Chapter X (Strong)

18 1 0
                                    

"Kumusta ang pakiramdam mo Daphne?" Tanong ng pusang si Fiona. Kaharap ko silang dalawa ni Favian ngayon at katatapos ko lang inumin ang mga gamot na dala nila.

Pangatlong araw ko na sa lugar na 'to at pansin ko agad ang mabilis na paghilom ng mga sugat ko at sa tatlong araw din na 'yon ay hindi ako nakalimutang kamustahin ng dalawa.

Inunat ko ang mga braso at binti ko. "Ayos naman, magaling na ang mga sugat na natamo ko pero pakiramdam ko ay hindi pa gaanong naghihilom ang mga bali ko, lalo na dito sa kabilang binti," Ginalaw ko pa 'yon at nakaramdam ako ng kakaunting kirot.

Napahawak naman ako sa takip ng kaliwa kong mata nang may maalala.

"Pwede ko na bang tanggalin 'to?" Buong tapang kong tanong.

Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumango si Fiona at sumenyas kay Favian na tulungan ako sa pagtanggal ng benda na nakapulupot sa ulo ko. Habang ginagawa niya 'yon ay abot-abot ang kaba ko. Natatakot sa malalaman. Makakakita pa kaya ang isa kong mata?

Nasagot ang mga katanungan ko nang tuluyan 'yong matanggal. Unti-unti kong minulat ang isa kong mata at parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang walang maaninag na kahit ano mula do'n. Kinurap-kurap ko pa 'yon, nagbabakasaling baka nanibago lang.

Pero wala, tanging kadiliman lang ang meron. Napatulala ako nang hindi makapaniwala. Bulag na talaga ang isa kong mata, in-expect ko naman na mangyayari ito pero bakit hindi ko matanggap? Masakit. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagsisimula iyong manikip.

Gusto kong umiyak. Hindi ako makapaniwalang nangyari sa akin 'to.

"Daphne-"

"Gusto kong mapag-isa, please."

Mabuti naman at hindi na sila nagpumilit at iniwan din akong mag-isa. Nanginginig ang mga kamay ko nang damputin ang salamin para makita ang repleksiyon ko at halos manginig ang buong kalamnan ko nang tuluyang makita kung ano ang nangyari sa mukha ko.

May malaking hugis pahilig na peklat sa kaliwang parte ng mukha na, masiyadong malalim ang sugat n'on pero halata naman na gumagaling na. Napahawak ako sa parteng 'yon nang hindi pa rin makapaniwala. Sira na nga ang mata ko pati ba naman ang mukha ko?

Ang pangit tingnan sobra. Hindi ako 'to. Napapikit ako nang mariin at nabitawan ang hawak kong salamin. Sana hindi na lang totoo ang lahat ng 'to. Sana nananaginip na lang ako. Gusto ko nang magising, pero sa muling pagmulat ko ay nabigo lang ako.

Totoo lahat ng 'to. Nangyayari talaga sa akin lahat ng kamalasan na meron ako ngayon. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ito na naman, iiyak na naman ako. Palagi naman, ano bang bago? Iniyak ko na lang nang iniyak lahat ng lungkot at takot na nararamdaman ko hanggang sa katawan ko na mismo ang mapagod.

Simula no'ng araw na malaman kong bulag na talaga ang isa kong mata at wala na 'yong pag-asang makakita pa ay lalo akong naging matamlay at nawalan ng ganang mabuhay.

Hindi ko na nga namalayan na ilang linggo na agad ang nakalipas mula no'n eh dahil sa sobrang kalungkutan. Araw-araw naman akong kinukumusta ng dalawa pero sobrang sandali lang no'n at umaalis din sila agad. Nararamdaman siguro na ayaw ko ng kausap.

Panibagong araw na naman ang sasayangin ko. Nakahiga ako ngayon at nakatanaw lang sa kulay lilang kalangitan mula sa butas ng tolda, ganito lang ang gawain ko sa araw-araw. Pilit na iniisip pa rin kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito at bakit sa akin pa?

Napabangon ako nang makarinig ng mga yapak papalapit. Maya-maya ay pumasok si Favian na may dalang mga libro, they grant my request! Tahimik niya iyong nilapag sa tabi ko at agad ko naman 'yong pinakialaman after uttering my thanks to him.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now