Chapter XVII (Brave)

11 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako nang mahimbing na tulog nang maalimpungatan ako bigla. Napamulat ako ng mata ng makarinig ng ingay mula sa kung saan. Hahayaan ko na lang sana 'yon nang mapansin kong bukas ang bintana ng kwarto. Napatayo tuloy ako para isara 'yon.

Akmang isasara ko na 'yon nang matigilan ako nang mapansing may kung anong hayop ang nakatayo sa pasimano ng bintana. I squint my eyes to see it clearly, it's a squirrel. Teka, this one looks so familiar like the one Favian holding ah. Tumalon 'yon palabas ng bintana at nilingon ako as if telling na sumunod ako.

Medyo lutang pa ako kaya atubiling hinagilap ang eyepatch ko atsaka wala sa sariling tinalon ang bintana para sundan ang squirrel. Paniguradong pinadala siya ni Favian para hanapin ako. Papikit-pikit pa ang mga mata kong naglalakad sa kalagitnaan ng dilim habang nakasunod sa tumatakbong squirrel.

"Where are we going?" Tanong ko as if namang sasagot siya.

Napahinto ako sa paglalakad nang tuluyang matauhan. Hindi ako nakapagpaalam kay Trixie! Muli akong lumingon sa pinanggalingan ko pero tanging kadiliman lang ang natanaw ko. Magkikita pa naman siguro kami sa susunod.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero natigilan nang mawala sa paningin ko ang squirrel. Napahinto ako sa paglalakad at tinanaw ang buong paligid. Sobrang dilim na halos wala akong maaninag na kahit ano. Nasaan na ako? Seriously, Daphne?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad nagbabakasaling muli kong matanaw ang maliit na hayop pero medyo malayo-layo na ako at hindi ko na alam kung saan pa ba ang tungo ko. Kakamot-kamot sa ulo akong napahinto at natulala pa sandali.

"Naliligaw na naman ako." I utter to myself. Bahala na nga kung saan ako mapadpad.

Napahikab ako at akmang magpapatuloy na ulit sa paglalakad nang makarinig ako ng mga yapak papalapit sa akin. Napahinto agad ako at napalingon sa paligid pero tanging malalaking puno lang ang natanaw ko. Napakunot ang noo ko at pinakiramdamang maigi ang buong paligid. Ihip lang ng hangin ang naririnig ko. Ano 'yon? Guni-guni ko na naman yata.

Biglang may humawak sa braso ko. Pasigaw palang sana ako nang may tumakip din sa bibig ko. Magpupumiglas na sana ako kung hindi ko lang napansin na pamilyar ang braso n'on. Pagharap ko ay si Favian naman pala!

"Oh my God. Ginulat mo ako! Akala ko kung sino!" Pabulong kong sabi at napahawak pa sa didbid ko dahil sa sobrang kaba. Ang akala ko ay mapapahamak na naman ako.

Tumitig lang siya sa akin sandali at nauna nang naglakad. Sumunod naman agad ako. Napansin ko na nasa balikat niya na 'yong alaga niyang brown na squirrel. Nakatingin 'yon sa akin at ewan ko kung guni-guni ko lang pero parang biglang naging pula ang mga mata no'n.

Iniwas ko na lang ang tingin ko do'n, creepy. Napabuntong hininga na lamang ako habang sumusunod sa tahimik na si Favian. Balik na naman ako sa tahimik kong buhay.

Napansin kong hindi na naman niya kasama si Fiona. Nasaan na naman kaya ang pusang 'yon? Hindi na ako nag-abalang magtanong pa dahil alam ko namang wala akong matatanggap na sagot. Napayakap ako sa sarili nang biglang umihip ang malakas na hangin.

Diniretso ko na lang ang tingin dahil kinikilabutan ako sa itsura ng mga naglalakihang puno sa paligid. Feeling ko kasi ay may buhay sila at nakatingin sa akin. Gusto ko na agad makaalis sa lugar na ito. I'm having a bad feeling about this.

Ang akala ko ay aabutin pa kami hanggang umaga sa paglalakad pero nagulat ako nang tumigil din kami. Pagtingin ko ay nasa harap kami ng isang nakakatakot na kuweba. Hindi ko alam pero napaatras na lang ako habang nakatingin do'n. Napatili pa ako nang biglang magsilabasan ang napakaraming paningi mula do'n.

Napaupo ako at agad na tinakpan ang mukha ko para protektahan.

Nakatingin lang si Favian sa akin na parang walang pakialam. Ginigiya ako papasok sa kuweba. "Bakit tayo papasok diyan? Anong meron?" Tanong ko kahit alam ko namang hindi siya sasagot.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now