Chapter VII (Adapt)

21 2 0
                                    

Dilim lang ang bumabalot sa buong paligid, hindi ko na alam kung ilang minuto kaming nandito, sa tantiya ko ay magkakalahating oras na yata. Napatulala ako at muling pinroseso ang lahat ng mga pangyayari.

Nangyayari ba talaga lahat ng 'to o isang panaginip lang? Ang imposible lang kasi talaga kung iisipin. Napatitig ako sa tulog pa rin na si Sir. Marshall,  kasalanan ko kung bakit siya nandito at bitbit ko rin ang konsensiya kapag may nangyaring masama sa kan'ya. Napabuntong hininga na lang ako at napapikit hanggang sa nilamon ako ng antok at tuluyang nakatulog.

Maya-maya lang din ay naalimpungatan ako nang may naramdamang kung anong puwersa na tila hinihigop ang buong pagkatao ko, sa muling pagmulat ko ay sinalubong agad ako ng matalim na tingin ni Selma.

"Tayo ang malalagot kapag nalaman nila na may tinatago tayong tao!" Sabi ni Selma at hinarap ang nakahalukipkip na si Oscar sa isang gilid. "Lagot tayo Oscar! Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa atin kapag may nakaalam nito?!"

"Ano?" Hindi ko napigilang sabihin, sabay pang napalingon sa akin ang dalawa.

"Makukulong kaming dalawa ni Selma at mapaparusahan naman kayong dalawa ng kamatayan. Tulad ng sinabi ko kanina, malaki ang dulot na threat ng mga tao sa lugar na 'to kaya wala silang choice kung hindi ang patayin kayo." Sagot ni Oscar na kalmado lang hindi katulad ni Selma na hindi makali. 

Napangiwi ako, gano'n kalala? Grabe naman. Hindi na ako nagulat, iyon naman ang expected ko na mangyayari. "Anong plano niyong gawin sa amin? Isusuko niyo ba kaming dalawa?"

"That's exactly what we are planning." Diretsong sagot ni Selma. "Ayaw namin ng gulo at 'yon lang ang tanging paraan na naiisip namin. Hindi kayo makakabalik sa pinanggalingan niyo nang gano'n kadali at hindi rin naman kayo pwedeng magtagal sa lugar na ito, mas lalala lang ang sitwasyon."

"I get your point Selma," Napatango pa ako at ngumiti nang matamis dahilan para kumalma ang espresyon niya. "Pero kapag ginawa niyo 'yon I will tell them na kayo ang nagdala sa amin sa lugar na ito, sa tingin niyo ano kayang mangyayari sa inyong dalawa kapag gano'n ang ginawa ko?"

Namutla ang mukha ni Selma sa sinabi ko, nagdilim ang paningin at akmang susugod na sa akin kung hindi lang siya napigilan ni Oscar. Of course, in order to survive I should outwit them.

"She has a point Selma. Hindi natin pwedeng gawin ang plano mo ng basta-basta, walang maniniwala sa atin kapag sinabi natin kung paano sila napadpad dito. Napaka-imposible ng bagay na 'yon. Mas paniniwalaan nila na tayo ang nagdala sa kanila sa lugar na 'to."

Pasimple akong napangisi, mabuti na lamang at nag-iisip si Oscar. Natigilan si Selma pero halata pa rin ang pagakabahala sa itsura. "What should we do then?"

"Kailan niyo kaming tulungan na makahanap ng paraan para makabalik sa pinanggalingan namin." Ako ang sumagot. 

"Imposible ang gusto mong mangyari. Napaka-delikado niyan." Tanggi na naman niya.

I almost hissed at her. "Magiging posible ang lahat kung makiki-coooperate na lang kayo."

"Easy for you to say Daphne. Kung kayo siguro ang nasa sitwasyon namin ay malalaman-"

"Sige, kung kayo din kaya sa sitwasyon namin, anong gagawin niyo kung alam niyo na pwede kayang mamatay anytime sa lugar na 'to? Look, this is the best choice. Come to think of it, wala namang makakaalam kung tutulungan niyo kami 'di ba? Hahanap kami ng paraan para makaalis dito, ang kailangan lang namin ay ang tulong niya para  matuto kaming makibagay sa lugar na 'to."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Oscar.

"This is my plan, kanina ko lang ito pinag-isipan. Tulungan niyo kami ni Sir. Marshall na magpanggap bilang mga katulad niyo at habang ginagawa namin 'yon kasabay ay ang paghahanap namin ng paraan kung paano makabalik sa pinanggalingan namin. Madali lang naman 'yan kung magtutulungan tayo. Hindi niyo na kailangang isuko kami, please. Pwede bang magtulungan na lang tayo?" Buong pusong pakiusap ko.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now