Chapter XX (Mask)

12 1 0
                                    

Giving up is never an option because there's always a way to make something happen.

That was what Lola Esther used to remind me all the time. At siguro that's what I really need. Kailangan kong itatak sa utak ko 'yon kasi ang bilis-bilis kong sumuko.

I sighed once again habang nakatitig sa mga kamay ko na madaming sugat at galos. Panibagong araw na naman. Buong hapon akong nagsanay gamit ang espadang 'yon pero feeling ko wala pa ring nagbago. Pero siyempre hindi ako susuko!

Bago ako lumabas sa kwarto ay tinapalan ko muna ng tela na may kasamang gamot ang mga kamay ko para gumaling agad ang mga sugat. I can't waste time. Habang lumilipas ang mga araw ay palapit na din nang palapit ang paligsahang sasalihan ako. Kailangan ko nang maging handa. Ayos lang kung hindi ako matutulungan ni Favian at Fiona. Kaya ko 'to mag-isa.

Speaking of the two, silang dalawa agad ang bumungad sa akin pagdaan ko ng dining room. They are having breakfast. "Good morning!"

"Magandang umaga din, Daphne." Bati pabalik ng pusa. Si Favian naman ay tahimik lang na nakaupo wari'y pinapanood ang bawat galaw ko. He's not wearing his usual 'Knight' clothes but just a simple shirt and cargo shorts.

He look human with that outfit, well tao naman talaga siya. Pero medyo weird nga lang kasi suot niya pa rin ang maskara niya. Hindi niya yata hinuhubad 'yan eh.

Dumampot lang ako ng dalawang pirasong tinapay bago umalis do'n at dumiretso sa lugar kung saan ako nagsasanay. I start my routine by doing some exercises na napanood ko sa youtube kagabi pagkatapos no'n ay humawak na din ako ng espada at sinubukang tantiyahin kung kakayanin ko nang mahati sa dalawa ang batong 'to. Siguro sapat na lahat na ang limang araw na pagsasanay ko.

Napapikit ako nang mariin. I grip the handle of the sword tightly with my two hands and after so many deep breaths I finally drew it. Bago pa 'yon tumama sa bato ay naramdaman kong huminto sa ere ang hawak kong espada.

Nang magmulat ako ng mata ay si Favian agad ang sumalubong sa akin. Using his sword he block mine. I was about to ask why nang magsimula siyang magsulat sa dala niyang, sketchpad? Why is he holding a sketchpad?

Nakatunganga lang ako do'n habang siya ay nagsusulat. Am I really seeing what am I seeing? Favian writing on a sketchpad habang ang espada niya ay nakasabit na sa likod niya ngayon. He looks cute. I never thought I will see him this way. Sobrang kakaiba niya ngayong araw na 'to ah. Ano kayang meron? Natanggal lang ang titig ko sa kan'ya nang iharap niya sa akin ang sketchpad.

'You are holding the sword wrong. I will teach you how.' Napanguso ako nang mabasa ang sinulat niya. Correct grammar and spelling are observe. Ang ganda din ng penmanship niya.

"Sure! I would love to!" Masigla kong sagot. Ang sabi ko na nga ba ay hindi rin makakapagpigil ang isang 'to eh. Hindi ako pababayaan ni Favian, or baka inutusan lang ni Fiona?

Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon pero nagulat na lang ako nang may iabot siya sa aking espada na gawa sa kahoy. Nabitawan ko din agad 'yon dahil sobrang bigat! "Anong gagawin ko dito? Triple yata ang bigat nito kesa sa mismong espada eh!" Reklamo ko.

Hindi niya ako sinagot at hinarap na naman sa akin ang sketchpad na parang kanina niya pa sinulat ang sagot at talaga ini-expect niyang magrereklamo ako.

'Use the wooden sword.'

Pero na-disappoint ako nang 'yon lang ang nakalagay! Is he serious?! Wala man lang explanation! Mag-d-demand pa sana ako ng paliwanag nang damputin na niya 'yon at muling iabot sa akin. Tinanggap ko naman gamit ang dalawa kong kamay. He then remove my other hand na nakahawak. Akala ko ay hindi niya sinasadya pero nang binalik ko ay tinanggal niya ulit.

Agartha: The Lost CivilizationTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang