Last Chapter

18 2 0
                                    

Everything happened so fast.

Nakapangalumbaba ako sa pasimano ng bintana habang nakatanaw sa napakalawak na bakanteng lupaing natatanaw ko. Presko ang simoy ng hangin at mataas ang sikat ng araw. Kung pwede lang ako manatili sa ganitong pwesto ay hindi na talaga ako aalis. Sobrang payapa sa pakiramdam. Hindi ko tuloy maiwasang magbalik-tanaw sa lahat ng mga pinagdaanan ko.

Ordinaryong estudyante lang ako n'on na may ordinayong buhay kasama ang Lola ko. O iyon nga ba talaga ang buhay na meron ako? Sa kabila ng lahat ng nalaman ko tungkol sa pagkatao ko hindi ko na talaga alam kung sino nga ba talaga ako. Pero mahalaga pa bang alamin talaga ang katotohanan? Parang mas gusto ko na lang kasing kalimutan lahat ng 'yon at magsimula ng panibago. 

I sighed. Here I am, thinking about that again. Sabi ko hindi ko na ulit iisipin ang bagay na 'yon eh. I have a peaceful life now. Wala na sa panganib ang buhay ko hindi katulad dati pero kaakibat naman n'on ay ang isang napakabigat na obligasyon ko sa Agartha.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ng katok. 

"Mahal na reyna, nandiyan po ba kayo?" I rolled my eyes. Pinilit pang baguhin ang boses pero halata namang siya. Tumayo ako at lumapit sa pinto para pagbuksan si Trixie.

She's in her human form again na mukhang napapadalas na yata. Namimiss ko na tuloy siyang makita bilang pixie. Ang hindi lang siguro nagbago sa kan'ya ay ang hilig niya sa mga kagamitang kulay dilaw. Ewan ko ba sa babaeng 'to. "Ano? Feel na feel mo namang tawaging 'Mahal na Reyna' 'no?"

Sinimangutan ko siya at naglakad pabalik sa pwesto ko. "Kung wala ka namang sasabihing matino pwede bang lumabas ka na lang sa kwarto ko?"

"Aba! Hoy, hindi gan'yan magsalita ang isang reyna."

Simula nang maipasa sa akin ang korona wala na talaga siyang ibang ginawa kung 'di asarin ako ng paulit-ulit sa reyna na 'yan. Para namang ginusto ko talaga 'to? Bwisit. Naalala ko tuloy no'ng araw na isinawalat ko ang itsura ko sa buong Agartha sakto sa araw na mamatay ang Hari. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng nilalang sa Agartha na ihalal ako bilang reyna nang dahil lang sa itsura ko. Masiyadong naging madali ang lahat. Hindi man lang ako nahirapan.

Inukutan ko na lang siya ng mata at muling tumanaw sa labas ng bintana. Sinusulit ko na ang mga oras na wala akong gagawin dahil sigurado na tambak na naman ang mga trabaho ko mamaya.

Ang buong akala ko talaga ay walang ibang ginagawa ang mga Hari at Reyna bukod sa pagpapasarap sa palasyo pero peke lang pala 'yon. Naalala ko no'ng unang linggo ko palang halos maikot ko yata ang buong Agartha dahil sa sobrang dami ng dapat kong gawin. Kaya siguro walang halos naghahangad ng trono kasi madami talagang responsibilidad.

Gusto ko na lang maging ordinaryong mamamayan ng Agartha!

"Anyway, hindi naman ako nagpunta dito para asarin ka. May maganda akong balita!"

Nilingon ko siya. "Huhulaan ko, tungkol na naman kay Favian 'no?" Walang gana kong tugon.

Nawala ang excitement sa mukha niya nang marinig ang tono ng boses ko na agad ko namang pinagsisihan. "Sorry, Trixie. K-kasi ewan ko ba. Hindi ko na bilang kung pang-ilang balita na ba 'yan na napaasa lang tayo."

"Nawawalan ka na ba ng pag-asa?"

"Hindi. Gusto ko lang sanag magpahinga na lang muna. Limang taon na tayo sa paghahanap sa kan'ya pero lahat ng lakad natin para mahanap siya ay palpak. Gusto ko muna sanang siguraduhin na this time ay sana totoo na." Pangangatwiran ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya.

Mabilis ang panahon. Anim na taon na akong namumuno sa Agartha. Ang buong akala ko ay mapapadali ang paghahanap namin kay Favian ngayon na nasa akin na lahat ng pwede naming kailanganin pero hindi. Ilang beses na kaming naloko at sumubok para mahanap siya. Nagbigay pa kami ng pabuya pero wala namang nangyari. Parang ayaw ko na tuloy ituloy ang paghahanap sa kan'ya kasi natatakot ako sa mga pwede kong malaman.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now