Chapter XXXVI (Queen)

16 2 1
                                    

Nandito na ulit ako. Walang pinagbago ang itsura ng paligid. Sobrang payapa pa rin at masarap ang simoy ng hangin kumpara sa totoong mundo. Feeling ko din sobrang ligtas na ako sa lugar na 'to, kabaliktaran n'ong una kong tapak sa lugar na 'to.

Teka, bakit nga ba ako napadpad dito?

"Fiona?" Tawag ko sa puting pusa na nagdala sa akin dito. Hindi ako nilingon n'on at ngumiyaw lang. Napakunot ang noo ko.

"Daphne." Nagulat naman ako nang biglang may bumanggit sa pangalan ko. Paglingon ko sa likod ay anyong tao ni Fiona ang bumulaga sa akin. Napatingin agad ako sa pusa na nasa harapan ko at nando'n pa rin naman 'yon.

Akala ko siya si Fiona!

Medyo naiilang pa akong harapin ang anyong tao na si Fiona. Nakakapanibago. Sobrang ganda kasi niya, mukhang diwata. O literal na diwata talaga? Abala ako sa paghanga sa itsura niyan nang bigla kong maalala na iba nga rin pala ang itsura na meron ako ngayon or should I say, bumalik na ang orihinal kong itsura. Speaking of.

"Paano mo ako nakilala?"

"Alam namin ang lahat umpisa palang, Daphne." Nakangiting sabi niya. And that's the Fiona that I know. Ewan ko pero kahit medyo nawweirduhan ako sa gawain niya na 'yon I find it cute. Laging may last name ko bawat sentence na sasabihin niya.

Teka, what did she just said?

"Anong ibig mong sabihin?"

She smiled at imbes na sagutin ang tanong ko ay may pumitik ang mga daliri niya and the next thing I knew may hawak na siyang kung ano. "Ikkwento ko sa'yo ang lahat habang papunta tayo sa bayan, Daphne."

Tumango na lang ako tinanggap ang inabot niyang itim na hood. Sinuot ko 'yon at sumunod na din. Pigil na pigil akong itanong kung nasaan si Favian? Biglang lumakas ang tibok ng puso ko just the thought of him.

I miss him so much.

Pero makikilala niya kaya ako once na makita niya ako? Ano kayang magiging reaksiyon niya na iba na ang itsura ko? Teka, why would I care about his reaction, anyways? Stop it, Daphne. Habang naglalakad ay hindi ako mapakali, I keep on thinking about Favian. It's been years pero sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko sa Agartha at habang buhay na sigurong nakatatak sa akin lahat ng 'yon.

And I'm actually here again.

Nakarating na kami ng bayan at may napansin agad akong kakaiba. The atmosphere is so gloomy o ako lang yata? Sobrang tahimik ng paligid at halos lahat ng mga nilalang na nakakasalubong namin ay parang matamlay. I wonder what's happening? Nang makapasok kami sa bahay ay agad kong inusisa si Fiona.

"Anong meron? Ako lang ba o parang may kakaiba? May nangyari ba?" I asked at binaba ang hood ng suot kong cloak.

"Madaming nagbago sa loob ng isang daan at walampung taon mong pagkawala." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses pero wala naman akong nakita not until unti-unting lumaki ang maliit na kislap na natanaw ko hanggang sa maging pormang tao 'yon.

Napaatras ako sa gulat nang ma-realize na si Trixie 'yon. Sumariwa sa akin ang kataksilang ginawa niya. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Hindi siya kalaban, Daphne." Sabi ni Fiona pero hindi 'yon naging sapat para kumalma ako. Naghanap ako nang matalim na bagay sa paligid para sa gawing pang-depensa pero wala akong makita.

"Nakalimutan ko na ba ang ginawa ng babaeng 'to, Fiona? Siya ang dahilan kung bakit ako nawala sa Agartha."

"Kubg hindi ba dahil sa ginawa mo sa tingin mo madidiskubre mo ang tunay na ikaw?" Seryosong sabi ni Trixie dahilan para matigilan ako. Pero hindi ako nagpatinag at matalim siyang tiningnan.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now