Chapter V (Trouble)

22 3 0
                                    

Nakaharap ako sa laptop ko at paulit-ulit na pinapanood ang footage kung saan huling namataan si Lola. Pumasok siya sa may parteng gubat pagkatapos n'on ay wala na, alam na alam ko kung saan ito. Kung tama ang hinala ko konektado ang lugar na 'yon gubat na mayroon ang school namin. Isa lang ang nasa isipan ko ngayon, kailangan kong mapuntahan ang lugar na 'yon. 

Inisip ko muna ang mga gagawin ko. Magpapasama ba ako kay Nicholas? Sabado naman ngayon eh kaya siguro pwede siya? Akmang dadamputin ko na sana ang phone ko nang biglang maisip na ayaw ko na siyang abalahin atsaka maggagabi na rin pala kaya baka hindi siya payagan. Napabuntong hininga ako at pinaikot-ikot ang swivel chair na inuupuan ko habang nag-iisip.

Maya-maya ay napatayo ako nang makapag-desisyon. Ngayon na ako pupunta, hindi ko na ipagpapabukas 'to. Dinampot ko ang jacket ko at agad na kumilos upang tumungo sa lugar na 'yon. Parang biglang naglaho ang tapang ko nang nasa bukana na ako ng gubat. Napalunok ako sa kaba nang maalala ang huling tapak ko dito. Na-engkanto ako, 'yong boses ng babae na tumatawag sa pangalan ko, hinding-hindi ko 'yon malilimutan. Agad ko iyong binura sa isipan ko at dumiretso  ng lakad.

Wala na akong oras para matakot, dito nakasalalay ang pag-alam ko sa kung ano talaga ang nangyari kay Lola. Bitbit ang flashlight ay tinahak ko ang daan papasok sa napakadilim na gubat. Hindi dapat ako kabahan, dalawa ang labasan ng gubat na 'to, isa sa eskuwelahan na pinapasukan ko at isa naman ay 'yong sa likod ng apartment na tinutuluyan ko. Wala akong dapat ikatakot.

Dire-diretso ang lakad ko at halos hindi na ako lumilingon sa kung saan dahil sa takot na baka kung ano ang makita ko. Habang tumatagal ang mabagal na lakad ko ay naging mabilis hanggang sa hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako sa sobrang takot. Shit! Atsaka lang ako natauhan. What the fuck am I doing in the middle of the night?! 

Dapat pala ay ipinagpabukas ko na lang ito!

"Shit!" Malutong kong mura nang may maapakan akong malaking ugat ng puno dahilan para madapa ako at tumalsik kung saan ang hawak kong flashlight. Maigi na lang at naitukod ko ang braso ko pero naramdaman ko ang sakit sa magkabila kong tuhod.

"Daphne."

Parang huminto yata sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nagkunwari akong walang narinig at dali-daling tumayo 'tsaka hinanap ang flashlight na nabitawan ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at ang pagtulo ng pawis sa nood ko. Parang anytime ay mahihimatay ako sa sobrang kaba at takot.

Napalunok ako nang mamalayang pamilyar ang parteng ito. Tama nga hinala ko, paglingon ko sa may parteng bangin ay nakita ko ang hinahanap kong flashlight, sa tabi ng balon. Natulos ako sa kinatatayuan ko, hindi makapag-desisyon kung lalapit ba do'n o tatakbo na papalayo.

"Daphne."

Iyan na naman 'yong boses. Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi na marinig 'yon pero hindi ko magawa. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at tanging ang kakaibang balon lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lumapit do'n, parang kusang gumagalaw ang mga paa ko patungo do'n hanggang sa namalayan kong nasa harapan na ako ng balon. 

Napapikit ako dahil sa liwanag na nanggagaling do'n. Huli na nang matauhan ako, naramdaman ko na lang na nakaapak na ako sa bunganga ng balon. Hindi ko alam kung paano nangyari, parang may kung anong kumokontrol sa galaw ng katawan ko at bago ko pa mapigilan 'yon ay namalayan ko na lang na nalalaglag na ako sa kailaliman ng balon

"Benson!" Narinig ko pang paulit-ulit na sigaw ng isang boses bago ako tuluyang malaglag nang tuluyan. 

Hindi ko magawang sumigaw at hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman, parang nablangko ang isipan ko habang nararamdaman ang pagkahulog ko kung saan. Katapusan ko na ba? Napapikit ako at unti-unting tinanggap ang mga mangyayari, siguro ito na nga 'yon. Pero ilang minuto na yata ang lumilipas ay walang pinagbago ang sitwasyon ko.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now