taon na agad ang lumipas simula nang mawala si Lola. Mabilis masiyado na parang kahapon lang ang mga pangyayari. Hindi ako tumigil sa paghahanap sa kan'ya. Humingi na ako ng tulong sa awtoridad at sa mga kakilala ko pero walang pa ring progreso hanggang ngayon. Ni walang nakakaalam kung saan huling nakita ang Lola ko.

Sa loob din nang anim buwan na 'yon ay nagbago ang lahat. Napilitan akong pagsabayin ang pagt-trabaho at pag-aaral. Sobrang nakakapagod to the point na muntik na akong magkaro'n ng bagsak na grado. Maigi na lamang at may mabuting loob ang mga guro ko at naintindihan nila ang sitwasyon ko, graduating na ako sa buwang 'to at hindi pa ako sigurado kung tutuloy pa ba ako ng kolehiyo dahil sa tingin ko ay hindi ko rin naman kakayanin.

Magulo, nakakapagod at nakakapagtaka na biglang ganito na lang ang nangyayari sa buhay ko. Sana pala hindi na lang ako nag-birthday, kung alam ko pala na 'yon ang magiging simula nang paghihirap ko sa buhay. 

Tinigil ko ang mga iniisip at nag-focus na lang sa pag-r-review dahil parating na ang sunod naming teacher. At tulad nga nang inaasahan ko ay dumating si Sir. Marshall ng sakto sa oras. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at nagbigay agad ng problems para sa long quiz namin.

Hindi ako makapag-focus habang nagsasagot, bukod kasi sa kumukulo ang sikmura ko ay medyo masakit din ang ulo ko at paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang trabaho ko mamaya. Kung um-absent na lang kaya ako? Pero mam-mroblema ako nito sa mga susunod na linggo kasi magbabayad pa ako ng upa sa apartment.

"Pass your papers in front." N'on lang ako natauhan. Shit! Hindi pa ako tapos magsagot!

Binilisan ko ang pagsasagot pero hindi na talaga aabot at may tatlong problem pa akong hindi nasasagutan. Bigo akong huminto at pinasa ang papel ko. Nang obserbahan ko ang paligid ay mukhang ako lang yata ang hindi nakatapos dahil ang aliwalas ng mukha ng mga kaklase ko.

"Ang dali lang! First time yata magpa-quiz ni Sir. Marshall nang gano'n kadali ah? Sana always!" Dinig ko pang sabi ng isa kong kaklase na lalong nagpalumo sa akin.

Dahil may natitira pang kalahating oras bago mag-uwian ay nagsimulang mag-ingay ang buong klase. Hindi naman 'yon alintana ni Sir. Marshall na busy sa pag-c-check ng mga papel namin. Tahimik ko lang siyang pinanood habang ginagawa 'yon, hoping na sana ay hindi ako ang may pinakababang score.

"Daphne how about you?" Nagulat ako sa biglang pagbanggit ni Kara sa pangalan ko kaya nilingon ko ang kumpulan nila.

"Ha?"

"Halika dito Daphne Nagkkwentuhan kasi kami about our childhood experiences. Do you want to share yours?" Sabi pa ni Joey at naglahad ng upuan sa tabi niya, pinaunlakan ko naman 'yon.

"Childhood experiences?" Takha kong tanong, lahat sila ay nakatingin sa'kin. 

Kumunot naman ang noo ko at pilit na inalala kung meron ba ako n'on. "W-wala akong matandaan eh."

"What? Possible ba 'yon? Kahit isa? Like saan ka nag-aral ng tertiary and such?" Usisa pa ng isa kong kaklase na nakalimutan ko ang pangalan.

Kahit ako ay nagtaka. Wala talaga akong matandaan kahit isa, bakit gano'n? Umiling ako bilang sagot. Mabuti na lamang at hindi na nila ako pinilit pa at nagpatuloy sila sa pag-k-kwentuhan, nakuntento na lang ako sa pakikinig. Nagtataka pa rin kung bakit wala akong matandaan sa sinasabi nilang childhood experiences. Bakit ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'to?

"By the way, kumusta na pala ang paghahanap mo sa Lola mo? May lead na ba?" Usisa ni Ronald.

Natigilan ako do'n at hindi agad nakasagot. Tahimik lang silang nakatingin sa akin.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now