Chapter XIX (Impossible)

11 2 0
                                    

Ang buong akala ko ay sa tent na naman kami tutuloy tulad n'ong dati pero laking pasasalamat ko nang malamang sa isang maganda at magarang bahay kami tutuloy. Nasa kwarto ko ako ngayon at hindi mapuknat ang ngiti sa labi habang nililibot ang mata sa paligid.

This will be my room, and it's not just a room! Puno 'yon ng mga libro! Parang library lang pero ang pinagkaiba ay may kama, Hindi ko alam kung aware ang magkapatid na mahilig akong magbasa ng libro o nagkataon lang. 

Dadampot na sana ako ng libro nang ma-realize kong hindi pa nga pala ako ligo. Dumiretso ako sa closet na nado'n at hindi ko inaasahang may makikita akong mga damit. Most of it are dresses na pabor naman sa akin. I pick the brown one with a ruffle sleeves bago dumiretso sa batchroom upang maligo. 

Diretso na sana akong maliligo nang makita ko na naman ang repleksiyon ko sa salamin. Hindi ko na naman maiwasang titigan ang itsura ko. Napahawak pa ako sa mahaba kong buhok. Should I cut my own hair already? Ang haba na pala.

I erase the thought immediately, Lola Esther will get mad. Gusto niya ay mahaba lang ang buhok ko. Pero hindi naman niya malalaman 'di ba? Hindi ko na sana itutuloy nang mapatingin ako sa isang gilid kung saan may nakasabit na gunting. I sighed. Okay, fine. Kinuha ko 'yan at humarap sa salamin.

Maybe it's time to change my hairstyle.

"Magandang umaga!" Bati ko sa magkapatid na kasalukuyang naguumagahan. Tumango lang si Favian sa akin samantalang si Fiona naman ay hindi ako nilingon dahil abala sa pag-inom ng gatas niya.

Wow, hindi man lang nagyaya kumain? Pasimple kong sinuklay ang maikli kong buhok na hanggang baba na lang ang haba. Hoping na makakatanggap ng puri mula sa kanila pero bigo ako. Sabi ko nga. Ano pa bang ini-expect ko sa dalawang 'to?

Napasimangot ako at nagsimulang magsandok ng pagkain. Pasimple akong sumulyap kay Favian. Sinusubukang hulihin ang tingin niya, nang tuluyan siyang mapatingin sa akin ay agad kong tinaas ang mga bitbit kong libro.

"Let's study, later." He just nodded as an answer.

Hindi naman ako makali habang kumakain, iniisip kung paano ko siya tuturuan. Sanay naman akong magturo pero bakit parang bigla akong nag-doubt sa sarili ngayon? Paano ang gagawin kong approach sa kan'ya? Baka hindi siya matuto sa akin. Pero sa tingin ko naman ay mabilis makaintindi si Favian kaya wala dapat akong ikabahala.

Pagkatapos naming mag-almusal ay niyaya ko siya sa patungo sa library bitbit ang mga gagamitin kong libro. Nang makaupo kami ay atsaka lang ako nakaramdam ng kaba. Nasa tabi ko sa kan'ya and he's just waiting for me to do something. Bakit bigla akong kinabahan?! Parang nablangko ang isipan ko bigla. What the hell?

Erase Daphne! Ito naman kasing si Favian eh nakaka-intimidate ng sobra! Parang kaunting pagkakamali ko lang ay mapapansin niya. Or ako lang ang nag-iisip ng ganito? Nevermind!

"O-okay. Let's start with the basics."

Lumipas ang kalahating oras na siyempre ako lang ang nagsasalita at siya panay lang ang tango. Pilit na pinapaintindi sa kan'ya ang bawat letters na sinusulat ko. "Gano'n lang. Madali lang naman tandaan 'di ba? You try it. Kopyahin mo 'to, tingnan ko kung may natutunan ka. Kuha lang ako ng makakain, sandali."

Binigay ko sa kan'ya ang pen na hawak ko na walang pag-aalinlangan naman niyang tinanggap. He stare at it at the moment. Tumayo naman na ako para dumiretso ng kusina. Kumuha ako nang makakain at bumalik din agad sa dining table.

Nang maabutan ko siya ay nakahalukipkip na siya at nakasandal sa upuan. Inabot niya sa akin pabalik ang ballpen. "You done?" Tanong ko. He nodded innocently. 

Agad kong kinuha ang papel na sinulatan niya at tiningnan. Napakunot ang noo ko at ready na sanang puriin siya nang magulat ako sa nakasaulat. Halos mapanganga ako sa nabasa ko. Written in a very precise and clean penmanship says.

Agartha: The Lost CivilizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon