Chapter XIV (Lost)

11 1 0
                                    

Libang na libang ako nang makarating kami sa bayan na kanina lang ay tanaw ko habang naglalakad kami. Medieval na medieval ang era ng lugar na 'to, from all the building structures hanggang sa kasuotan mga nilalang na nandito. Unlike sa una kong napuntahan ay mas magaan ang atmospera sa lugar na ito at punong-puno ng iba't-ibang mga palamuti ang paligid na tila may piyesta.

"Maligayang pagbati mula sa bayan ng Elisora!" Salubong sa amin ng grupo na nagsasayawan at nagkakantahan. I clap as I watch them perform.

Elisora. What an elegant name for a town. Mukhang mababait naman ang mga nilalang sa lugar na ito kaya wala akong dapat na ikabahala.

Halata sa mukha ng mga nilalang na nakikita ko ang kasiyahan sa ginagawa. Ano kayang meron? Baka nga may piyesta sa lugar na ito? Nagulat pa ako nang biglang may majikerong mag-abot sa akin ng bulalak na nagpangiti sa akin. I utter my thanks to him at naglakad paalis do'n.

I'm enjoying what I'm seeing habang si Favian ay diretso lamang ang tingin at wala man lang kalingon-lingon. Tahimik lang akong nakasunod sa kan'ya. Maya-maya ay huminto kami sa tapat ng isang tindahan na hindi ko matukoy kung ano ang tinitinda.

Hindi na ako nag-abalang magtanong at pinanood lang ang ginagawa niya. May inabot siyang papel sa babaeng namamahala do'n at bigla na lang naglaho 'yon. Atsaka ko lang napansin na mga hayop pala ang tinitinda nila nang mapalingon ako sa isang kulungan at makita ang isang tuta na mukhang uhaw na.

Aww, poor thing. Lumapit ako do'n at pasimpleng pinainom ng tubig ang tuta. Nakakaawa naman, hindi nila deserve na ikulong sa ganitong lugar tapos ibebenta lang.

"Si Favian 'yon ah?"  Napalingon ako sa bandang likuran nang makarinig ng mga hagikhikan.

May mga babaeng nagkukumpulan at malagkit ang tingin sa kasama kong parang bato lang at walang kagalaw-galaw sa isang gilid. Napanguso ako at muling binalik ang tingin ko sa tuta.

"Ilang dekada ko rin siyang hindi nakita! Mabuti at naisipan niyang muling mapadaan dito." Rinig kong sabi ng babaeng may katabaan at may dalawang bukol sa noo na tila mga sungay na hindi pa tumutubo.

" Walang pinagbago. Napaka-gwapo at matikas niya pa rin sa nagdaang panahon ha." Sabi pa ng isa niyang kasama na kulay berde naman ang kulay ng balat at nag-hagikhikan na naman sila.

Napanguso ako. Ha? Paano nila nasabing gwapo si Favian eh may suot siyang maskara? Bulag ba sila? Sana ayos lang sila. Napailing na lang ako at hinimas ang ulo ng kawawang tuta habang nakikinig pa rin sa mga pinagsasabi nila.

"Sa tingin mo ay may nobya o asawa na kaya siya?"

"Mukhang wala. Hindi siya ang tipo ng lalaki na gano'n. Mas tutok siyang paglingkuran ang reyna kesa asikasuhin ang mga gan'yang bagay 'no. Pero kung meron man ay napaka-swerte ng babaeng mamahalin niya."

Reyna? Anong ibig niyang sabihin? Gusto ko pa sanang makisali sa usapan nila ang kaso ay biglang nawala si Favian sa paningin ko. Paglingon ko sa kaliwa ay nauuna na pala siyang maglakad kaya sumunod agad ako. Nakatingin ako sa likod niya habang iniisip ang narinig.

Is Favian some kind of a knight? Naglilingkod daw sa reyna eh. Ibig sabihin monarkiya pala ang pamamalakad sa Agartha kung gano'n? Ang dami ko na namang katanungan! I need Fiona. Nasaan ba kasi ang pusang 'yon? Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita.

Napapanis na din ang laway ko dahil wala akong makausap. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Binilisan ko ang lakad at kinapalan na ang mukha na sabayan si sungit.

"Gutom na ako, Favian." 

Huminto siya at tumingin sa akin sandali pagkatapos n'on ay nagpatuloy ulit sa paglalakad. Atsaka ko lang din napansin na may bitbit siyang isang squirrel. Tingnan mo 'tong isang 'to. Don't tell me nagpunta lang kami sa lugar na ito para do'n? 

Agartha: The Lost CivilizationOù les histoires vivent. Découvrez maintenant