Chapter XXI (Bad)

15 0 0
                                    

'You're ready.'

Napataas ang kilay ko nang mabasa ang nakasulat sa espadang kahoy ko. This is Favian's penmanship. Ready, ha? Of course, I really am. I just cut his mask into two. Hindi ko mapigilang mapangisi kapag naalala ang nangyari kahapon. I still can't believe I managed to do that.

Our training really pays off. Hindi ko man nahati sa dalawa ang malaking bato na 'yon, iba naman ang nahati ko. At sa tingin ko sapat na 'yon para mapatunayan ko ang sarili ko sa kanila. I can join the competition and I can fight.

Tinabi ko ang espadang kahoy sa closet ko bilang remembrance. Maya-maya lang din ay handa na akong nakabihis pati ang mga na-empake kong gamit. Ngayon ang alis namin patungo sa Shambala dahil sa sunod na linggo na daw mag-uumpisa ang paligsahan na pinaghahandaan namin. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Kaba, excitement o pangamba? Pero isa ang sigurado ko. Magiging ligtas ako hangga't nasa tabi ko si Favian. 

"Wow, ang daming pagkain! Anong meron? Fiesta? Meron bang may birthday?" Komento ko nang makarating sa dining table na puno ng masasarap na mga pagkain. "By the way, magandang umaga sa inyo! Ganda ng panahon ngayon 'no?"

I smiled brightly at them. Hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin si Favian at abala sa binabasang diyaryo. Bago ang suot niyang maskara pero gano'n pa rin ang disensyo. Napanguso ako at nilingon na lang ang pusa. Mas nakakausap pa ito ng matino eh.

"Magandang umaga rin, Daphne. Hinanda ko ang lahat ng 'yan dahil kailangan niyo maging handa sa paglalakbay patungong Shambala. Kumain ka ng marami, Daphne." Mahabang sabi ng pusa. I smiled once again and pet her head before finally digging in.

Panay ang pasimple kong sulyap kay Favian habang kumakain ako. He's back with his usual clothes. He's not wearing any top like the usual kaya nakabalandra na naman ang batak niyang katawan. Nakasabit rin sa likod niya ang dalawa niyang espada. Napababa ako ng tingin nang mag-angat siya ng tingin.

Gusto ko sanang magsimula ng usapan pero bigla akong nahiya. Sinarado niya ang binabasang diyaryo. He pat Fiona's head a few times bago tumayo na rin. Mabilis ko namang tinapos ang kinakain at sumunod na rin sa kan'ya. Bago ako makalabas ng pinto nilingon ko ang pusa.

"Hindi ka ba sasama, Fiona?" Takhang tanong ko. Umiling ang pusa at tumalon sa kung saan. Nang humarap siyang muli sa akin ay may kagat na siya sa bibig niya. Agad kong kinuha 'yon.

"Ano 'to?" Ineksamin ko ang maliit na botelya na may lamang mga tableta.

"Magagamit mo 'yan. Mag-iingat kayo, Daphne." Iyon lang sinabi niya at tinalikuran na din ako. Napakunot na lang ang noo ko bago isilid ang bote sa bulsa ko. "Okay! Salamat, Fiona!"

Mabilis akong lumabas ang bahay at tumakbo para masundan ang supladong si Favian. Bakit kaya hindi sumama si Fiona? Naku. Mukhang mapapanis na naman ang laway ko nito ah.

"Maglalakad lang ba tayo? Wala ba tayong sasakyan? Hehe." Pabirong tanong ko. Umiling siya. "Sabi ko nga, hehe. Sayang naman. Ang high-tech ng mga kagamitan dito sa Agartha pero hindi man lang tayo magsa-sasakyan." Parinig ko pa ulit na mukhang wala naman siyang pakialam.

Well. Totoo naman kasi. Hindi pa ako nakakasakay sa kahit anong transportasyon simula nang mapadpad ako dito. Puro lakad lang ang ginagawa namin. Pero ayos lang, nakakatulong din naman ang paglalakad na ginagawa namin para lumakas ang katawan ko.

Dahil wala namang plano si Favian na kausapin ako ay nilibang ko na lang ang sarili ko katitingin sa mga nadadaanan namin. Maganda ang panahon. Hindi masiyadong mainit, sakto lang at sobrang sarap ng simoy ng pang-umagang hangin. This is why I love open land fields. Ang payapa ng paligid.

Napapikit ako habang dinadama ang hangin sa balat ko. Hindi ko mapigilang mapangiti, ang sarap sa pakiramdam. I can live to this place, forever! Napamulat ko ng mata at nagulat rin sa naisip. Mabilis kong binawi 'yon. Nope, I will not stay here in Agartha. Babalik pa ako sa mundo ko. What the hell am I thinking?!

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now