Chapter XVI (Way)

15 2 0
                                    

"Ang Agartha ay binubuo ng apat na parte," May nilatag siyang isang mapa sa lamesa. "Siguro naman alam mo na halos lahat ng nandito sa lugar na ito ay galing din sa itaas 'di ba? So let's skip that part-"

"What? Anong ibig mong galing sa itaas? Ibig sabihin pinanganak sila sa totoong mundo at hindi mismo dito sa Agartha? Wait, hindi ko alam ang part na 'yan. Anong ibig mong sabihin?" Nalilito kong sabi, gulat sa narinig.

"Seryoso? Hindi mo alam pati 'yon? Saan ka ba galing, girl?" Oh, shit. Wrong move.

Mabilis na gumana ang utak ko para makaisip ng palusot. "A-ano kasi, nakalimutan ko palang sabihin sa'yo. I got into an accident kaya nawala ang memorya ko. Wala akong alam at maalala na kahit ano pagkagising ko maliban na lang sa pangalan ko."

Napatango naman siya. "Gano'n ba? Okay. Wait lang ha? Let me get my book para mas maayos ang pagpapaliwanag ko sa'yo."

Ngumiti pa ako at tumango atsaka siya dali-daling umalis para kuhanin ang sinasabi niyang libro. Kasabay ng pagkawala niya ay ang paglalaho din ng peke kong ngiti. She's so easy to fool. Parang katulad ko lang dati, napaka-dali sa kan'ya ang mag-tiwala. Hindi ko maiwasang atakihin ng konsensiya ko. I never thought I will turn into someone I hate the most.

"Okay! Here it is." May nilahad siyang mga libro sa lamesa. "So, back to what I'm saying. Totoo nga 'yon. Lahat ng nasa Agartha ay galing din sa taas. You know? Hindi tanggap ang mga katulad nating kakaiba sa totoong mundo kaya kumbaga sabihin na lang natin na Agartha ang nagmistulang tapunan ng mga nilalang na katulad natin. Iyon ang alam ko, though hindi naman ako masiyadong sigurado, hehe. Sabi lang ng matatanda."

Muntik na akong mapa-facepalm. Seriously? Hindi ko na lang pinuna at nanatiling tahimik habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "Nahahati sa apat na parte ang Agartha," May nilatag siyang mapa sa mesa. "Mount Manu, Land of Elisora, City of El do Rado, at ang pinaka-sentro ng lahat, Shambala Realm."

Tumango-tango ako, tinatandaan ang mga pangalan ng lugar na tinututo niya sa mapa. Shambala? What a corny name for a place. Seryoso? Who would name a place like that?

"Siguro naman alam mo na nasa Elisora ka ngayon 'di ba?" I nodded."Sa apat na parte ng Agartha ang lugar na ito ang pinakamaliit pero isa sa mga mauunlad. Kumbaga sa apat kung i-r-rank, pangatlo ang lugar na 'to. Pang-apat 'yong Mount Manu. Narating mo na ba 'yon? Bundok lang 'yon sa unang tingin pero madami din ang nakatira sa lugar na 'yon. Karamihan ng mga nilalang do'n ay may pinagtataguan kaya do'n nanatili."

"Oo, galing ako do'n bago ako mapadpad dito."

"Then, next ay ang City of El do Rado. Pangalawa sa apat. Oh, I love this place! Napaka-ganda do'n! Karaniwan ay mga middle class ang naninirahan sa lugar na 'yon, iyong bang may mga ambag talaga sa lipunan? Isang beses pa nga lang ako napadpad do'n at dahil pa 'yon sa trabaho. Pangarap ko ngang doon tumira eh."

Napatango-tango ako. So, base pala sa class at pamumuhay ng mga nilalang ang Agartha. Hiwa-hiwalay ang bawat uri ng mga tao. I get it now. "How about the Shambala then?"

May tinuro siya sa mapa, yong parteng nasa gitna at pinakamalaki ding lugar sa apat. "Shambala Realm. Diyan nanggaling si Favian. Mahaharlika ang nakatira sa lugar na 'yan dahil nandiyan ang palasyo ng Reyna. Hindi basta-bastang nakakapunta ang mga nilalang na tulad natin diyan. Atsaka alam mo ba! Kung high tech ang mga kagamitan natin, ano pa 'yong kanila? Sobrang advance! Pangarap kong marating ang lugar na 'yan ang kaso mukhang hanggang pangarap na lang yata talaga."

She sigh dreamily. Napataas ang kilay ko. Really, huh? Gano'n ba ka-gara ang lugar na 'yon? Kung galing do'n si Favian ay posibleng makarating din ako do'n. I wonder how it looks? Baka exaggerated lang yata itong si Trixie eh.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now