Chapter IX (Guardian)

18 3 0
                                    

I am always the coward and weak one. Iyon ang natatandaan ko sa kakaunting memoryang meron ako no'ng bata pa ako. Mahina ang katawan ko kaya bihira lang ang mga kasing edad ko na gustong makipag-kaibigan sa akin. Kaya siguro halos buong buhay ko ay ginugol ko sa pagbabasa ng libro at pagpapatalas ng utak ko kasi 'yon lang naman ang kaya kong gawin eh.  Sakitin din ako kaya lagi lang ako nasa loob ng bahay kasama si Lola. 

Ang Lola Esther ko. Siya lang ang bukod tanging hindi ako iniwan at kaya akong intindihin sa lahat. She taught me a lot of things na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa utak ko at habang buhay kong dadalhin kahit wala na siya sa tabi ko ngayon para palakasin ang loob ko.

She once told me that it's okay to be weak sometimes, we can't always be strong and it's okay to be afraid. The important thing is that we know how to face our fears and that's what makes us strong. Iyan ang isa sa mga turo niya na lagi ko isinasabuhay.

Kaya kahit ano pang ibato sa akin ng buhay, I must learn how to be strong. Alam kong hindi magiging madali lalo na ngayon na mag-isa na lang ako pero kakayanin ko para kay Lola.

Ingay ng kuliglig ang nakapagpagising sa diwa ko. Ramdam ko agad ang sakit ng buong katawan ko at halos hindi ko pa maigalaw ang ibang parte lalo na ang mga binti ko. Laking pasasalamat ko na may mga binti at braso pa rin ako pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Nagmulat ako ng mata 'tsaka ko lang na-realize na isang mata ko lang ang nakakakita dahil may takip ang isa.

Buhay ako.

Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari pero hindi naging malinaw sa memorya ko ang iba bukod sa parteng muntikan na akong kainin ng mga halimaw. Paanong nakaligtas ako? Hindi ko matandaan, anong nangyari? Kumirot ang kaliwa kong mata at agad akong napahawak do'n. Natakot ako bigla habang pinapakiramdaman ang katawan ko.

Am I blind? Huwag naman sana.

Sinubukan kong igalaw ang isa kong braso para makabangon ako sa pagkakahiga pero bigo ako. Masiyado pang mahina ang katawan ko para kumilos. Kinuntento ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin sa paligid kahit medyo nahihirapan ako dahil isang mata ko lang ang nakakaaninag.

Nasa isang tolda ako. Maraming hindi malamang kasangkapan ang nasa paligid, feeling ko iyon ang ginamit para gamutin ang mga sugat ko. Tanging sapin lang din ang pagitan namin ng lupa at kitang-kita ko mula sa labas ang kadiliman ng gabi. Nasa gubat pa rin ako?! Pinilit kong bumangon dahil inatake na naman ako ng kaba. Akala ko ligtas na ako! Bakit nandito pa rin ako sa lugar na 'to?! 

Hindi sinasadyang napadaing ako nang malakas nang maituon ko ang isa kong braso. Sobrang sakit! Napalingon naman agad ako sa bukana ng tolda nang makarinig ako ng yapak papalapit. Inatake agad ako ng kaba.

Mabilis akong kumilos at naghanap ng pwedeng gamitin para pamportekta sa sarili ko pero natigilan lang ako at nagulat nang napatingin sa itsura ng pumasok. Matangkad siya, may kalakihan din ang katawan niya at halatang batak iyon dahil wala siyang suot na pangtaas at tanging pambaba lang na mukhang pinaglumaan pa ng panahon dahil sa itsura. 

May nakasabit rin na armas sa likod niya na sa palagay ko ay dalawang espada. Ang pinaka-nakakapagtaka pa sa itsura niya ay ang suot niyang maskara na tumatakip sa kabuuan ng ulo niya.

"A-ano uhh, sino ka?" Nasabi ko na lang nang makabawi sa pagkagulat. Mukha namang hindi siya masamang nilalang kaya 'di ko na tinuloy ang balak ko.

And how can you say Daphne? Hindi ba sinabi mong hinding-hindi ka na magtitiwala sa kahit sino? Ahh! I don't know, I can feel it na hindi siya masama. At siguro siya din ang nagligtas sa akin. Napalunok ako nang hindi siya sumagot.

"Narinig mo ba ako? Ang sabi ko sino ka? Ikaw ba ang nagligtas sa akin?" Sunod-sunod kong tanong pero hindi siya sumagot. Hindi ko naman matukoy ang eskpresyon niya dahil hindi ko nga makita ang mukha niya. Parang bato lang siya na nakatayo do'n sa bukana ng tolda.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now