Chapter XII (Friends)

16 1 0
                                    

Ang akala ko ay simula na no'ng naglakad kami nang napakalayo tapos hindi pa pala 'yon. Ngayon kailangan ko pang umakyat sa napakataas na bundok na 'to. Unbelievable.

"Sigurado ka ba dito Favian? Wala na bang ibang daanan? Baka meron pa naman? Delikado itong gagawin natin." Tanong ko kahit naman alam kong hindi siya sasagot. Nilingon ko ang paligid at muling nag-baka sakaling may iba pang paraan pero bigo ako.

Bakit naman kasi ganito?

Umiling si Favian sa akin at tinuro ang lubid na hawak ko. Kunot noo naman ako, ano bang gagawin ko dito? Nang tingnan ko siya ay nakapulupot na iyon sa bewang niya kaya ganoon rin ang ginawa ko. Kinuha niya ang dulo nang lubid namin at hinagis niya iyon pataas.

Napanguso ako at hindi makapaniwala sa ginawa niya. "How can you be so sure na safe 'to?! This is not even a proper!"

Nag-p-panic na ako samantalang siya ay wala lang imik, malamang. Ano ba bang aasahan ko? Mukhang kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko na magsalita nang mag-isa, ngayon siya na lang ang kasama ko. Saan ba kasi nagpunta si Fiona? Ang pusang 'yon!

Napatigil ako sa mga iniisip nang makitang nagsisimula nang umakyat si Favian. Mga ilang segundo rin bago ko mapagpasiyahang sumunod. Hinigit ko muna nang ilang beses ang lubid para masiguradong hindi iyon mapipigtal once na umakyat na ako.

Nang maikalma ko ang sarili ko ay nagsimula na din akong sumunod sa kan'ya sa pag-akyat. "Hintayin mo naman ako! Ang bilis naman." Reklamo ko nang mapansing wala man lang yata siyang planong bagalan ang pag-akyat.

Mas mahirap pa 'to kesa sa pagtakbo kasi kailangan ko buhatin ang sarili kong bigat. Mga ilang minuto pa lang ay namamanhid na agad ang mga kamay ko sa pagkakahawak nang lubid pero pinigilan ko ang sariling magreklamo at nag-isip na lang ng positibo.

Kapag nalagpasan ko lahat nang hirap na 'to, titibay ang loob ko at lalakas ang katawan ko. Hindi na ako magiging mahina at hindi ko na kailangang mangamba sa buhay ko. Matututo akong ipagtanggol ang sarili ko at hindi ko na kakailanganin ng proteksiyon mula sa iba. 

Muli na namang sumagi sa isipan ko ang payapa at natutulog na mukha ni Sir. Marshall. Kumusta na kaya siya? Sana talaga ayos lang siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya. Atsaka si Lola, she's the main reason why I need to be strong. 

Natigil ako sa pag-iisip at napatili nang mamali ang apak ko at dumulas ang isa kong paa. Napalingon agad sa akin si Favian.

"Ayos lang ako!" Agap ko at ngumiti pa nang bahagya nang mapansing bababa pa sana siya para tulungan ako. Tumango lang siya at nagpatuloy ulit sa pag-akyat.

Napanguso ako, ang cold naman talaga ng lalaking 'to. Ilang oras din kaming gano'n ang sitwasyon, tantiya ko ay tatlong oras na kaming umaakyat pero hindi ko pa rin tanaw ang dulo ng bundok na ito. Ang taas pa ng sikat ng araw at tagaktak na naman ang pawis ko.

Damn! I want to shower so bad! Panay ang reklamo ko gamit ang isipan ko lang dahil nakakahiya naman kay Favian na tahimik lang at seryoso sa pag-akyat. Hindi ba kami hihinto? Don't tell me hindi siya nakakaramdam ng pagod? Kasi ako pasuko na talaga ang katawan ko at feeling ko anytime ay mamamanhid na ang buo kong katawan. Mga ilang oras pa ulit ang lumipas at hindi ko na napigilang isaboses ang tanong ko.

"Favian? Malayo pa ba? Magkukulay lila na ang langit oh." Hinihingal kong sabi habang nakatanaw sa kalangitan. Malapit nang mag-gabi ibig sabihin.

Nilingon niya ako at simpleng tumango. Napasimangot ako at napabuntong hininga. Seryoso ba siya diyan? Ano ba ang depinisyon niya ng malapit? Kaloka! Nagpatuloy kami sa pag-akyat at maya-maya rin ay natanaw ko na siya na huminto sa isang patag na lugar. 

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now